Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g88 8/22 p. 3
  • Ang Bantang Nuklear

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Bantang Nuklear
  • Gumising!—1988
  • Kaparehong Materyal
  • Digmaang Nuklear—Sinu-sino ang mga Nagbabanta?
    Gumising!—2004
  • Ang Bantang Nuklear—Hindi Pa Tapos
    Gumising!—1999
  • Ang mga Tao ay Humahanap ng Lunas
    Gumising!—1988
  • Ang Bomba at ang Kinabukasan ng Tao
    Gumising!—1986
Iba Pa
Gumising!—1988
g88 8/22 p. 3

Ang Bantang Nuklear

ISIP-ISIPIN ang dalawang batang lalaki sa isang saradong garahe, nakatayo sa sahig na punô ng gasolina. Ang bawat isa ay may hawak na isang kahon ng posporo . . .

Malinaw na inilalarawan nito ang kalagayang umiiral ngayon sa pagitan ng dalawang superpower. Sila kapuwa ay nagtataglay ng mga arsenal ng nakatatakot na mga sandatang nuklear na kung gagamitin ay magbubunga ng pagkawasak ng bawat isa. Ang kanilang mga missile ay handang pumatay, ang mga gyroscope ng kanilang sistemang pamamatnubay ay mabilis na umiikot.

Libu-libo ang mga mensaherong ito ng kamatayan ang nagtatago sa kongkretong mga gusali sa ilalim ng lupa. Daan-daan pa ang nagkukubli sa mga kasko ng mga submarino at higit pa ang nasa ilalim ng pakpak ng mga eruplanong jet. Ang isang nahihintakutang daigdig ay nagtatanong, Ano kaya ang mangyayari kung gagamitin ang mga sandata?

Isang four-star na heneral ay sumasagot. Aniya ang isang digmaang nuklear ay magiging “ang pinakamalaking sakuna sa kasaysayan.” Susog pa ng isang siyentipiko: “Mayroong tunay na panganib na malipol ang sangkatauhan.”

Isang sinaunang alamat na Griego ang nagsasaysay tungkol sa isang lalaking nagngangalang Damocles na pinaupo sa ilalim ng isang tabak na nakabitin sa isang hibla ng buhok. Ang tabak na iyon ay maaaring kumatawan sa mga sandatang nuklear, at si Damocles naman, sa buong sangkatauhan. Alisin mo ang tabak, sabi ng iba, at si Damocles ay magiging tiwasay. Subalit posible kaya na asahan iyon? Ang mga pangyayari sa nakalipas na mga taon ay nagbigay ng pag-asa sa marami.

Marso 1983: Iminungkahi ni Presidente Reagan ng E.U. ang Pangunguna sa Estratihikong Depensa, ang siyentipikong pananaliksik na idinisenyo upang gawing “walang kaya at lipás na” ang mga sandatang nuklear.

Enero 1986: Iminungkahi ng lider na Sobyet na si Mikhail Gorbachev na alisin ang lahat ng mga sandatang nuklear sa pagtatapos ng siglong ito. Nang maglaon ay sinabi pa niya: “Handa kami para sa talakayan hindi lamang tungkol sa pagwawakas sa paligsahan sa armas, kundi sa posibleng pinakamalaking pagbabawas ng armas, hanggang sa panlahatan at ganap na disarmamento.”

Disyembre 1987: Si Gorbachev at Reagan ay lumagda ng isang kasunduan para sa pagbawas ng missile. Sang-ayon sa isang ulat ng balita, “ito ang kauna-unahang pagkakataon mula noong pasimula ng Panahong Atomiko na ang mga superpower ay sumang-ayon na hindi lamang sugpuin ang mga sandatang nuklear kundi alisin ang buong sistema.

Gayunman, maaari kayang ang pinakahuling mga pangyayaring ito ay magbunga ng isang daigdig na walang mga sandatang nuklear? Anong mga hadlang ang nakaharang sa daan ng tagumpay?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share