Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g88 11/8 p. 7-8
  • Ang Dahilan Para sa Kulto

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Dahilan Para sa Kulto
  • Gumising!—1988
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Isang Patnubay para sa Taóng 2000?
  • Bakit Dapat Ipahayag ang “Taon Para kay Maria”?
    Gumising!—1988
  • Ang Taon Para kay Maria—Nagkakaiba-ibang Palagay
    Gumising!—1988
  • Sino Bang Talaga ang May Lunas sa mga Problema ng Sangkatauhan?
    Gumising!—1988
  • Si Maria Ba ang Ina ng Diyos?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
Iba Pa
Gumising!—1988
g88 11/8 p. 7-8

Ang Dahilan Para sa Kulto

INAAMIN ng mga historyador na ang sinaunang mga Kristiyano ay hindi sumamba o nagpitagan man kay Maria o sa iba pang nilikha. Bakit, kung gayon, napakaraming Katoliko ang naging “mga mananamba sa Madonna,” gaya ng tawag sa kanila ng paring si Franco Molinari?

Maraming dahilan. Ang ilan dito ay tuwirang nagmula sa mga doktrinang itinuro ng Iglesya Katolika. Halimbawa, yamang itinuturo ng simbahan na si Jesus ay kapantay ng Diyos, ito’y hindi nag-iiwan ng malayang tagapamagitan sa tao at sa Diyos. Ang Diyos at ang Kristo, napaliligiran ng misteryong Trinitaryo, ay hindi maaaring lapitan, at sa kadahilanang ito ang papel na “tagapamagitan” sa Diyos at sa sangkatauhan ay ipinagkatiwala sa “Madonna.” Sa ilang kilusan para kay Maria, ang mga sawikaing gaya ng “Kay Jesus sa pamamagitan ni Maria” o “ang Birhen, ang kawing sa pagitan natin at ni Kristo,” ay pangkaraniwan. Sa panimulang talumpati sa Taon para kay Maria, sinabi ni John Paul II na ang mga tao ay dapat na “magbalik sa Diyos sa pamamagitan ni Maria.”

Sa buong kasaysayan, ang Diyos at si Kristo ay madalas na kinakatawan bilang walang-awa at matigas na mga hukom. Kaya hindi kataka-taka, gaya ng kinikilala ng teologong si René Laurentin, na ang ibang Katoliko “ay ipinaghambing ang mapaghiganting paghuhukom ni Kristo sa awa ng kaniyang Ina: ‘Nais ni Jesus na humatol, nais naman ni Maria na magligtas.’ ” “Kahit na tayo ay nakagawa ng maraming kasalanan,” sulat ng isang obispo, “magiliw na patatawarin tayo ng makalangit na Ina; at kung tayo’y natatakot sa hatol ng Diyos, tiyak na hindi natin katatakutan ang puso ng Ina.” Maliwanag, “ang Diyos ay hindi nagbibigay ng sapat na katiyakan” para sa mga Katoliko, hinuha ng babasahing Italyano na Panorama.

Iba’t ibang konseho at mga papa sa nakalipas na mga dantaon ang humimok at patuloy na humihimok ng pagsamba kay Maria at sa kaniyang mga imahen. Ginagamit ng teolohiyang Katoliko ang iba’t ibang termino na hinango sa Griego sa pagdistinggi sa iba’t ibang antas ng pagsamba: latrìa ang anyo ng pagsamba sa Diyos, dulìa ang pagsamba sa mga santo, at hyperdulìa ang “pantanging pagpipitagan” na inilalaan para sa “Madonna.” Kasuwato ng mga kahulugang ito, sa kaniyang ensiklikal na liham kamakailan, muling iginiit ni John Paul II na ang “mga imahen ng Birhen ay may dako ng paggalang sa mga simbahan at sa mga bahay” sapagkat siya ay karapat-dapat sa “pantanging pagpipitagan.”

Subalit hindi ba totoo na itong “pantanging pagpipitagan” ay nagpangyari sa ibang mga teologo na ituring siya, gaya ng binanggit sa Panorama, na “ang ikaapat na persona sa Santisima Trinidad”? Hindi ba totoo na ito ang nagpakilos sa kanila na ipahayag​—gaya ng sinasabi ng Katekismo para kay Maria​—na “ang kaniyang kadakilaan ay humahangga sa walang-hanggan”?

Kaya, sa katunayan ang ideya na si Maria ay isang “sakdal na huwaran ng lahat ng kagalingan” ay nagsisilbi upang bigyan-kasiyahan ang tinatawag na Panorama na ang “pagnanais para sa kaseguruhan” ng tapat na mga Katoliko, na higit sa lahat sa gitna ng kasalukuyang mga pagkabalisa ng salinlahing ito. Dapat ba nating ipagtaka, kung gayon, na kinondena ng ilan sa mga klerong Katoliko ang debosyonalistikong pagpapakalabis ng mga tapat?

Isang Patnubay para sa Taóng 2000?

Gaya ng nasabi na, ayon sa mga intensiyon ng papa, ang muling pagbuhay sa katauhan ni Maria ay tutulong upang maghanda para sa taóng 2000. Sa harap ng mga takot at mga pagkabalisa na dala ng “mga sintomas ng pagkabalisa na lumalaganap sa salinlahing ito,” inilagak ng papa ang kaniyang tiwala sa “Madonna” upang mamagitan siya sa Diyos a lutasin ang mga problema ng daigdig. Subalit tayo ba’y inaakay ng Bibliya na magtungo kay Maria para sa lunas sa “mga sintomas ng pagkabalisa” na ito? Kanino tayo dapat magtiwala upang masaksihan ang katuparan ng “pag-asa sa isang bagong panahon, sa isang bagong daigdig”?

[Larawan sa pahina 8]

Ang Madonna ay sinasamba sa iba’t ibang anyo sa buong daigdig ng mga Katoliko

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share