Andorra—Ang Perlas ng Pyrenees
NAROON sa itaas ng mga Bundok ng Pyrenees ang maliit na prinsipado ng Andorra, nakasiksik sa pagitan ng Pransiya at Espanya. May sukat na 464 kilometro kuwadrado at populasyon na wala pang 50,000, isa ito sa pinakamaliit na mga bansa sa daigdig. Bagaman Pranses at Kastila ang sinasalita, ang opisyal na wika ay Catalan.
Ang Andorra ay mayroong sariling pinuno noon pa mang ikasiyam na siglo, nang ito ay mapasailalim ng pamamahala ng obispo ng kalapit na diyosesis ng Urgel. Ngayon, ang Andorra ay pinamamahalaan ng Kastilang obispong Katoliko ng Urgel at ng pangulo ng Pransiya.
Kung ikaw man ay magtutungo rito mula sa hangganang Pranses o Kastila, ang Andorra ay tulad ng pagtuklas sa isang natatagong hiyas na nasa gitna ng napakataas na Pyrenees.