Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g88 12/22 p. 5-8
  • Paglutas sa Problema ng Dukha

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Paglutas sa Problema ng Dukha
  • Gumising!—1988
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Huwaran na Ibinigay para sa Tunay na mga Kristiyano
  • Ang Kaharian ng Diyos ang Tanging Lunas
  • Kung Bakit Hindi ang Teolohiya sa Pagpapalaya ang Lunas
    Gumising!—1988
  • Sundan ang Halimbawa ni Jesus at Magmalasakit sa Mahihirap
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2006
  • Malapit Na ang Wakas ng Karalitaan
    Gumising!—1998
  • Ano ang Kaharian ng Diyos?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2011
Iba Pa
Gumising!—1988
g88 12/22 p. 5-8

Paglutas sa Problema ng Dukha

ANG ilang mga lider ng relihiyon ay napakahusay magsalita tungkol sa mga problema ngayon anupa’t ang mga tao ay maaaring maniwala na talagang nalalaman nila kung paano pagbubutihin ang mga bagay. Gayunman, kung hindi nalutas ng mga pulitiko at ng mga ekonomista ang mga problema, mas mahusay kaya ang magagawa ng mga lider ng relihiyon sa pamamagitan ng pagsuporta sa rebolusyunaryong mga elemento?

Ipinagtatanggol ng mga lider ng simbahan ang kanilang nababagabag na diwa, subalit hindi lahat ay kumbinsido sa kanilang kataimtiman. Si Edmund Burke ay sumulat: “Isang panlahat na pagkakamali na ipalagay na ang pinakareklamador ay talagang lubhang nababahala sa kapakanan ng publiko.” Posible kaya na ang mga lider ng simbahan ay nauudyukan ng pagkabahala maliban sa simpleng sigasig sa katarungan?

Ang Brazilianong magasin na Veja ay nagsasabi: “Sa katunayan, ang ninanais ng Simbahan ay kapangyarihan . . . Ang bagay na ang mga kayamanan ng daigdig ay nasa mga bansang Protestante, Budista, at ateistiko pa nga ay pumupuwersa sa Simbahan na sikaping makabalik sa kapangyarihan sa pamamagitan ng mga dukha sa Third World.”

Subalit kahit na ipalagay na ang indibiduwal na mga klerigo ay hindi naghahangad ng anumang personal na pakinabang, ang mga dukha ba ay talagang makikinabang sa pagsuporta sa isang kilusan sa pagpapalaya na nagtataguyod ng aktibismong panlipunan? Iyan ba ang paraan upang lutasin ang problema ng mga dukha?

Ang Huwaran na Ibinigay para sa Tunay na mga Kristiyano

Anong halimbawa ang ibinigay ni Jesu-Kristo, ang isa na obligadong tularan ng lahat ng tunay na mga Kristiyano? Samantalang nasa lupa, hindi siya nakisangkot sa mga repormang panlipunan, ni lumihis man siya sa kaniyang atas na sabihin sa iba ang tungkol sa Kaharian ng Diyos. (Lucas 4:43; Juan 6:15) Kahit na si Papa John Paul II, nang kaniyang talakayin ang aktibismong panlipunan, ay nagsabi: “Maliwanag na ipinakikita ng mga Ebanghelyo na para kay Jesus, ang anumang bagay na babago sa kaniyang misyon bilang Lingkod ni Yahweh [Jehova] ay isang tukso.”

Hindi ito nangangahulugan na hindi kinilala ni Jesus ang mga pangangailangan ng mga dukha. Kinilala niya ito. “Siya’y nahabag sa kanila,” ang sabi ng Bibliya, “sapagkat sila ay pinagsasamantalahan [o nililigalig] at nakapangalat na tulad ng mga tupa na walang pastol.” (Mateo 9:36) At inanyayahan niya yaong mga susunod sa kaniya: “Pumarito kayo sa akin, lahat kayong nagpapagal at nabibigatang lubha, at kayo’y pagpapahingahin ko.”​—Mateo 11:28.

Inilalarawan ng isang hula ng Bibliya ang pamamahala ng Kaharian ni Kristo: “Kaniyang ililigtas ang dukha na dumaraing ng paghingi ng tulong, pati ang napipighati at sinuman na walang katulong. Siya’y maaawa sa mapagpakumbaba at sa dukha, at ang mga kaluluwa ng mga dukha ay kaniyang ililigtas. Tutubusin niya ang kanilang kaluluwa sa kapighatian at karahasan, at magiging mahalaga ang kanilang dugo sa kaniyang paningin.”​—Awit 72:12-14.

Samakatuwid yaong mga tutulad kay Jesus ay dapat na magkaroon ng malaking pagkahabag sa mga dukha at dapat na magsikap na tulungan sila. Ngunit papaano? Yamang kinikilala ni Jesus na ang kasalukuyang daigdig ay nasa ilalim ng kontrol ni Satanas na Diyablo, hindi niya sinikap na baguhin ito. (Lucas 4:5-8; Juan 12:31; 14:30; 18:36) Subalit kaniyang tinulungan ang mga dukha sa pamamagitan ng paglalaan sa kanila ng tagubilin na tutulong sa kanila na makayanan nila ang mga problema sa buhay.

Tinuruan ni Jesus ang kaniyang mga alagad na maging mapamaraan, sa gayo’y tinutularan siya at ang kaniyang Ama. “Hanggang ngayo’y patuloy na gumagawa ang aking Ama, at ako’y patuloy na gumagawa,” sabi niya. (Juan 5:17) Gayundin, ang mga tagasunod ni Kristo ay tinuruan kung paano nila pangangalagaan ang kanilang mga sarili at ang kani-kanilang mga pamilya sa pamamagitan ng pagiging mabuti, tapat, at masipag. (Filipos 4:4-8; 1 Tesalonica 4:11, 12) Subalit ito ay paghahanda lamang para sa isang bagay na mas mabuti: ang katuparan ng mga pagpapala ng Kaharian ng Diyos.

Ang Kaharian ng Diyos ang Tanging Lunas

Oo, itinaguyod ni Jesus ang Kaharian ng Diyos bilang ang tanging makatotohanan at nagtatagal na lunas sa problema ng mga dukha at ng lahat. Ano ang palagay mo tungkol dito? Bakit kakaunti lamang ang sinasabi ng mga tagapagtaguyod ng teolohiya sa pagpapalaya tungkol sa Kaharian ng Diyos?

Ang totoo ay, nawalan sila ng pananampalataya sa mga pangako ng Bibliya tungkol sa Kaharian ng Diyos. Gayunman, nang turuan ni Jesus ang kanilang mga tagasunod na idalanging ‘dumating nawa ang kaharian ng Diyos at na maganap sana ang kaniyang kalooban sa lupa na gaya ng nasa langit,’ hindi siya nagbibigay ng isang ilusyong pag-asa. Ang panalanging iyon ay sasagutin. Ang Kaharian ng Diyos ay isang tunay na gobyerno. Makatitiyak ka na hindi kailanman dadayain ni Kristo ang kaniyang taimtim na mga tagasunod sa pagtuturo sa kanila na manalangin ng isang bagay na hindi mangyayari.​—Mateo 6:9, 10.

Si apostol Pedro ay nagkaroon ng pabor na patiunang makita ang makalangit na gobyernong iyon. Ito’y nangyari nang si Jesus ay magbagong-anyo sa harap ni Pedro at ng dalawa pang mga apostol sa isang mataas na bundok. Kaya, pagkalipas ng maraming taon si Pedro ay sumulat: “Hindi, hindi sa pagsunod sa magagaling ang pagkakathang di-totoong mga kuwento ipinakilala namin sa inyo ang kapangyarihan at pagkanaririto ng ating Panginoong Jesu-Kristo, kundi dahil sa kami ay naging mga saksing nakakita ng kaniyang kadakilaan.”​—2 Pedro 1:16-18.

Sa isang pangitain, aktuwal na nakita ni Pedro si Kristo na nagpupuno sa Kahariang iyon ng Diyos! “Kaya nga,” patuloy ni Pedro, “kami ay mayroong lalong panatag na salita ng hula [tungkol sa Kaharian, sa pamamagitan ng mga propeta na gaya ni Isaias at ni Daniel].” (2 Pedro 1:19) Halimbawa, itinala ni propeta Daniel ang isang pangitain tungkol sa pagtatalaga kay Kristo bilang Hari nang Siya ay “binigyan ng kapangyarihang magpuno at ng kaluwalhatian at ng kaharian.” Sinabi pa ni Daniel: “Ang kaniyang pagpupuno ay walang-hanggang pagpupuno na hindi lilipas, at ang kaniyang kaharian ay hindi magigiba.”​—Daniel 7:13, 14.

Ano ang sinasabi ng “salita ng hula” na mangyayari sa kasalukuyang mga pamahalaan ng tao kapag dumating na ang Kaharian ng Diyos bilang sagot sa mga panalangin ng mga tagasunod ni Kristo? Pakinggan ang kinasihang hula sa Daniel 2:44: “At sa kaarawan ng mga haring yaon [ang mga pamahalaang umiiral ngayon] ang Diyos ng langit ay magtatayo ng isang kaharian na hindi magigiba kailanman [ang Kaharian na itinuro ni Kristo na idalangin ng kaniyang mga alagad]. At ang kahariang iyon ay hindi ibibigay sa ibang bayan. Dudurugin at wawasakin niyon ang lahat ng kahariang ito [kasalukuyang mga pamahalaan ng tao], at iyon sa ganang sarili ay lalagi magpakailanman.”

Tunay, ang Kaharian ng Diyos ang tanging pag-asa ng sangkatauhan sa paglutas sa problema ng mga dukha! Ang totoo ay, hindi kaya ng tao na pamunuan nang wasto ang kaniyang kapuwa tao. Isinisiwalat ng kasaysayan na “duminado ng tao ang kaniyang kapuwa tao sa kaniyang ikapipinsala,” anumang uri ng pamahalaan ng tao ang sinubok. Gaya ng malaon nang ipinakikita ng Salita ng Diyos, talagang hindi para sa tao na pamahalaan ang kaniyang sarili na hiwalay sa Diyos.​—Eclesiastes 8:9; Jeremias 10:23.

Sa kabilang dako, makapagtitiwala ka na ang saganang mga pagpapalang inilarawan ng “salita ng hula” ni Isaias ay matutupad, alalaong baga: “Sila nga’y magtatayo ng mga bahay at kanilang tatahanan; sila nga’y mag-uubasan at magsisikain ng mga bunga niyaon. Sila’y hindi magtatayo at iba ang tatahan; sila’y hindi magtatanim at iba ang kakain. . . . Sila’y hindi gagawa ng walang kabuluhan, o manganganak man para sa kasakunaan; sapagkat sila ang lahi ng mga pinagpala ni Jehova, at ang kanilang anak na kasama nila. At aktuwal na mangyayari na bago sila magsitawag ay sasagot ako; at samantalang sila’y nagsasalita, akin mismong diringgin.”​—Isaias 65:21-24.

Ang Diyos na Jehova ay hindi gagamit ng anumang pagsisikap o mga kilusan ng tao, pati na ang teolohiya sa pagpapalaya, upang pasapitin ang mga pagpapalang ito. Sa halip, ang kaniyang makalangit na pamahalaan ang mamamahala at pagkakaisahin ang lahat ng masunuring tao, na magdadala ng katuwiran at kasaganaan. Kaya, ingatan sa isipan ang Kaharian ng Diyos. Unahin ito sa iyong buhay. Oo, “lalong mabuti na manganlong kay Jehova kaysa maglagak ng tiwala sa tao.”​—Awit 118:8; Mateo 6:33.

[Larawan sa pahina 7]

Lulutasin ng Kaharian ng Diyos ang mga problema ng dukha

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share