Liham Mula sa Isang 14-Anyos na Estudyante
Noong Pebrero 14, ang araw na kinikilala ng daigdig bilang Valentine’s Day, hiniling ng aming guro sa Ingles ang kaniyang mga estudyante na gumawa ng mga kard para sa Valentine. Hindi ko siya makumbinsi na payagan na lamang akong gumawa ng ibang bagay, kaya isinulat ko ang tulang ito:
Kung kilala mo ang Diyos,
sabi ng marami,
Hindi mo ipagdiriwang
ang Valentine’s Day.
Pagka’t ito’y mula
sa alamat ni Kupido,
Sinaunang huwad na diyos
ng ilang estupido.
Kaya sa makatang paraan,
ang kard na ito’y nagsasabi,
Ng di ko pagdiriwang
ng Valentine’s Day.