Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g88 3/8 p. 29-30
  • Pagmamasid sa Daigdig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagmamasid sa Daigdig
  • Gumising!—1988
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • “Mahalagang” mga Tonsil
  • Idlip ng Sanggol
  • Kapuri-puring Atay
  • Sinisira ang Katatagan ng Pag-aasawa
  • Sakit-sakitan
  • Panganib sa Leukemia
  • Pambihirang Problema
  • Pagkaliliit na mga Minero
  • Pagtatayong-muli sa Babilonya
  • Nasumpungan ang Ikalawang Bapor
  • Pagmamasid sa Daigdig
    Gumising!—1997
  • Karapatan Ninyo na Pumili
    Papaano Maililigtas ng Dugo ang Inyong Buhay?
  • Malusog na Mommy, Malusog na Baby
    Gumising!—2009
  • Pagmamasid sa Daigdig
    Gumising!—1987
Iba Pa
Gumising!—1988
g88 3/8 p. 29-30

Pagmamasid sa Daigdig

“Mahalagang” mga Tonsil

‘Ang higit na kabatiran tungkol sa mahalagang imyunobiyolohikal na gawain ng mga tonsil’ ay tumitiyak ng isang bagong paraan ng paggamot rito kaysa mapagpipiliang pag-aalis ng mga tonsil, sang-ayon sa isang propesor ng otolaryngology sa Boston University School of Medicine. Iniuulat ni Dr. Geza Jebo ang tagumpay sa paggamit ng CO2 laser sa paggamot sa 22 mga kaso ng talamak na tonsillitis, ginagamit ito upang ayusin sa halip na tanggalin ang mga tonsil. “Ang edad ng mga pasyente ay mula 14 hanggang 42 anyos at lahat ay iniulat na madalas nagkakasakit ng tonsillitis dalawa o 11 taon bago ang operasyon,” sabi ng The Medical Post ng Canada. Isa pang napakahalagang bentaha: “Walang pagdurugong naganap pagkatapos ng operasyon na nangangailangang ng mga pagdalaw sa tanggapan o sa emergency room.”

Idlip ng Sanggol

Labindalawang taon na ang nakalipas, isang Hapones na doktor ang naglagay ng isang maliit na condenser na mikropono sa loob ng isang bahay-bata ng tao. Sa pagpapatugtog sa tape rekording ng mga tunog ng matris sa 87 umiiyak na mga sanggol, napatahan niya ang 84 na porsiyento sa kanila. Isa pang mas modernong pagsulong tungkol sa ideya ring ito ang pinangasiwaan sa Queen Charlotte’s Hospital, London, Inglatera, na mayroong rekording ng tunog ng pagtustos ng dugo mula sa arteriya ng ina tungo sa inunan. Nasumpungan ng ina ang matagumpay na nakapagpapatulog na epekto nito upang patahimikin ang kaniyang sanggol sa unang limang buwan pagkasilang nito. Ang susi sa mabisang paggamit ng gayong mga paraan, ulat ng The Times ng London, ay simulan ang pagpapatugtog sa tape karaka-raka pagkasilang ng bata.

Kapuri-puring Atay

Sa isang bayang Kastila ng El Ferrol, inalisan ng tabing ni Mayor Ulla kamakailan ang isang istatuwang bantayog sa atay. Sa kaniyang pagtatrabaho bilang isang doktor at isa na nagsasagawa ng pagsusuri pagkamatay sa bayan, nakita niya ang daan-daang mga atay “na pinahirapan ng mga inuming pampagana, alak, mga trangkilayser, at iba pang mga gamot.” Araw-araw kailangang paglabanan ng atay ang gayong mga lason, sabi niya. Ang granitong eskultura, na ginastusan ng konseho ng bayan at ng isang bangko, ay nilayong bigyang kredito ang “hindi palalo at hindi mapag-imbot na sangkap” na ito ng katawan.

Sinisira ang Katatagan ng Pag-aasawa

“Ang panlahat na kaugnayan sa pagitan ng pagsasama bago ang kasal at ang kasunod na katatagan ng pag-aasawa ay kapuna-puna,” sabi ng isang report ng National Bureau of Economic Research sa Cambridge, Massachusetts. “Ang dami ng hinihiwalayang mga babae na nakikisama na sa kanilang mapapangasawa bago pa ikasal ay, sa katamtaman, halos 80 porsiyentong mas mataas kaysa roon sa hindi gumagawa nito.” Kabilang sa pag-aaral ang 4,996 mga babaing taga-Sweden na ang edad ay nasa pagitan ng 20 at 44 anyos, ang ilan ay nakisama na sa kanilang mga kabiyak bago pa ang kasal at ang iba ay hindi. Ang dami ng nagsasama bago ikasal sa Sweden ay tatlong ulit kaysa Estados Unidos. “Lumilitaw na ang mga taong nagsasama bago ang kasal ay hindi gaanong nagtitiwala sa institusyon ng pag-aasawa at mas mahilig na magdiborsiyo kaysa mga taong hindi nagsasama bago ang kasal,” sabi ni Neil Bennett, isa sa mga awtor ng report.

Sakit-sakitan

Nang ang isang lalaki ay magtungo sa isang ospital sa London, Inglatera, ang kaniyang atake sa puso ay napatunayang huwad na gaya ng personal na mga detalye na ibinigay niya tungkol sa kaniyang sarili. Gayunman, sang-ayon sa Journal of the Royal Society of Medicine, ipinahihiwatig ng kaniyang maraming peklat na bunga ng mga operasyon na matagumpay na nalinlang niya ang mga propesyonal sa medisina sa iba pang mga ospital na siya ay operahin. Ang dahilan? Siya ay may sakit na Munchausen’s syndrome, isang medikal na termino para sa guniguning karamdaman. Taun-taon kasindami ng 1,500 may sakit ng gayon sa Britaniya ang nagnanais na sila’y operahin ng mga doktor sa mga ospital. Sang-ayon sa The Times ng London, gayon na lamang kakumbinsido ang mga maysakit na ito tungkol sa kanila mismong karamdaman anupa’t kanilang pinapalsipika ang medikal na mga rekord at pinakikialaman pa nga ang kagamitan sa pagririkonosi upang makatawag-pansin.

Panganib sa Leukemia

Isang medikal na pag-aaral sa Australia ang nagsasabi na mayroong kaugnayan sa pagitan ng pagpapakuha ng X ray sa panahon ng maagang mga yugto ng pagdadalang-tao at leukemia ng bata. Kahit na ang mga X ray sa ngipin sa unang tatlong buwan ng pagdadalang-tao ay maaaring maging mapanganib, sabi ng mga mananaliksik. Ang punong mananaliksik ng pag-aaral, si Dr. Bill McWhirter, ay naghinuha: “Sa palagay ko tiyakang masasabi namin, bilang resulta ng mga tuklas na ito, na ang mga X-ray sa panahon ng pagdadalang-tao ay maaaring pagmulan ng leukemia ng mga bata at hangga’t maaari’y dapat iwasan.” Hindi nasumpungan ng pangkat na nananaliksik ang kaugnayan sa pagitan ng mga pestisidyong pambahay at leukemia, bagaman ang mga herbisidyo at mga pestisidyong pang-agrikultura ay pinaghihinalaan pa rin. Binanggit din ng ulat sa The Medical Post na ang mga nagdadalang-taong may suplementong folic acid ay “malamang na hindi magkaroon ng anak na may leukemia.”

Pambihirang Problema

“Bagaman hindi pinahihintulutan ng iglesya Katolika ang mga babae sa pagkapari, pinaninindigan nito na ang isang ordenadong pari ay nananatiling ordenadong pari magpakailanman, anuman ang kaniyang mga pagkakasala,” sabi ng The Economist. Ang problema ngayon ay na isang paring nagngangalang Paolo, na naglingkod sa loob ng 25 taon sa isang bayan sa gawing timog ng Italya, ay napasailalim kamakailan ng isang operasyon na nagbabago ng sekso upang maging isang babae. “Ang babaing ito” ay humiling, at tumanggap, ng maagang pagriretiro at pensiyon sa pagkapari. Ngayon dapat pag-isipan ng Vaticano kung ano ang dapat gawin kay Paolo. “Maaaring pinili ng Vaticano ang pambihirang insidenteng ito sa kasaysayan ng pagkapari na manatiling lihim,” sabi ng The Economist.

Pagkaliliit na mga Minero

Isang bagong paraan ng pagpoproseso ng mineral na ginto ay isinasagawa sa Timog Aprika. Sang-ayon sa pahayagan sa Timog Aprika na Business Day, ang mahirap kuning mga mineral na hindi tumutugon sa karaniwang paraan ng pagkuha ng ginto ay ipinapasa sa baktiryang tinatawag na Thiobacillus ferrooxidans. Dinudurog ng pagkaliliit na mga minerong ito ang nakapaligid na pyrite, na gumagawang madaling makuha ang ginto. Ang bagong paraan, na tinatawag na bioleaching, ay mas mura kaysa dating paraan na pagdarang sa mineral, na nangangailangan ng magastos na paraan upang iwasan ang polusyon. Ang kakayahan sa gawain ay waring isa pang bentaha. “Sa aming Fairview bioleaching na planta,” sabi na metalurgong si Pieter van Aswegan, “nakakuha kami ng 95 porsiyento o higit pang ginto, kung ihahambing sa 90 porsiyento na nakukuhang ginto sa pamamagitan ng pagdarang.”

Pagtatayong-muli sa Babilonya

Walong taon na ngayon, ang pamahalaan ng Iraq ay gumagawa upang itayong-muli ang sinaunang Babilonya. Wala silang gaanong nagawa, yamang ang pinakamahusay na mga artifact ay matagal nang inalis ng mga Aleman at mga Pranses, at ginamit ng mga Turko ang mga ladrilyo sa pagtatayo ng mga prinsa sa Eufrates. Mayroon lamang ilang mga larawan upang magpatuloy, ang karamihan ng pagtatayong-muli ay batay sa imahinasyon ng kung ano ang hitsura ng orihinal na lunsod​—na minsa’y sumaklaw ng halos dalawampung kilometro kuwadrado at may isang milyong populasyon. Mga 1,800 manggagawang dayuhan ang nagtatrabaho, yamang ang mga lalaking taga-Iraq ay nakikipaglaban sa isang digmaan. Kamakailan, dali-dali nilang inilatag ang 14 na milyong ladrilyo upang muling-itayo ang mga dingding at mga torrecilla. Kumusta naman ang trabaho? “Sinasabing ang mga dingding na itinayo libu-libong taon na ang nakalipas ay mas tuwid kaysa mga dingding na itinatayo nila ngayon,” sabi ng isang diplomatiko.

Nasumpungan ang Ikalawang Bapor

Ang ikalawang silid sa ilalim ng lupa na malapit sa Great Pyramid ng Giza ay nalagusan na ngayon at nakikita sa pamamagitan ng isang maliit na kamera. Gaya ng inaasahan, ito ay naglalaman ng isa pang bapor na panlibing para sa “kaluluwa” ni Faraon Cheops. Gayunman, ang tunguhin ng mga mananaliksik na makakuha ng sampol ng nakulong na sinaunang hangin, upang alamin kung ano ang katulad nito bago nangyari ang maraming pagsunog ng mga fossil fuel, ay waring nabigo. “Malamang na ang hangin sa hukay ay hindi nanatiling walang pagbabago sa loob ng 4,600 mga taon,” sabi ng siyentipikong mananaliksik na si Pieter Tans, na umamoy rito. “Ang batong-apog (limestone) ay lubhang malambot at punô ng maliliit na butas, na nagpapahiwatig na malamang na walang gaaanong sinaunang hangin sa hukay.” Walang plano upang hukayin ang ikalawang bapor na ito. Kumuha ng sampung taon upang pagkabit-kabiting-muli ang kinalas na mga piraso noong una.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share