Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g88 9/22 p. 8-11
  • Pagharap sa Hamon ng Kalinisan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagharap sa Hamon ng Kalinisan
  • Gumising!—1988
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Kalinisan​—Ang mga Pakinabang
  • Pagtutulungan ng Pamilya
  • Panlabang mga Hakbang
  • Ang Tamang Saloobin
  • Haharapin Mo ba ang Hamon?
  • Kalinisan—Bakit Ito Mahalaga?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2008
  • Papaano Mo Mapangangasiwaan ang Sambahayan?
    Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya
  • Anim na Paraan Upang Ingatan ang Iyong Kalusugan
    Gumising!—2003
  • Malinis na Tahanan—Ang Papel na Ginagampanan Nating Lahat
    Gumising!—2005
Iba Pa
Gumising!—1988
g88 9/22 p. 8-11

Pagharap sa Hamon ng Kalinisan

Ng kabalitaan ng Gumising! sa Kenya

“MAMAAA, nakufa!,” ang sigaw ng bata. Ibig sabihin nito, “Inay, mamamatay ako!” Tangkang pagpatay? Hindi, ang munting bata ay nakatayo sa isang batya at nililinis ng husto ng kaniyang ina. Sa kabila ng masidhing pagtutol, tinapos ng Ina ang kaniyang gawain!

Ang gayong mga eksena ay karaniwan sa Aprika kahit na sa pinakamahirap na lugar. Gayumpaman, ang pagpapanatili sa mga pamantayan ng kalinisan ay hindi laging madali. Ang napakainit na klima sa Aprika ay gumagawa sa gawain ng paglilinis na lalo pang mahirap. Ang mga bagyo ng alikabok ay tumatakip sa bawat bitak sa bahay ng pinong kayumangging pulbos. Ang bumababang mga kalagayan sa kabuhayan ay nagpapangyari sa halaga ng mga panustos sa paglilinis, mga pagkumpuni​—at maging ang tubig​—na hindi kayang bilhin ng karamihan. Sa mga lugar kung saan ang mga babae ay dapat lumakad ng kilu-kilometro araw-araw upang mag-igib ng tubig, mauunawaan natin kung bakit sila ay bantulot sa paggamit ng mahalagang kagamitan sa paghuhugas.

Ang dumaraming populasyon sa mga lunsod, gayundin sa ilang rural na dako, ay lumilikha rin ng mga panganib sa kalusugan. Ang bukás na mga alkantarilya, mga bunton ng basurang hindi nakukolekta, maruruming kumón na kasilyas, nagdadala-ng-sakit na mga daga, ipis, at langaw ay naging karaniwang tanawin.

Isa pa, laganap ang kakulangan ng kaalaman tungkol sa wastong kalinisan at sanitasyon. Dinudumhan ng mga tao ang mga panustos ng tubig nang hindi natatanto ang nakamamatay na mga bunga. Ang mga daga at iba pang tagapagdala ng sakit ay pinababayaan​—pinaglalaruan pa nga ng mga bata.

Kalinisan​—Ang mga Pakinabang

Bakit dapat pag-abalahan ng mga pamilya na panatilihing malinis ang mga bagay-bagay? Sapagkat ang baktirya at mga parasito ay dumarami sa maruruming kapaligiran. Kaya ang payak na bagay na gaya ng paghuhugas ay maaaring mangahulugan ng buhay o kamatayan para sa inyong anak! Totoo, ang kalinisan ay nagdaragdag sa gastusin ng sambahayan. Ang tubig na ginagamit sa paghuhugas ay maaaring magastos at mahirap makuha. Subalit ang medisina ay mas magastos. Ang sabon, disimpektante, waks, panilo ng daga, at isang basurahan ay nagkakahalaga rin ng salapi subalit hindi kasingmahal ng bayad sa doktor.

Kapuna-puna, sa Bibliya ay mayroong mahigit 400 paglitaw ng mga salitang nauugnay sa “malinis,” “dalisay,” at “maghugas.” Ang Kautusan ng Diyos sa Israel ay may espisipikong mga alituntunin na humihikayat sa pisikal na kalinisan at mabuting mga pag-uugali sa kalinisan. (Exodo 30:18-21; Deuteronomio 23:11-14) Ang utos na “ibigin mo ang iyong kapuwa” ay nag-uudyok din sa mga Kristiyano na ingatang malinis ang kanilang mga sarili at ang kanilang mga tahanan.​—Mateo 22:39.

Ang kahon sa pahina 10 ay nagbibigay ng isang nakatutulong na talaan ng mga bagay na maaaring gawin sa paligid ng bahay. Ang mga simulain ay kapit sa anumang bansa. Ang ilan sa mga mungkahing nakatala, gaya ng pagpuplorwaks (sa gayo’y pinupunan ang maliliit na bitak) at ang paglalagay ng basura sa isang saradong sisidlan, ay gagawa sa inyong tahanan na hindi kaakit-akit sa mga insekto at iba pang mga tagapagdala ng sakit. Ang pagkukumpuni ng mga butas sa mga pinto at mga bintana ay hindi lamang mag-iingat sa bahay laban sa alikabok, kundi iingatan din ito sa pagkaliliit na mga insekto. Gayundin, ang kalinisan ay gagawa sa inyong tahanan na mas kaaya-ayang dakong pamuhayan!

Pagtutulungan ng Pamilya

Pagkatapos pag-aralan ang talaang ito, ang isang maybahay ay maaaring gumawa ng isang regular na iskedyul ng paglilinis. Kung nagtutulungan ang lahat ng membro ng pamilya, ang iskedyul ay hindi naman mabigat.

Halimbawa, si Jacinta ay ina ng walong mga anak at nakatira sa isang maliit na apartment sa isang lunsod sa Silangang Aprika. Nang tanungin kung paano niya pinananatiling napakapresentable ang kaniyang tahanan, ang sabi niya: “Ang lahat ay natutong gawin ang kanilang bahagi. Kung ang isa ay nakatapon ng isang bagay, siya ay binibigyan ng isang basahan o iba pang gamit upang linisin ito. Sila rin ay naturuang maging maayos kapag kumakain.” Ang isang ama ay maaari ring makipagtulungan sa kaniyang asawa at itaguyod ang kaniyang mga pagsisikap. Ang ama rin ay dapat na makibahagi sa pagsasanay sa mga bata na maging maayos at malinis mula sa murang gulang.

Panlabang mga Hakbang

Kung minsan magagawa ng isa ang gawain ng paglilinis na mas madali sa pagkuha ng panlabang mga hakbang. Halimbawa, bakit hindi magtanim ng damo at mga punungkahoy malapit sa iyong bahay upang bawasan ang alikabok? O subukan mong bakuran ang isang lugar na malapit sa iyong bahay upang ang iyong mga anak ay may malinis na lugar na mapaglalaruan. Kung ang inyong pook ay lubhang matao, posible kayang humanap ng isang tirahan sa lugar na hindi gaanong matao? Ito ay maaaring mangahulugan ng paglakad ng mas malayo patungo sa trabaho, subalit baka sulit naman ito sa pagsisikap.

Isa pa, sikaping alisin ang anumang walang silbing mga bagay na iyong itinatago. Aalisin nito ang di-kinakailangang kalat sa iyong tahanan. At kung ang pasukan sa iyong tahanan ay maputik pagkatapos ng bagyo, bakit hindi tambakan ng buhangin ang inyong pasukan? Kung ang inyong tahanan ay may kasilyas sa labas ng bahay, bakit hindi ito lagyan ng kandado upang hadlangan ang iba na dumhan ito?

Ang Tamang Saloobin

Huwag mong akalain na ang nakikita lamang ang dapat linisin. Ang iba ay nag-aakala na yamang ang harap na bakuran ay kailangang maging malinis, ang bakuran sa likuran ay maaaring maging magulo; na ang sala ay kailangang maging presentable, ngunit ang silid tulugan ay maaaring maging magulo o ang mga dingding sa kusina ay maaaring maging maitim dahil sa mga marka ng daliri ng kamay at usok. Ang gayong pagkakasalungatan ay nagpapaalaala sa atin sa mga salita ni Jesus sa mga Fariseo: “Inyong nililinis ang labas ng saro at ng pinggan, datapuwat sa loob ay punô ng pandarambong . . . Linisin mo muna ang loob ng saro at ng pinggan, upang luminis naman ang kaniyang labas.” (Mateo 23:25, 26) Gayunman, hindi laging posible na gawing malinis ang bawat bahagi ng bahay. Subalit sa paano man hindi ba’t isang sulit na tunguhin na ang kalinisan ay maghari sa buong buhay​—hindi lamang sa ilang bahagi nito?

Mali ring sisihin ang nagpapaupa ng bahay dahil sa maruming mga kalagayan. Totoo, maaaring atrasado na sa panahon ang gawaing pagpipintura sa bahay, subalit hindi ito nangangahulugan na ang mga dingding ay hindi maaaring kuskusin at hugasan ng tubig. At marahil maaaring ipakipag-usap sa nagpapaupa ng bahay na ikaw na ang gagawa ng ilang pagkumpuni sa bahay​—bilang kapalit ng mas mababang upa.

Haharapin Mo ba ang Hamon?

“Hindi ako naniwala rito sa umpisa,” sabi ng Aprikanong ulo ng pamilya na nagngangalang Joseph. Tinutukoy niya ang isang pahayag buhat sa Bibliya na narinig niya tungkol sa paksang kalinisan. Ang kaniyang pamilya ay nakatira sa isang maliit na tahanang yari sa kahoy, sa isang siksikang lugar. Mayroon itong kumón na kasilyas at hindi sementadong daanan. Gayumpaman, sinikap ni Joseph at ng kaniyang pamilya na ikapit ang mga simulaing ito sa kanilang tahanan. “Ang aking mga anak ngayon ay nagsusuot ng tsinelas, pinupunasan namin ang aming mga paa, hinuhugasan namin ang aming mga kamay ng sabon at tubig at ginagawa rin namin ang iba pang mga pag-iingat sa paglilinis,” sabi ni Joseph. Ang resulta? “Nagulat ako. Ang mga bata ay hindi gaanong nagkakasakit, at wala na kaming mga gastos sa ospital.”

Kaya sa pamamagitan ng kaunting halaga at pagsisikap, magagawa ng mga magulang sa nagpapaunlad ng mga bansa ang kanilang mga tahanan na ligtas, malinis na dako para sa kanilang mga sarili at sa kanilang mga anak. Maliwanag, kung gayon, higit pa ang kailangang gawin upang lutasin ang mga suliraning pangkalusugan sa nagpapaunlad na mga bansa. May dahilan bang maniwala na ang malawakang pagsisikap ay magtatagumpay?

[Blurb sa pahina 9]

Ang sabon, disimpektante, waks, panilo ng daga, at isang basurahan ay nagkakahalaga ng salapi subalit hindi kasingmahal ng bayad sa doktor

[Kahon sa pahina 10]

Isang Malinis at Mabuti sa Kalusugang Tahanan​—Isang Talaan

Kasilyas:

Buhusan ang kasilyas pagkatapos gamitin

Para sa kasilyas na uring ‘Antipolo,’ gumamit ng mga kemikal laban sa mga insekto

Hugasan ang kamay ng sabon at tubig pagkagaling sa kasilyas

Regular na linisin ang inudoro, lababo, at iba pang bagay sa kasilyas ng disimpektante

Kusina:

Hugasan ang kamay ng sabon at tubig bago maghanda at maghain ng pagkain

Ilagay sa basura sa isang sisidlang may takip; regular na itapon ang basura

Huwag pabayaan sa magdamag ang maruruming kagamitan

Hugasang mabuti ang gulay at prutas bago gamitin

Kung ang paghahanda ng pagkain ay ginagawa sa labas ng bahay, huwag hayaang ang pinggan at mga kagamitan na sumayad sa lupa

Linisin ang mga sulok ng sahig at mga paminggalan linggu-linggo

Hugasan ang mga bote ng bata sa mainit na tubig

Pakuluan ang tubig kung ang panustos ay marumi

Tahanan:

Ilagay sa rupero o sa ibang sisidlan ang maruruming damit na lalabhan

Regular na labhan ang mga damit ng bagong tubig na panlaba

Sa pana-panahon lagyan ng waks ang mga pinto, sahig, at muwebles na kahoy

Linising mainam ang mga dingding, sahig, at suwits ng ilaw

Linisin ang mga bintana

Siluin at patayin ang mga daga; patayin ang mga ipis at iba pang mga insekto

Pana-panahong suriin ang mga kama kung ito ay may surot, at iba pang peste

Maglagay ng isang sapin o basahan sa pasukan para punasan ng paa

Pasakan ang mga butas sa dingding at pinto, ang mga bitak sa sahig

Palitan ang basag na mga salamin ng bintana

Kumpunihin ang sirang mga kutson at apholster na mga muwebles

Labas ng Bahay:

Ibaon o sunugin ang basura

Alisin o ibaon ang dumi ng tao o hayop

Ilihis ang bukas na alkantarilya na maglagos sa bakuran sa pamamagitan ng paghukay ng isang kanal

[Kahon sa pahina 11]

Turuan ang Iyong Sambahayan​—Dapat at Di-dapat Gawin para sa kalinisan sa pook

Na magpunas ng paa kapag pumapasok sa bahay o sa ibang gusali

Na magsuot ng sapatos o tsinelas

Na buhusan ang kasilyas pagkatapos gamitin

Na hugasan ang kamay ng sabon at tubig pagkagaling sa kasilyas at bago kumain

Na punasan ang uhog

Na magsuot ng kamisedentro, pantalon, o damit kapag nauupo sa lupa

Kung ano ang hindi dapat hawakan:

mga dumi

daga

ipis

basura

asong ligaw

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share