Nakasisilaw na Pagtatanghal ng Makalangit na Liwanag
Ang nakasisindak na mga liwanag sa hilaga (aurora borealis; sa Timugang Hemispero, ang aurora australis) ay nananatiling isa sa mga hiwaga ng kalangitan. Sarisaring teoriya ang ibinigay upang ipaliwanag ang paglitaw nito.
Sa kasalukuyan, ang ideya sa wari ay na ang mga liwanag ay nakikita “kapag ang charged particles buhat sa araw ay tumatama sa itaas na atmospera malapit sa mga polong magnetiko.” Berde o manilaw-nilaw na berde ang kulay na karaniwang nakikita, subalit ang pula, bakas ng kulay dalandan, at kulay-biyoleta pa nga ay nakikita.
Bagaman ang mga liwanag ay karaniwang lumilitaw na parang bigkis na alun-alon o mga ribon ng liwanag, isang nakasisilaw na pagtatanghal ay tulad ng hugis ng isang dambuhalang bobida na may nakaarkong mga linya mula sa gitna sa itaas ng mga nagmamasid at pababa sa abot-tanaw nilang lahat.
Ang nakasisilaw na pagtatanghal na ito ng liwanag ay nagpapagunita sa mga salita ng salmista nang kaniyang sabihin:
“Anong pagkasarisari ng iyong mga gawa, O Jehova!
Ginawa mo itong lahat sa iyong karunungan.
Ang lupa ay punô ng iyong mga gawa.”—Awit 104:24.
[Picture Credit Line sa pahina 31]
Kuha ni Lee Snyder, Geophysical Institute, University of Alaska—Fairbanks