Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g88 5/8 p. 5-8
  • Pagtunton sa mga Sanhi ng Polusyon

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagtunton sa mga Sanhi ng Polusyon
  • Gumising!—1988
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • “Ang Lahat ay Lumalaki”
  • Di-sapat na Kaalaman
  • Kahinaan at Limitasyon ng Tao
  • Mas Grabeng mga Pagkukulang
  • Ang Nakamamatay na Ani ng Polusyon
    Gumising!—1988
  • Polusyon—Sino ang Pinagmumulan Nito?
    Gumising!—1990
  • Ang Polusyon ay Susugpuin—Nang Lubus-lubusan!
    Gumising!—1988
  • Pagliligtas sa Kapaligiran—Gaano Na ba Tayo Katagumpay?
    Gumising!—2003
Iba Pa
Gumising!—1988
g88 5/8 p. 5-8

Pagtunton sa mga Sanhi ng Polusyon

ABA, oo, ang ilan sa atin ay mayroong mga set ng telebisyon, microwave ovens, at personal na mga computer. Subalit nasaan ang ating sariwang hangin, malinis na pagkain, at dalisay na tubig? Bakit kaya ang teknolohiyang nakapagpadala ng tao sa buwan ay waring walang kayang maglaan sa atin ng mga ito, ng ating pinakamahalagang pangangailangan? Sa katunayan, bakit lalong lumiliwanag ang nakamamatay na mga bakas ng polusyon?

“Ang Lahat ay Lumalaki”

Si Propesor Kurt Hamerak, sumusulat sa isang siyentipikong babasahing Aleman, ay nagsasabi na “lahat ng mga suliraning pangkapaligiran ay pangunahin nang dahil sa paglaki, higit sa lahat dahil sa di-inaasahang mabilis na pagdami ng populasyon.” Ang populasyon ng daigdig ay dumami nang higit pa sa doble mula lamang noong 1950. Karagdagan pa, tayo ay nabubuhay sa kung ano ang tinatawag ng pag-aaral ng United Nations na “daigdig ng pumuputok na mga lunsod.” Sa taóng 2000, tinatayang tatlong kaapat ng mga taong nakatira sa maunlad ng mga rehiyon ay makikita sa mga lunsod. Habang dumarami ang populasyon, dumarami rin ang mga posibilidad ng polusyon.

Yamang maraming tao ang nangangailangan ng mga paninda na ginawang posible ng lumalagong kaalaman at teknolohiya, dumarami rin ang produksiyon ng industriya at kalakal. Nangangahulugan ito ng bagong mga pabrika at mga plantang kemikal​—bagong mga pinagmumulan ng polusyon. At ito naman ay nangangailangan ng enerhiya, kaya bagong mga planta ng kuryente ang kailangang itayo. Sa buong daigdig, halos 400 nito ay mga nuclear reactor.

Lumalaki rin ang panahon ng mga tao sa paglilibang. Ito’y nagbibigay sa kanila ng higit na panahon at pagkakataon upang manghimasok sa mga lalawigan, kadalasang dinurumhan ang lupa, hangin, at tubig, isinasapanganib din ang buhay halaman at hayop, sa paggawa nito.

Sa halip na hadlangan ang polusyon, sa katunayan tinulungan pa nga ang modernong sibilisasyon na likhain ito sa pagtataguyod ng isang materyalistikong pangmalas na sa pinakamabuti ay isang pagpapala at sumpa. Maraming responsableng tao ang ngayo’y nagbababala na ang di-masugpong paglaki ay umaakay sa pagkapahamak. Ganito ang hinuha ni G. R. Taylor sa The Doomsday Book: “Hanggang sa ngayon para bang ang materyalistikong pangmalas . . . ay kailangang magtagumpay. Walang anu-ano para bang ito’y hindi maaaring magtagumpay.”

Oo, “ang lahat ay lumalaki,” sabi ni Propesor Hamerak, “pati na ang mga problema.” Subalit mayroon pang ibang higit na kinasasalayang dahilan kung bakit ang pakikipagbaka laban sa polusyon ay hindi bumubuti.

Di-sapat na Kaalaman

Halimbawa, “halos wala” tayong nalalaman, sabi ng The Doomsday Book, “tungkol sa reaksiyon sa isa’t isa na nangyayari sa pagitan ng ilang tagapagparumi (pollutants) na naroroon sa iisang panahon.” Hindi rin tiyak ang dami ng nakalalasong bagay o ang radyoaktibidad na makakayanan ng isang tao bago dumanas ng masamang epekto. Ang dalubhasa sa lason na si L. Horst Grimme ng University of Bremen ay nagsasabi na “hindi posibleng bilangin ang panganib na bumabangon mula sa paggawa, paggamit, at pamamahagi ng mga tagapagparumi.” Inaakala niya na walang paraan upang matiyak kung saan antas ang isang tagapagparumi ay lumilipat mula sa hindi nakapipinsala tungo sa nakapipinsala. “Sa maraming kaso,” sabi niya, “ang mga dalubhasa ay basta walang sapat na kaalaman na matiyak ang tinatanggap na mga sukdulan.” Isa pa, ang pananaliksik ay bago lamang anupa’t walang sinuman ang talagang nakakaalam kung ano ang maaaring maging pangmatagalang mga epekto kahit na ng “tinatanggap na mga sukdulan.”

Problema rin kung paano itatapon ang nakalalasong mga basura. Ito ay hindi maliit na problema sapagkat ang dami ng mapanganib na basura sa Kanlurang Europa lamang ay umaabot ng milyun-milyong tonelada sa isang taon. (Tingnan ang tsart.) Anim na pangunahing paraan ng pagtatapon ng basura ang ginagamit: (1) pagtatapon sa dagat; (2) ibinabaon sa lupa; (3) pangmatagalang pag-iimbak; (4) pisikal, kemikal, o biyolohikal na pangangasiwa; (5) pagsusunog sa lupa o sa dagat at, (6)pagbabagong-ayos at pagriresiklo. Wala sa pamamaraang ito ang lubusang kasiya-siya o walang pagkakamali.

Kahinaan at Limitasyon ng Tao

Nang isang mabagyong gabi noong Marso ng 1978, ang timon ng supertanker na Amoco Cadiz ay nawalan ng kontrol at sumadsad sa Brittany sa baybayin ng Pransiya. Mahigit na 200,000 tonelada ng krudo ang natapon sa dagat, pinapatay ang mga 10,000 ibon, sinisira ang industriya ng talaba, dinurumhan ang isang daan at animnapung kilometro ng dalampasigan, at lumilikha ng pagkalaki-laking bahagi ng tubig na may langis. Ang kawalang-ingat ng tao ang masisisi.

Ang higit pang nakatatakot na halimbawa ng kahinaan ng tao ay naganap noong Abril 1986. Isang malubhang aksidente sa planta ng nuclear reactor sa Chernobyl, U.S.S.R., ang pumatay ng mga 30 katao, isinapanganib ang di-mabilang na libu-libo, at sapilitang inilikas ang 135,000 mga mamamayang Sobyet. Ang The Wall Street Journal ay nag-uulat: “Maraming siyentipiko ang nagsasabi na ang pangmatagalang mga epekto ng radyasyong tinanggap ng mga Sobyet at ng mga taga-Europa pagkatapos ng aksidenteng nuklear ay mananatiling di-alam sa loob ng mga ilang taon. . .. Inaasahan [nila] ang mas maraming mga kaso sa thyroid.” Sang-ayon sa report ng Pravda, ang sakuna ay dala ng “iresponsibilidad, labis-labis na pagpapabaya sa tungkulin, at kawalan ng disiplina.”

Gayunding mga aksidente ang nangyari noon. Ang Der Spiegel ay nagsasabi na “ang sangkatauhan ay ilang beses nang kabuhok na makalampas sa kapahamakan.” Ang magasing Aleman na ito ay nagsasabi na nakuha nito ang 48 sa mahigit na 250 mga report tungkol sa mga kaguluhan sa reactor na nakasalansan sa International Atomic Energy Organization, mga sakuna sa magkahiwalay na mga dako na gaya ng Argentina, Bulgaria, at Pakistan. Marami sa mga ito, pati na ang bahagyang pagkatunaw noong Marso 1979 sa Three Mile Island sa Estados Unidos, ay tinunton sa kamalian ng tao.

Ang mga tao hindi lamang nagkakamali kundi natatakdaan din ang pagsupil nila sa mga elemento. Yamang ang karaniwang padron ng hangin sa kalagitnaang Europa ay mula sa kanluran pasilangan, kailangang pagtiisan ng Pederal na Republika ng Alemanya ang maruming hangin na ipinapadpad dito mula sa Inglatera, samantalang kailangan namang pagtiisan ng Demokratikong Republika ng Alemanya ang Czechoslovakia ang maruming hangin mula sa Pederal na Republika. Subalit ang hangin ay maaaring maging pabagu-bago. Halimbawa, noong mangyari ang sakuna sa Chernobyl, ang hangin ay nagbago ng direksiyon, na nagpangyari sa Poland, sa mga bansa sa Baltic, at Scandinavia​—huwag nang banggitin pa ang Unyong Sobyet mismo​—na grabeng narumhan ang hangin ng radyoaktibong hangin kaysa iba pang bahagi ng Europa.

Mas Grabeng mga Pagkukulang

Ang mga tao ay kadalasang hindi tapat at hindi makatuwiran sa pagtatasa sa mga katotohanan tungkol sa polusyon. Samantalang ang mga tagapangalaga ng kapaligiran ay maaaring palabisin ang negatibong mga aspekto bilang pagsuporta sa kanilang pangangatuwiran, maaari namang idiin ng kanilang mga katunggali ang positibong panig. Halimbawa, ganito ang sabi ng isang awtoridad tungkol sa maruming mga ilog: “Ang malaking bahagi ng Elbe, na noong pasimula ng dantaon ay kabilang sa mga karagatan sa Europa na may saganang isda, ay malaon nang patay sa biyolohikal na paraan.” Gayundin ang sinasabi tungkol sa Rhine, lalo na pagkatapos ng sakuna sa Sandoz. Sa kabilang dako naman, sinasabi ng isang tagapagsalita para sa kemikal na industriya na “kahit na pagkatapos ng sunog sa Sandoz, ang Rhine ay nasa mas mabuting kalagayan pa rin kaysa noong nakalipas na sampung taon.”

Sa tahasang pananalita, maaari ngang totoo ito dahilan sa ang mga palatandaan noong 1983 ay nagpapahiwatig na ang mga batas ng gobyerno laban sa polusyon ay napatunayang mabisa at na ang Rhine ay nagkakaroon ng pambihirang pagkakasauli. At tungkol naman sa Ilog Thames sa Britaniya, ang magasing National Geographic ay nag-uulat: “Sa nakalipas na 30 taon ang polusyon ay nabawasan ng 90 porsiyento.” Ang tagumpay na ito ay nangyari lamang dahil sa peryudistang si Thomas Netter, hindi ito makikita sa maraming bansa sapagkat ang “ekolohikal na kapahamakan ay ipinalalagay na suliranin pa rin ng iba.”

Walang alinlangan na ito ang isang dahilan kung bakit ang mga pamahalaan ay lubhang nahihirapan na pagtibayin ang internasyonal na mga pagsupil sa polusyon. Sa loob ng maraming taon hindi naabot ng Canada at Estados Unidos ang anumang kasunduan tungkol sa pagsugpo sa pag-ulan ng asido. Sa wakas, nagkaroon ng bahagyang pagsulong noong 1986. Hanggang nang panahong iyon, gaya ng sabi ng isang opisyal na taga-Canada, “Ang pag-ulan ng asido ay patay na sa mga tubig, gaya ng mga isda.” At bagaman 31 mga bansa ang sumang-ayon noong 1987 na hahatiin ang produksiyon ng mga aerosol spray na waring sumisira sa ozone layer ng lupa, ang tunguhing ito ay hindi maaabot hanggang sa pagtatapos ng dantaon. Upang itaguyod ang higit pang internasyonal na pagtutulungan, tinawag ng Pamayanang Europeo ang 1987 bilang ang “Taon ng Kapaligiran.”

Gayunman, kaunting pagsulong lamang ang magagawa habang ang masakim na mga tao ay sadyang nagpaparumi dahil sa pakinabang na salapi, o masakim na mga tao alang-alang sa kaginhawahan. Ang tagumpay ay nakasalalay sa pagkabahala sa kapakanan ng isa’t isa at ang pagkukusang tumanggap ng personal na pananagutan. “Ang pagsawata sa polusyon ay nagsisimula sa tahanan​—tungkol dito ay kumbinsido ako,” sabi ng ministrong pangkapaligiran ng Alemanya na si Klaus Töpfer. Kaya dapat gawin ng bawat mamamayan ang kaniyang bahagi. Maaaring may pagmamatuwid-sa-sarili na ituro ng isang munting tao ang malaking tao​—ang kemikal na mga planta at mga pabrika​—subalit mayroon bang pagkakaiba ang munting tao kung ang kaniya mismong mga daliri ay abala sa pagkakalat?

Inihula ng Bibliya na sa “mga huling araw” ang mga tao ay magiging “maibigin sa kanilang sarili, maibigin sa salapi, . . . hindi marunong tumupad ng kasunduan, . . . hindi maibigin sa kabutihan.” (2 Timoteo 3:1-5) Yamang ang mga katangiang ito mismo ang nagtataguyod ng polusyon, ang kalagayan ay maaaring magtinging malabo. Gayunman, mayroon tayong dahilan upang maniwala na ang mga hadlang na nakaharang sa isang daigdig na walang polusyon ay aalisin​—at malapit na!

[Kahon sa pahina 6]

Mga Hadlang sa Pakikipagbaka ng Tao Laban sa Polusyon

◼ Di-mapigil na paglaki

◼ Di-sapat na kaalaman

◼ Kahinaan ng tao

◼ Kawalan ng pagsupil sa mga elemento

◼ Masakim na pagwawalang-bahala sa kapakanan ng iba

[Tsart/​Mapa sa pahina 7]

(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)

Tinatayang Tone-toneladang Nakalalasong Basura na Nagawa Kamakailan sa Isang Taon

Finland 87,000

Norway 120,000

Sweden 550,000

Netherlands 280,000

Britaniya 1,500,000

P. R. ng Alemanya 4,892,000

Switzerland 100,000

Pransiya 2,000,000

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share