Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g88 4/8 p. 28
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1988
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Paggamot sa Pasò
  • Ang Konstitusyon ng Estados Unidos
  • Ang Konstitusyon ng Estados Unidos at ang mga Saksi ni Jehova
    Gumising!—1987
  • Isang Pagmamasid sa Bagong Konstitusyon ng Canada
    Gumising!—1985
  • Yelo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Ang Pang-akit ng Pangingisda sa Nagyeyelong Dagat
    Gumising!—2004
Iba Pa
Gumising!—1988
g88 4/8 p. 28

Mula sa Aming mga Mambabasa

Paggamot sa Pasò

Mga ilang panahon na ang nakalipas, nais kong pagdingasin ang pilot light ng tagapagpainit ng tubig na ginagamit sa paligo. Binuksan ko ang gas, at pagkaraan ng ilang sandali, sinindihan ko ang posporo. Walang anu-ano, ang lahat ng bagay sa paligid ko ay nagliyab. Ang likod ng kaliwang kamay ko, na ginamit ko sa pagpihit sa pilot switch, ay lubhang napasò. Naalaala ko pang nabasa sa Gumising! na dapat itong palamigin sa tubig, kaya’t pinalamig ko ang aking kamay sa tubig. Iminungkahi ng aking ama ang paglalagay ng hiniwang dahon ng sabila, at ginawa ko ang gaya ng sabi niya. Subalit ang kirot ay kumalat sa buong kamay ko, at hindi ko na matiis ito. Nang panahong ito, hinanap ko sa Watch Tower Publications Indexes sa ilalim ng “Burns” at nakita ko ang artikulong “Kung Ano ang Dapat Mong Malaman Tungkol sa Pasò.” (Abril 22, 1980 sa Ingles) Sa pagbasa nito, nakita ko na hindi nito sinasabi na ‘palamigin sa tubig’ kundi ‘ilagay sa tubig na may yelo.’ Ginawa ko ang sabi ng artikulo nang wala pang tatlong oras. Hindi ko sukat akalain na sa gayong pagkapaso ang aking kamay ay gagaling nang pantay. Subalit kinabukasan, narito! Walang peklat. Ayos na ayos ang paggaling ng aking kamay.

M. K., Hapón

Ang paggamot na ito ay malawakan ding tinalakay sa aming labas ng “Awake!” ng Hulyo 22, 1966. Ang napinsalang kamay o paa ay maaaring ilubog sa tubig na may yelo sa loob ng 15 minuto, alisin, at saka uliting muli ang pamamaraan hanggang lubusang mawala ang kirot kapag wala sa tubig na may yelo. Ito ay kadalasang nangyayari sa loob ng halos tatlong oras. Ang mas malalaking bahagi ng katawan ay maaaring gamutin sa pamamagitan ng ibinalot na yelo. Dapat isaisip na ang sobrang lamig na inilalagay sa malalaking bahagi ng katawan ay maaaring lubhang magpababa sa temperatura ng katawan, na nagiging dahilan ng pagkasindak.​—ED.

Ang Konstitusyon ng Estados Unidos

Naibigan ko ang artikulong “Ang Konstitusyon ng Estados Unidos at ang mga Saksi ni Jehova.” (Oktubre 22, 1987) Pagkatapos kong gumawa ng ilang pananaliksik tungkol sa kasaysayan ng Konstitusyon, nalaman ko na marami sa mga taong lumagda sa Konstitusyon ay mga nagtatangi ng lahi at malupit na mga nagmamay-ari ng mga alipin, gayunma’y relihiyosong mga tao at ipinilit ang mga doktrina nito sa kanilang mga alipin. Wari ngang sa pangkalahatan ay hindi isinama ng mga aklat sa kasaysayan ang mga katotohanang ito.

A. N., Hapón

Totoo na ang matataas na mithiing ipinahayag sa paunang salita ng Konstitusyon na, ‘itatag ang katarungan, tiyakin ang katahimikan sa sariling bayan, at tamuhin ang mga pagpapala ng kalayaan,’ ay hindi pinakinabangan ng lahat ng mamamayan sa Estados Unidos nang ito ay pagtibayin noong 1787. Halos 80 taon ang lumipas bago ipinagbawal ang pang-aalipin (1865) at mahigit na 130 taon bago ang mga kababaihan ay ginarantiyahan ng karapatang bumoto (1920). Ang ganap na pagtatamo ng pagkakapantay sa lahi ay kumukuha ng mas mahabang panahon. Mangyari pa, ipinahihiwatig nito ang mga limitasyon ng di-sakdal, mapag-imbot na mga tao at ipinakikita nito ang tunay na pangangailangan para sa Kaharian ng Diyos sa pamamagitan ng kaniyang Anak, si Kristo Jesus, kung saan ang ganap na katuwiran ay iiral. (Isaias 9:6, 7; 32:1, 2; Mateo 6:9, 10) Gayunman, masasabing ang Konstitusyon, taglay ang lahat ng mga pagkukulang nito, ay naglalaman ng mga kapahayagan ng mga mithiin sa isang balangkas na nangpangyari ng mga pagsulong sa pagkilos ng pamahalaan anupa’t ang gayong mga mithiin sa wakas ay maaaring tamasahin ng higit na mga tao at sa lalong malawak na antas ngayon kaysa noong 1787.​—ED.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share