Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g87 7/8 p. 29-30
  • Pagmamasid sa Daigdig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagmamasid sa Daigdig
  • Gumising!—1987
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Nawawalan ng Impluwensiya ang Vaticano
  • Nakapagpapaikli-Buhay na Kombinasyon
  • Musika sa Operasyon
  • Lumalawak na Disyerto
  • Higit Kaysa Makakaya ng Lupa
  • Halaga ng Lason
  • Malaking Pinsala ng Polusyon
  • “Puspusang Pagsisikap”
  • Bagong Panganib sa Dugo
  • Sinalot ng Nakamamatay na Virus ang Zaire
    Gumising!—1996
  • Mga Tagapagdala ng AIDS—Ilan ang Maaaring Mamatay?
    Gumising!—1988
  • Sino ang Nasa Panganib?
    Gumising!—1986
  • Paano Ako Magiging Balanse sa Pakikinig ng Musika?
    Ang Mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas, Tomo 2
Iba Pa
Gumising!—1987
g87 7/8 p. 29-30

Pagmamasid sa Daigdig

Nawawalan ng Impluwensiya ang Vaticano

Sa loob ng mga dantaon ang mga pangalang Espanya at Pransiya ay kasingkahulugan ng masarap na alak at matatag na Katolisismo. Ngayon, ang alak ay umaagos pa, subalit ang pagtaguyod sa Iglesya Katolika Romana sa dalawang bansang ito sa Timog Europa ay mabilis na humihina. Ang Kruispunt, isang Olandes na magasing Romano Katoliko, ay nag-uulat na 46 porsiyento lamang ng lahat ng mga Kastila ang nagnanais pa na mairehistro bilang aktibong mga Katoliko, at 18 porsiyento lamang ng lahat ng tao sa Espanya ang nagsisimba lingu-linggo. Sa gayunding paraan, ipinahayag ng Sofres Institute sa Paris, Pransiya, na 55 porsiyento ng lahat ng Romano Katoliko sa bansang iyon ang may palagay na maaari nilang waling-bahala ang opisyal na mga pahayag ng papa at gayunma’y manatili pa ring mabuting mga Katoliko. Naniniwala sila na ang aborsiyon at ang pagsasama nang hindi kasal ay pinapayagan at na “hindi na kailangan pang mapabilang sa isang parokya o sa isang organisasyong Katoliko.” Ipinakikita ng mga pag-aaral na sa Espanya at sa Pransiya 15 porsiyento ng populasyon ay umalis na sa relihiyon.

Nakapagpapaikli-Buhay na Kombinasyon

“Ang kombinasyon ng hindi mabuting nutrisyon o pagkain at madalas na pagdadalang-tao ay maaaring bawasan ang haba ng buhay ng isang babae ng mga limang taon sa bawat sanggol na mayroon siya,” sabi ng Asiaweek. “Inirirekomenda ng pandaigdig na mga espesyalista ang dalawa o tatlong taong pagitan ng mga pagdadalang-tao.” Pangangalagaan ng mas matagal na pagitan ang ina mula sa “pagkasaid ng ina” dahilan sa pagdadalang-tao at pagpapasuso at pagbubutihin din ang kalusugan ng bata. Binabanggit din ng ulat ang mga pakinabang ng pagpapasuso ng ina “sa paghadlang sa malnutrisyon at sa pagbawas sa kamatayan ng mga sanggol.”

Musika sa Operasyon

Maaari bang makatulong ang musika sa mga pasyente sa panahon ng operasyon? Ang mga resulta ng pananaliksik na isinagawa sa Jefferson General Hospital sa Port Townsend, Washington, ay nagpapahiwatig na ito ay maaaring makatulong. Ang mga epekto ng musika sa silid ng operasyon sa 25 iba’t ibang mga pasyente ay pinag-aralan ng terapis sa musika na si Helen Lindquist Bonny at nars na nagbibigay ng anestisya na si Noreen McCarron. Musika sa halip na pampakalma ang ginamit upang alisin ang mga tunog sa loob ng silid ng operasyon na kadalasang lumilikha ng kabalisahan bago ang isang operasyon. Ang malambing na musika ay nagpapababa ng presyon ng dugo at ng bilis ng tibok ng puso, sabi ng American Health, at binabawasan din nito nang kalahati ang pampakalmang gamot na kinakailangan upang pahinahunin ang mga pasyente. Isang kahawig na pag-aaral sa Pederal na Republika ng Alemanya ay nagpapakita ng kahawig na mga resulta. Ang klasikal na musika, gayundin ang popular na musika noong mga taóng ’40’s at ’50’s, na may mahinahong kumpas at indayog ang ginamit. Iniwasan ang magulo at maingay na mga tunog. Sinasabi ni McCarron na ang nakagiginhawang epekto ng musika ay katumbas ng 2.5 mg ng Valium. Ang mga pasyenteng nakikinig dito ay karaniwan nang mas mabuti ang pakiramdam pagkatapos ng kanilang operasyon at mas madaling nakakauwi ng bahay.

Lumalawak na Disyerto

“Taun-taon, isang dako na doble ng laki ng Belgium, 60,000 kilometro kuwadrado [23,000 sq mi], ay nagiging disyerto,” sabi ng magasing New Scientist. “Ito’y sa kabila ng mga pangako na ginawa 10 taon na ang nakalipas ng 94 na mga bansa na sawatain ang paglawak ng disyerto.” Karamihan ng $6 bilyon (U.S.) na inilaan ng mas mayamang mga bansa upang ihinto ang paglawak ng disyerto ay ginamit para sa sanitasyon at paggawa ng mga kalsada. Bagaman napansin ang ilang mga tagumpay na pangrehiyon, walang isa mang bansa ang nakahadlang sa paglawak ng disyerto.

Higit Kaysa Makakaya ng Lupa

Ang sistema ng lupa na tumutustos sa buhay ay naitutulak sa “bungad” na roon magkakaroon ng permanenteng pagbabago at pinsala, babala ng Worldwatch Institute. Ang bagong report nito, ang State of the World 1987, ay nagsabi na “ang mga pagsisikap upang pagbutihin ang mga pamantayan ng buhay ay nagsisimula mismong isapanganib ang kalusugan ng kabuhayan ng mundo.” Ang mga resulta ng pagpaparumi, paglipol sa mga uri ng buhay halaman at hayop, at pag-unti ng produksiyon ng pagkain at gatong “ay gumagawa sa lupa na hindi gaanong mapaninirahan ng hinaharap na mga salinlahi,” sabi ng report. Isinusog pa nito: “Wala pang salinlahi ang nakaharap ng gayong masalimuot na set ng mga problema na nangangailangan ng kagyat na pansin. Ang naunang mga salinlahi ay laging nababahala tungkol sa hinaharap, subalit tayo ang kauna-unahang salinlahi na napaharap sa mga pasiya na titiyak kung baga ang lupang mamanahin ng ating mga anak ay magiging hindi puwedeng panirahan.”

Halaga ng Lason

Maraming lason ang mas mahal pa kaysa halaga ng mamahaling hiyas o ginto, sabi ng magasing Sobyet na Sputnik. “Halimbawa, ang isang onsa ng lason ng kobra ay nagkakahalaga ng 9,000 dolyar [U.S.], yaong sa Bungarus caeruleus ay 14,000 dolyar, ang isang ahas sa dagat ay 43,000 dolyar, ang coral cylinder-snake sa Hilagang Amerika ay 56,000 dolyar, ang Aprikanong ahas na boomslang ay 283,000 dolyar, yaong sa bubuyog (Bombus muscorum) ay 1,134,000 dolyar, at yaong sa babaing itim na widow spider sa Amerika ay 2,360,000 dolyar.” Bakit ang gayon kataas na halaga? Dahilan sa hirap ng pagkuha nito, yamang ang ilan sa mga uri ng lason ay lubhang bihira. Isa pa, ang mga insekto ay nagbibigay lamang ng mga miligramo ng lason at ang mga ahas ay halos sampung patak, at maaaring kailanganin ang isang buwan upang gumawa ng iba pang dosis. Sa kabila ng halaga, ang gayong mga lason ay kailangan para sa gamit nito sa mga serum upang iligtas yaong mga nakagat at bilang panlunas sa sakit.

Malaking Pinsala ng Polusyon

“Sa Switzerland, kung saan kalahati ng lupain ay kagubatan o kabundukan, ang katamtamang pinsala ng ulan ng asido ay 50 porsiyento,” ulat ng International Herald Tribune, samantalang “sa ibang mga dako . . . ang dami ng patay o namamatay na mga punungkahoy ay umabot na ng 65 porsiyento.” Ang gayong estadistika ay nakababahala sa mga ekologo na ipinalalagay ang ulan ng asido bilang isang malubhang problema na lubhang nakakaapekto sa gawing hilaga ng Europa. Sa Pederal na Republika ng Alemanya, halimbawa, mahigit na 50 porsiyento ng mga punungkahoy ay patay na o namamatay, at sa Pransiya, gayundin ang nangyayari sa rehiyon ng Vosges. Sa Poland ang pinsala ng ulan ng asido ay maaaring maging kasintaas ng 40 porsiyento. Sang-ayon sa isang dokumento mula sa Polish Academy of Social Sciences, na sinipi sa lingguhang babasahing Pranses na L’Express, ang polusyon ng hangin at tubig ay nagkakalat din ng malaking kapahamakan sa Poland. Sa kabila ng malubhang suliranin sa polusyon ng Europa, si Dr. Claude Martin, isang espesyalista sa ulan ng asido, ay nagsabi: “May pag-aatubili na kumilos tungkol dito at kumilos nang may sapat na katatagan.”

“Puspusang Pagsisikap”

Kung gaano karaming uri ng halaman at hayop ang umiiral ay hindi alam. Ang mga tantiya ay mula 5 hanggang 30 milyon, bagaman halos 1.6 milyon lamang sa mga ito ang nakikilala. Yamang kakaunti pa lamang ang napag-aralan para sa siyentipikong mga leksiyon o para sa gamit sa kabuhayan, paliwanag ng The New York Times, ang mga biyologo ay “nanawagan para sa isang bagong panahon ng paggagalugad sa kalikasan, isang puspusang pagsisikap upang masumpungan at mapag-aralan ang angaw-angaw na mga uri ng halaman at hayop bago malipol ang mga ito.” Ang karamihan ng mga uring ito ay nabubuhay sa tropikal na mga kagubatan, na sinisira ng mga nagtotroso o ginagawang mga bukirin at mga rantso. Bagaman ang maliliit na mga kinapal at mga halaman ay hindi nakakagawa ng simpatiya sa publiko na gaya ng nagagawa ng mga balyena at mga panda, ang mga ito “ang pundasyon ng masalimuot na mga bagay na sa wakas ay tumutustos sa lahat ng buhay, pati na ang sa tao,” ulat ng Times.

Bagong Panganib sa Dugo

Ang mga opisyal sa kalusugan ng Estados Unidos ay nababahala na ang isang pambihirang virus na nakakakanser ay maaaring kumakalat sa isang paraan na kahawig ng pagkalat ng virus na nagdadala ng AIDS. “Mayroon kaming ebidensiya ngayon na ang isang virus ay kumakalat sa pamamagitan ng dugo at nauugnay sa isang grabeng sakit na natuklasan sa E.U.,” sabi ni S. Gerald Sandler, medical director ng Red Cross. Ang virus, na tinatawag na human T-cell leukemia virus one, o HTLV-I, ang kauna-unahang virus na nakilalang pinagmumulan ng kanser sa mga tao. Karagdagan sa pag-aanyo ng adultong leukemia, ang virus ay iniugnay rin sa isang sakit sa nerbiyos​—tropical spastic paraparesis, o TSP​—na kahawig ng multiple sclerosis. “Ang virus ay nagbabanta ng isang di-karaniwang panganib dahil sa mahabang panahon na pagtatago nito,” sabi ng The Wall Street Journal. “Ang mga taong may virus nito ay maaaring hindi magkaroon ng leukemia sa loob ng mga ilang taon.” Subalit minsang lumitaw ang sakit, ang taong mayroon nito ay karaniwan nang nabubuhay lamang ng tatlong buwan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share