Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g88 3/8 p. 28
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1988
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Panlulumo
  • Pagtatagumpay Laban sa Panlulumo
    Gumising!—1987
  • Pagsisiwalat sa mga Pinagmumulan
    Gumising!—2001
  • Depresyon sa mga Kabataan—Mga Dahilan at Panlaban
    Gumising!—2017
  • Bakit Gayon na Lamang ang Aking Panlulumo?
    Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas
Iba Pa
Gumising!—1988
g88 3/8 p. 28

Mula sa Aming mga Mambabasa

Panlulumo

Taglay ang interes na binasa ko ang inyong mga artikulo tungkol sa “Panlulumo​—Mapagtatagumpayan Mo Ito!” (Oktubre 22, 1987) Ang paglalahad ninyo ng materyal ay tamang-tamang at ang mga sinipi ay wasto at nakatutulong. Gayunman, sa kabila ng inyong mahusay na mga paglalarawan ng mga sintomas at mga damdamin na nararanasan ng isang taong nanlulumo, inaakala kong ang panlahat na pagdiriin ng materyal ay yaong “supilin mo ang iyong sarili.” Hindi basta “masusupil [ng gayong mga tao] ang kanilang mga sarili” gaano man ang kanilang pagsisikap. . . . Ang mungkahi na dapat “paglabanan” ng isa ang panlulumo ay maaari lamang magpalubha sa di-kinakailangang mga damdamin ng pagkakasala at kawalang-kaya. . . . Ang nabanggit ay hindi dapat tanggapin bilang isang tuwirang pamumuna, bagkus ilang mga punto na inaakala kong nangangailangan ng pagdiriin, sa ating mga pagsisikap na lumikha ng isang kapaligiran ng pag-unawa at angkop na pangangalaga sa nanlulumo at sa kanilang mga pamilya. Malaking kabutihan ang nagagawa ng inyong magasin sa pagtatampok sa paksang ito sa isang paraan na makatutulong sa marami na magkaroon ng mas mabuting pagkaunawa tungkol sa panlulumo.

D.L., Depressives Associated, Inglatera

Tiyak na hindi namin itinataguyod ang “supilin mo ang iyong sarili” na terapi. Ipinakikita ng aming mga artikulo na mayroong sarisaring antas ng panlulumo at iba’t ibang mga sanhi. Hindi lahat ng panlulumo ay dala ng pag-iisip ng isa, at sa grabeng mga kaso ang tulong ng propesyonal ay kinakailangan. Gayunman, maliwanag na ipinakikita ng pananaliksik na kadalasang mahalaga na baguhin ng isa ang isipan upang lubusang mapagtagumpayan ang panlulumo. Bagaman totoo na ang nanlulumo ay maaaring mangailangan ng tulong upang baguhin ang kaniyang pag-iisip, sa ilang antas ng panlulumo malaki ang magagawa ng isang tao upang maiwasang lumala ang kaniyang kalagayan sa pamamagitan ng paggawa ng mga pagbabagong nabanggit. Maraming tao, na nakapanayam ng “Gumising!” samantalang tinitipon ang mga artikulo, ay bumanggit na ang nagtatagal na ginhawa ay nagmula sa pamamagitan ng pagbabago ng kanilang pag-iisip. Ipinabatid lamang ng mga artikulo sa aming mga mambabasa ang tungkol sa uri ng pag-iisip na maaaring magpalala sa problema o labanan ito.​—ED.

Ang inyong mga artikulo tungkol sa panlulumo ay dumating sa tamang panahon. Nakalulungkot na masumpungan ang aking sarili na inilalarawan sa ilang mga pangungusap. Mga ilang taon ko nang pinaglalabanan ang pagkasilóng (inferiority complex), at kung minsan ay walang-wala akong paggalang-sa-sarili. Marami sa iniharap na impormasyon ay lubusang nagpapahayag ng aking mga damdamin. Batid ko na sa ilang mga bagay dapat kong matutuhang baguhin ang aking paraan ng pag-iisip.

S.G., Pederal na Republika ng Alemanya

Maraming salamat sa inyong mga artikulo tungkol sa panlulumo. Ako’y dumanas ng matinding panlulumo mula sa aking pagkabata patuloy, laging nakikipagbaka laban sa sumisira-sa-sarili na mga kaisipan. Noon lamang ako’y sumapit sa edad na 30’s na natutuhan ko sa pamamagitan ng mga pagsubok sa alerdyi na ang pagpipigil sa aking pagkain ay makakabawas nang malaki sa problema. At pinangyari ng inyong mga artikulo na matalos ko na naroon pa rin ang nakapanlulumong pag-iisip, na nag-aalis sa akin ng kagalakan at, higit na mahalaga, pinangyayaring ipasa ko ang nakapanlulumong huwaran sa aking mga anak dahil sa paraan ng pakikitungo ko sa kanila. Ang artikulong “Pagtatagumpay Laban sa Panlulumo” ay nagbigay sa akin ng pag-asa na mayroong paraan upang pakitunguhan ang problema. Nakikita ko na ang positibong mga resulta sa aking sarili at sa aking mga anak mula sa pagkakapit ng mahuhusay na mungkahi na inilahad ninyo.

R. G., Estados Unidos

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share