Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g88 6/8 p. 26-27
  • Lipás Na Ba ang Matandang Tipan?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Lipás Na Ba ang Matandang Tipan?
  • Gumising!—1988
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Kasaysayan ng Bibliya
  • Mga Tula at Hula ng Bibliya
  • Nagkakasalungatan?
  • Naniniwala ba ang mga Saksi ni Jehova sa Matandang Tipan?
    Karaniwang mga Tanong Tungkol sa mga Saksi ni Jehova
  • Praktikal Pa Rin ba ang “Matandang Tipan”?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2007
  • Tinatanggap Ba ng mga Saksi ni Jehova ang Matandang Tipan?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2008
  • “Lumang Tipan” o “Hebreong Kasulatan”—Alin?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
Iba Pa
Gumising!—1988
g88 6/8 p. 26-27

Ang Pangmalas ng Bibliya

Lipás Na Ba ang Matandang Tipan?

◼ “Ang Matandang Tipan ay nagtuturo ng pagkapoot at paghihiganti, ‘mata sa mata at ngipin sa ngipin.’ Ang lahat ng iyan ay pinalitan na ng Bagong Tipan, na nagtuturo ng pag-ibig at pagpapatawad.”

◼ “Ang Matandang Tipan ay talagang hindi nauugnay sa modernong mga Kristiyano, kaya hindi na ito kailangan pang basahin!”

NAPANSIN mo ba ang iyong sarili na inuulit ang nabanggit na mga paratang, o may narinig ka bang nagsasabi ng gayong paratang? Talaga nga bang ang Matandang Tipan (Hebreong Kasulatan) ay patay na, lipás na pinalitan na ng Bagong Tipan (Kristiyanong Griegong Kasulatan)? Ano ang sinasabi mismo ng Bibliya?

Kawili-wili, ipinakikita ng Bagong Tipan na ang tipang Batas, isang kontratang ginawa ng Diyos sa sinaunang Israel, ay lipás na at sa gayo’y hindi na kapit sa mga Kristiyano. (Efeso 2:15; Hebreo 8:13) Ang tipang Batas na ito ay kasali sa Matandang Tipan. Subalit mayroon pang higit sa Matandang Tipan kaysa tipang Batas!

Mayroong tatlong bahagi ang Matandang Tipan na gumagawa ritong mahalaga para sa iyo. Anu-ano ito? (1) Nauugnay na kasaysayan, (2) nakapagpapatibay-loob na mga tula, at (3) nakapagpapatibay-pananampalatayang hula, pawang napakahalaga sa modernong-panahong mga Kristiyano. Isaalang-alang kung bakit gayon ito.

Kasaysayan ng Bibliya

Ang unang 17 mga aklat sa Matandang Tipan, ang Genesis hanggang Esther, ay naglalaman ng isang makasaysayang ulat ng mga pakikitungo ng Diyos sa tao mula sa paglalang hanggang noong ikalimang siglo B.C.E. Subalit ito ay hindi patay na kasaysayan! Gaya ng isinulat ni apostol Pablo: “Ngayon ang mga bagay na ito [inilarawan sa Matandang Tipan] ay nangyari sa kanila bilang mga halimbawa, at nasulat upang maging babala sa atin [mga Kristiyano] na dinatnan ng katapusan ng mga sistema ng mga bagay.”​—1 Corinto 10:11.

Bakit itinuring ni Pablo ang kasaysayang ito na angkop sa mga Kristiyano sa kabila ng paglipas ng panahon? Sapagkat kung paanong ang kalikasan ng tao ay hindi nagbago sa nakalipas na mga panahon, ang Diyos din naman ay hindi nagbago. (Malakias 3:6) Ganito ang sabi ng Kristiyanong alagad na si Santiago tungkol sa Diyos na Jehova: “Na sa kaniya’y walang pagbabago, ni kahit anino man ng pag-iiba.” (Santiago 1:17) Ang anino ng araw ay nag-iiba-iba mula sa napakaliit na anino sa tanghali hanggang sa napakahabang anino sa paglubog ng araw. Subalit iba si Jehova; ang kaniyang personalidad ay hindi nagbabago.

Kaya marami tayong matututuhan mula sa kasaysayan ng mga pakikitungo ni Jehova sa mga patriarka, sa Israel sa Dagat na Pula at sa ilang, at sa marami pang ibang bayan. Halimbawa, kung paanong ang Diyos ay nagalit nang ang mga Israelita ay nagsagawa ng pagsamba sa diyus-diyosan o nakiapid gayundin naman na siya ay hindi nalulugod kapag ang mga Kristiyano ay gumagawa ng gayong paggawi. (1 Corinto 10:1-12) Maging ang tipang Batas, bagaman hindi na kapit sa mga Kristiyano, ay nagbibigay ng mahalagang kabatiran tungkol sa personalidad ni Jehova sa pamamagitan ng saligang mga simulain nito.

Mga Tula at Hula ng Bibliya

Ang susunod na limang aklat, mula sa Job hanggang sa Awit ni Solomon, ay aklat ng mga tula. Subalit ang mga aklat na ito ay higit pa sa basta mahusay na literatura, sapagkat ang nilalaman nito ay nakapagpapatibay sa espirituwal na paraan, at kadalasa’y nasasalig sa makasaysayang mga pangyayari. Kaninong mga damdamin ang hindi napukaw ng Mga Awit? At sino ang hindi nakakaunawa sa praktikal na payo tungkol sa pagiging matapat, paninibugho, at iba pang bagay tungkol sa mga kaugnayan ng tao sa aklat ng Kawikaan? (Kawikaan 11:1; 14:30) Walang alinlangan, ang mga aklat na ito ay kapaki-pakinabang nang una itong isulat.

Ang huling 17 mga aklat ng Matandang Tipan, ang Isaias hanggang Malakias, ay mga aklat ng hula. Ito’y naglalaman ng mga pahayag ng sinaunang mga propetang Hebreo at nagbibigay ng malinaw na paglalarawan sa makalupang pagdating ng Mesiyas daan-daang taóng patiuna. Ipinakikita ng ulat ng Ebanghelyo sa Bagong Tipan ang katuparan ng marami sa mga hulang ito, pati na ang maliit na detalye. Tiyak, ang pagsasaalang-alang sa kawastuan ng mga hulang ito ay nagpapatibay sa ating pananampalataya kay Jesu-Kristo bilang ang isa na sinugo ng Diyos upang iligtas ang sangkatauhan!

Nagkakasalungatan?

Subalit maaari bang mapagkasundo ang kaibahan sa pagitan ng Matandang Tipan at ng Bagong Tipan? Ating ipaghalimbawa: Maaaring disiplinahin ng isang ama ang kaniyang dalawang anak na lalaki nang magkaiba sapagkat ang bawat anak ay may natatanging personalidad. Sa gayunding paraan, ang himig ng payo ni Jehova sa Matandang Tipan sa Israel, isang bayan ng mga taong nakaalay sa kaniya mula sa pagsilang, ay naiiba sa payo na masusumpungan sa Bagong Tipan sa kongregasyong Kristiyano, isang grupo ng mga tao na nakatalaga sa kaniya sa pamamagitan ng pagpili.

Sa gayon, ang masusing pagsusuri ng Bibliya ay nagpapakita na ang dalawang bahaging ito ay hindi nagkakasalungatan, kundi, bagkus, ito ay nagkakasuwato sa isa’t isa. Ang dalawang bahagi ay kinakailangan upang ‘ang tao ng Diyos ay maging ganap ang kakayahan.’​—2 Timoteo 3:16, 17.

Halimbawa, paano nga maipahihintulot ng Matandang Tipan ang personal na paghihiganti samantalang hinahatulan ito ng Bagong Tipan? Hindi nga! Kapuwa inirirekomenda nito ang pag-ibig sa mga kaaway, binabanggit na ang paghihiganti ay nakalaan sa Diyos. (Ihambing ang Deuteronomio 32:35, 41 at Kawikaan 25:21, 22 sa Roma 12:17-21.) Sa katunayan, kapag binabanggit ng Matandang Tipan ang tungkol sa ‘mata sa mata at ngipin sa ngipin,’ hindi nito tinutukoy ang personal na pagganti kundi, bagkus, ang makatuwirang kabayaran na ipinatutupad ng isang awtorisadong hukuman ng batas.​—Exodo 21:1, 22-25.

Hindi, ang Matandang Tipan ay hindi lipás na o nagkakasalungatan. Ang Bibliya ay nagpapatunay na ang Matandang Tipan ay buháy at may kaugnayan sa mga Kristiyano ngayon na gaya ng Bagong Tipan. Tandaan ang mga salita ni Jesu-Kristo: “Ang tao ay nabubuhay, hindi lamang sa tinapay, kundi sa bawat salitang lumalabas sa bibig ni Jehova.” At kabilang diyan hindi lamang ang Kristiyanong Griegong Kasulatan kundi ang Hebreong Kasulatan din naman.​—Mateo 4:4; ihambing ang Deuteronomio 8:3.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share