Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g88 9/22 p. 29-30
  • Pagmamasid sa Daigdig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagmamasid sa Daigdig
  • Gumising!—1988
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Panghadlang sa Armagedon?
  • Mabuting Pamumuhunan?
  • Ang Mahalagang Avestruz
  • Rekord na Lalim
  • Artipisyal na Luha
  • Hindi Katawa-tawa
  • Pinakamabilis na Pagsakay
  • Bagong Kampeon na Halamang-Kamatis
  • Mabuting Gamit ng Radyoaktibidad
  • Mga Sugapa sa Ehersisyo
  • Mabilis Tumakbo, Hindi Lumilipad, at Kawili-wili—Ang Avestruz
    Gumising!—1999
  • Avestruz
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Ang Himala ng Itlog ng Avestruz
    Gumising!—2002
  • Ang Anay—Kaibigan o Kaaway?
    Gumising!—1995
Iba Pa
Gumising!—1988
g88 9/22 p. 29-30

Pagmamasid sa Daigdig

Panghadlang sa Armagedon?

Isang kasunduan sa pagitan ng Unyong Sobyet at ng Estados Unidos na alisin ang medium- at shorter-range land-based missiles ay nagkabisa noong Hunyo nang si Premier Mikhail Gorbachev at si Presidente Ronald Reagan ay nagtagpo sa Moscow at nagpalitan ng pinirmahang katibayan ng mga kasunduan. Sa ilalim ng kasunduan, sisirain ng Unyong Sobyet ang 1,752 mga missile, at sa Estados Unidos naman ay 859. Sa kauna-unahang pagkakataon, ang Kanluraning mga reporter ay pinahintulutang dumalaw sa isang rocket base ng Sobyet upang saksihan ang isang demonstrasyon kung papaano kakalasin ang mga missile. Habang ipinapasyal ni Koronel Yevgeny A. Kozlov ang mga reporter sa paligid ng base, siya ay tinanong kung ano ang palagay niya sa pagsira sa mga sandata. “Ayaw na ayaw namin ng Armagedon,” sabi ni Koronel Kozlov. “Ayaw na ayaw namin ng digmaan.”

Mabuting Pamumuhunan?

Maraming magulang sa Hapón ang matibay na naniniwala na ang mas mataas na edukasyon a makasisiguro ng mas mahusay na mga posisyon, mas mataas na suweldo, at mas mahusay na istilo-ng-buhay para sa kanilang mga anak. Ang iba ay nangungutang pa nga, gumagastos ng mahigit na 60 milyong yen ($480,000, U.S.) upang papag-aralin ang isang bata sa pinakamagagaling na pribadong paaralan at unibersidad. Inaani ba nila ang inaasahang mga pakinabang? “Sa totoo lang . . . hindi na totoo ang paniniwalang iyon,” sabi ng Mainichi Daily News. “Walang sapat na mahuhusay na puwesto upang tanggapin sila,” at kailangang tanggapin ng marami ang mga puwesto sa kompaniya na dati’y pinupunan ng mga nagtapos sa high school. Bagaman ang katamtamang kita sa buong buhay ay mas mataas para sa mga nagtapos sa unibersidad​—206.55 milyong yen ($1,650,000, U.S.) kung ihahambing sa 192.93 milyong yen ($1,540,000, U.S.) para sa mga manggagawa sa opisina na nagtapos ng high school​—“maaaring matanto ng mga magulang na Haponés balang araw na napakaliit ng diperensiya upang maging marapat sa mabigat na pasanin sa kabuhayan ng pamilya,” sabi ng pahayagan.

Ang Mahalagang Avestruz

Alam mo ba ang komersiyal na halaga ng isang avestruz (ostrich)? Ang isa sa mga itlog nito ay katumbas ng 24 na itlog ng manok, at ang karne ng avestruz ay malasa, na may karagdagang bentaha ng pagiging malamán at mababa sa kolesterol. Ang mga balahibo ng avestruz ay maipagbibili ng hanggang $5 ang isa, at ang matigas na balat ng avestruz ay primera-klaseng katad. Ang mga taga-Timog Aprika at mga taga-Texas ay maunlad na naghahayupan ng mga avestruz, at ang Australia ay gumagaya. Ang pahayagang The Weekend Australian ay nag-uulat na isa sa kauna-unahan​—kung hindi man ang una​—sa mga naghahayupan ng avestruz sa Australia ay naitayo sa kalagitnaan ng New South Wales. Sang-ayon sa pahayagan, isang punô ng pag-asang magsasaka ang nagsabi na ang mga avestruz ay hindi naman mahirap alagaan sa kabila ng laki nito. Pinakakain niya ito ng damo sa parang na kasama ng mga tupa’t kambing. Ang kinakailangan lamang ng mga avestruz para sa pagkain ay karagdagang tuyong damo o barley araw-araw upang idagdag sa kinakain nilang damo.

Rekord na Lalim

Noong Marso 1988, tinalo ng mga maninisid na Pranses ang lahat ng dating rekord sa pagsisid-sa-tubig sa pamamagitan ng pagtrabaho ng mahigit na tatlo at kalahating oras sa lalim na 520 hanggang 531 metro, kung saan ang presyon ay mahigit na 50 kilo sa bawat centimetro kuwadrado. Ang pagsisid ay naganap sa Mediteraneo, sa Cassis sa timog-silangang Pransiya. Maaga ng isang linggo anim na mga maninisid ang inilagay sa isang hyperbaric chamber, kung saan ang presyon ay unti-unting itinaas upang maging katumbas ng presyon ng tubig. Ang pahayagang Pranses na Le Figaro ay nagkomento: “Sa ilalim ng gayong presyon, sila ay nakalabas sa chamber at pumasok sa tubig sa lalim na 520 metro nang walang panganib.” Ang posibleng praktikal na gamit ay para sa gawaing mantensiyon sa nakalubog na mga bahagi ng oil-drilling platforms sa dagat.

Artipisyal na Luha

Ang kakulangan ng luha dahil sa pagkasira ng lacrimal na mga glandula o ang pagkabara sa mga daanan ng luha ay maaaring pagmulan ng maselang problema, kung minsan ay pagkabulag pa nga. Upang lunasan ito, si Jean-Antoine Bernard, isang manggagamot na taga-Paris, ay nakagawa ng isang 400-gramong awtomatik, pinaaandar ng bateriyang tagabomba ng luha na inilalagay ng pasyente sa ilalim ng kaniyang braso. Sang-ayon sa lingguhang babasahing Le Figaro Magazine, ang aparato ay isang “hiringgilya . . . na punô ng itinimplang tubig at asin, na, dumaraan sa halos hindi makitang tubong plastik, na regular na tinutubigan ang mata sa pamamagitan ng isang pinong silicon catheter na inilalagay sa ilalim ng talukap ng mata.” Ang bilis ng daloy ay maaaring ayusin upang tugunan ang pangangailangan para sa higit na likido sa panahong mahangin at mas kaunti sa panahon ng pagtulog.

Hindi Katawa-tawa

Ang dating paniniwala na ang pagtawa ay mabuting gamot ay seryosong isinasaalang-alang ngayon. Ang ilang mga ospital sa Estados Unidos ngayon ay naglalaan ng “humor room” para sa may sakit na mga pasyente, ang mga terapis ay nagtuturo ng “smile therapy,” at isang organisasyon na kilala bilang “Nurses for Laughing” ay nagiging popular, sabi ng The Vancouver Sun. Binabanggit din ng report na nasumpungan ng mga mananaliksik na ang pagtawa ay maaaring maging “isang gamot sa kaigtingan” at “mabuti para sa sistema ng imyunidad”; tinawag pa nga ito ng isa na “panloob na jogging.” Sang-ayon sa The Sun, isang propesor sa sikolohiya ay nagsabi na “pinararami ng pagtawa ang simula ng kirot sa pamamagitan ng paglalabas ng mga endorphin, ang likas na pamatay-kirot ng katawan.” At isang terapis na taga-Canada ang nagsasabi na ang mga kalamnan sa mukha kapag tumatawa ay “nagtuturo sa utak na maging mahusay ang pakiramdam, anuman ang iyong pakiramdam.”

Pinakamabilis na Pagsakay

Inanyayahan ng German Federal Railways ang mga 80 panauhin upang makibahagi sa isang pantanging pagsubok na pagtakbo ng tren nito na “Intercity Experimental” (ICE) noong nakaraang Mayo. Ang mga pasahero, na nakaupo o nakatayo sa dalawang kotse ng tren na ICE, ay nagmamasid habang ang maliwanag na bilang sa metro ay sumusukat ng bilis sa may pinto ay umabot sa markang 406-kilometro-bawat-oras! Iyan ay nangangahulugan ng pinakamabilis na rekord ng pagtakbo ng tren. Sang-ayon sa pahayagang Frankfurter Allgemeine Zeitung, ang German Federal Railways ay naglagay kamakailan ng isang pidido para sa paggawa ng 41 ICE na mga kotse ng tren na magkakahalaga ng mahigit 1,500 milyong German marks.

Bagong Kampeon na Halamang-Kamatis

Noong Pebrero 1988, tinalo ng isang dambuhalang halamang kamatis na itinanim sa Tsukuba, Hapón, ang may hawak ng pandaigdig na rekord noong 1985 na 3,585 kamatis. Ang dating panalo at ang nanalo sa taóng ito ay kapuwa itinanim sa pamamaraang hydroponic. Ang magastos na pamamaraang ito ay nagsasangkot ng pagpapakain sa halaman ng likidong abono sa isang hothouse nang hindi gumagamit ng lupa. Ang mga sanga ng bagong may hawak ng titulo na kamatis ay lumampas pa sa sala-salabat na balag na ginawa para alalayan ito. Sa pagtatapos ng paligsahang buhay nito, na umabot ng mahigit sa isang taon, ang kampeong halaman ay nakagawa ng 16,897 kamatis!

Mabuting Gamit ng Radyoaktibidad

Isang bagong gamit ng radyoaktibidad ay nakatulong sa pagpuksa ng mga anay sa matandang makasaysayang mga gusali sa Australia. Ang The Canberra Times ay nag-uulat na ang kaunting radyoaktibidad na idinaragdag sa pagkain ng anay ay kumakalat sa buong kuyog ng mga anay, sa gayo’y nagiging posible na malaman ang laki ng kuyog gayundin tuntunin ang landas nito. Ang radyoaktibong bagay ay hindi pumapatay sa mga anay. Minsang ang mga ito ay matunton, ang karaniwang pestisidyo ay maaaring mas mabisa at mas matipid na gamitin. Sang-ayon sa Times, ang pamamaraan ay lubhang matagumpay anupa’t ang mga bansa na gaya ng Sri Lanka, Malaysia, ang Pilipinas, Thailand, at Ehipto ay nagpahayag na ng interes dito upang puksain ang kani-kanilang problema sa mga anay. Yamang ang kinakailangang dami ng radyoaktibong materyal ay kaunti lamang, sinasabing walang panganib na mahawa ang mga tao.

Mga Sugapa sa Ehersisyo

Ang katamtamang ehersisyo ay may tiyak na mga pakinabang pangkalusugan, subalit parami nang paraming Amerikano ang nag-eehersisyo hanggang sa punto na pagpinsala sa kanilang sarili. “Isang pambansang pagkahumaling sa pagiging malusog​—pati na ang mga problema sa katawan dahil sa mga sakit na nauugnay sa pagkain na anorexia at bulimia​—ay pinagmulan ng isang lumalagong suliraning pangkalusugan: labis-labis, nakasusugapang ehersisyo,” sabi ng The Wall Street Journal. “Iniuulat ng marami ang gayunding uri ng mga sintomas sa paghinto kapag sila ay mga alkoholiko at mga sugapa sa droga kapag sila ay humihinto sa pag-inom ng alak at ng droga: panlulumo, nerbiyos at di-pagkakatulog.” Bagaman walang linyang naghihiwalay sa pagitan sa pagitan ng malusog at labis-labis na ehersisyo, sinasabi ng mga doktor na ang tiyak na palatandaan ng pagkasugapa ay kapag ang isang tao ay nag-eehersisyo sa kabila ng mga kapinsalaan​—madalas na umiinom ng mga gamot na laban sa pamamaga upang itago ang kirot. “Nalalaman ng nababahalang mga doktor na ito na ang mga bali o pilay na dahil sa diin o shinsplints o tendinitis na karaniwang nangyayari sa mga labis-labis na mga joggers at mga nagsasayaw ng aerobic ay maaaring magpatuloy habang buhay,” sabi ng Journal.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share