Ang Kawalang-saysay ng Idolatriya
Noong tag-init ng 1986, si William Murray, isang manunulat para sa magasing The New Yorker, ay dumalaw sa Sperlonga, Italya, isang nayon ng pangingisda sa gawing kanluran ng baybaying Italyano mga 121 kilometro timog-silangan ng Roma. Isang umaga, samantalang si
Murray ay nakatayo sa isang tindahan at humihigop ng kape, nakilala niya ang isang kalagitnaang-gulang na lalaking nagngangalang Fernando De Fabritiis. Sa kanilang pag-uusap, si G. De Fabritiis, na nakatira sa Sperlonga sa buong buhay niya, ay nagkuwento tungkol sa isang nakakatawang istorya na alam niya buhat sa pagkabata.
“Isang lalaki ang may taniman ng mga punong peras, subalit isa sa mga punong ito ay hindi nagbubunga, kaya pinutol niya ito ay ipinagbili sa isang karpintero,” sabi ni De Fabritiis. “Ang kapintero ay umukit ng isang istatuwa ni San Jose mula rito at ibinigay ito sa simbahan doon. Ang lalaking may-ari ng punungkahoy ay nagtungo sa simbahan isang Linggo, kung saan ang lahat ay nagdarasal sa istatuwa ni San Jose. Ang lalaki ay ayaw magdasal. Kilala niya ang pirasong iyon ng kahoy. ‘Hindi nga ito makagawa ng isang peras,’ sabi niya sa lahat. ‘Paano ito makagagawa ng isang himala?’ ”
Ang kuwento ni De Fabritiis’ ay kahawig niyaong ilustrasyong ginamit ng Diyos na Jehova upang turuan ang sinaunang Israel sa lubhang kawalang-saysay ng idolatriya. Bakit hindi kunin ang iyong Bibliya at basahin ito sa Isaias 44:14-20?