Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g89 1/8 p. 24-27
  • Mga Rekording na Nagdadala ng Papuri kay Jehova

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Rekording na Nagdadala ng Papuri kay Jehova
  • Gumising!—1989
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Mula sa Pag-iimprenta Tungo sa Pagrirekording
  • Pagbuo ng Isang Orkestra
  • Mga Drama at Pagbasa sa Bibliya
  • Paano Nagiging Hit ang Isang Kanta?
    Gumising!—2011
  • Ginugol Ko ang Aking Buhay sa Musika
    Gumising!—1986
  • Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . .
    Gumising!—1993
  • Paano Ako Magiging Balanse sa Pakikinig ng Musika?
    Ang Mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas, Tomo 2
Iba Pa
Gumising!—1989
g89 1/8 p. 24-27

Mga Rekording na Nagdadala ng Papuri kay Jehova

“ANG isang araw na ginugol sa Bethel sa pagtugtog ng musika ay katumbas ng sanlibong ginugol saanman.” “Itinuturing ko itong pinakamataas na pribilehiyo sa musika na umiiral sa kasalukuyan.” “Inaakala kong isang karangalan na gamitin ang talino na lubhang mapagmahal na ipinagkaloob ni Jehova sa akin na maaaring umakit sa iba sa katotohanan sa pamamagitan ng musika.” Ilan ito sa mga komento mula sa propesyonal na mga musikero, mga Saksi ni Jehova, na nagboluntaryo ng kanilang panahon at pagsisikap upang gumawa ng musika na kasama ng isang pambihirang orkestra.

Bakit kusang nagbuboluntaryo ang mga musikerong ito ng kanilang talino gayong puwede naman nilang gawin ang gawain ding iyon nang may pakinabang? Hayaan natin silang sumagot. Si Jim ay tumutugtog ng doble de bajo sa loob ng 22 taon na kasama ng orkestra ng New York Philharmonic. Sabi niya: “Inaakala kong isang malaking pribilehiyo na magtungo sa pandaigdig na punong-tanggapan ng mga Saksi ni Jehova at magrekord ng musika.” Si Joe, isang tumutugtog ng biyulin at gitara, ay propesyonal na nagrirekord ng musika. Ganito ang nadarama niya: “Ito’y sagot sa aking mga panalangin na ako’y gamitin ni Jehova sa anumang taglay ko.” Si Harold, isang piyanista, ay maraming magagaling na pribilehiyo ng pananagutan bilang isang ministro ng mga Saksi ni Jehova. Lagi niyang pinananatili ang kaniyang propesyonal na karera sa musika na pangalawa sa kaniyang ministeryo. Sabi niya: “Ang pagrirekord ng musika para sa mga Saksi ni Jehova ay isa sa kasiya-siyang pribilehiyo na tinamasa ko sa organisasyon ni Jehova.”

Sa panahong ito kung kailan ang negosyo ng rekording ay masyadong paligsahan, multimilyon-dolyar na industriya, maaaring mahirap para sa ilan na maniwala na 60 katao ang magtitipun-tipon upang magrekord ng musika sa loob ng apat na araw nang hindi tumatanggap ng anumang gantimpalang salapi at kahit na kabayaran para sa kanilang pagkakagastos! Gayunman, ang tagapagtaguyod ng proyektong ito ng pagrirekord ay ang Samahang Watchtower​—di-makakomersiyong organisasyon na naglalathala ng magasing ito. At ang lahat ng kasangkot sa orkestra​—mula sa konduktor hanggang sa teknisyan​—ay isang ministro ng mga Saksi ni Jehova. Ang kanilang motibo sa pagpapagal? Upang magdala ng papuri sa Diyos.

Mula sa Pag-iimprenta Tungo sa Pagrirekording

Gayunman, paanong ang Samahang Watchtower​—na kilala sa gawain nito na pag-iimprenta​—ay napasangkot sa paggawa ng sound recording? Noong 1966 ang Samahan ay nagsaayos ng isang may kasuotang drama sa Bibliya na itatanghal sa taunang pandistritong mga kombensiyon nito. Ang madulang pagtatanghal ng sinaunang mga pangyayari sa Bibliya ay lubhang naibigan anupa’t ang katulad na mga presentasyon ay naging regular na tampok ng mga kombensiyong ito.

Noon, ang unang mga drama sa Bibliya ay itinatanghal na live. Nang dakong huli, ipinasiya na ang inirekord na mga tape ay maaaring gawin upang idagdag ang musika at mga sound effects sa mga pagtatanghal. Samakatuwid, imumuwestra na lamang ng mga nagsisiganap sa entablado ang mga tinig na nairekord na sa tape. Ginamit ng Samahan ang maraming kawani nito sa punong-tanggapan sa Brooklyn upang maging mga artista at mga teknisyan, at isang recording studio ang itinatag. Subalit nang mapagpasiyahan nang dakong huli na gawin ang orihinal na musika para sa mga dramang ito, isang bagong hamon ang nakaharap.

Pagbuo ng Isang Orkestra

Nagsimula ang pagtuklas sa mga kompositor at mga musikero sa gitna ng mga Saksi ni Jehova sa Hilagang Amerika na handang magbigay ng kanilang panahon at talino sa paggawa ng Kristiyanong musika. Sa nilakad-lakad ng mga taon, ang orkestra ng Watchtower ay lumaki hanggang halos sa simponikong kasukat​—60 hanggang 70 mga boluntaryo. Ang ilan sa kanila ay propesyonal na mga musikero. Gayunman, sasabihin nila sa iyo kung ano ang kanilang pangunahing propesyon. Si David ay tumutugtog ng cello na kasama ng Denver symphony orchestra sa loob ng ilang taon. Ang kaniyang pangmalas sa industriya ng musika ay naapektuhan ng katotohanan ng Salita ng Diyos. Ipinahayag niya ito sa ganitong paraan: “Binawasan ko ang aking personal na ambisyon at pagnanais na umasenso sa daigdig ng musika. Ako’y nagagalak na tustusan ang aking pamilya bilang isang musikero at kasabay nito ay makibahagi sa buong-panahong ministeryo.”

Ang pangmalas din ni John ay, gaya ng pagkakasabi niya rito, “lubhang nagbago. Bagaman ako ay nagtatrabaho pa rin sa Broadway bilang isang bahista nang ako’y mabautismuhan bilang isa sa mga Saksi ni Jehova, nakita ko na mahirap timbangin ang aking pag-ibig kay Jehova at ang aking pag-ibig sa musika. Nasumpungan ko ang industriya ng musika na naging isang panginoon. Hindi ko maibigay ang aking buong kaluluwa kay Jehova sa gawaing pangangaral kung alam kong kailangan kong tumugtog ng musika sa gabi. Napakaraming pagkakataon na ikompromiso ang ating pananampalataya. Kaya ako’y nagsimula sa buong-panahong ministeryo.”

Halos 50 sa mga kalahok sa mga proyekto ng Samahan sa pagrirekord ng musika, pati na ang mga tagakopya ng musika at mga teknisyan, ay naglilingkod sa lokal na mga kongregasyong ng mga Saksi ni Jehova bilang mga hinirang na matatanda o ministeryal na mga lingkod. Halos 35 ang nakapag-uukol ng buong panahon nila sa ministeryo, pati na ang paglilingkod sa Brooklyn Bethel at sa Watchtower Farms.

Noong 1980 pinalawak ng Samahan ang gawain ng pambihirang orkestra na ito. Ang pagsasaayos ng mga awit na ginagamit ng mga Saksi ni Jehova bilang isang kasiya-siyang bahagi ng kanilang pagsamba ay makukuha na sa mga cassette tape. Ang mga delegado sa 1980 na mga pandistritong kombensiyon ay tuwang-tuwa sa paglalabas ng Kingdom Melodies No. 1​—ang una sa isang serye ng musikang mga tape na gawa ng orkestra ng Watchtower para sa papuri kay Jehova.

Si Tom, isang propesyonal na musikero sa loob ng maraming taon, ay nasangkot sa mga proyekto ng Samahan na pagrirekord ng musika sa nakalipas na 15 taon. Sabi niya: “Totoo na ang aming pagsisikap ay hindi nakaaabot sa musikal na paraan sa kung ano ang maaaring gawin ng isang propesyonal na symphony orchestra. Subalit ang kakulangan namin sa karanasan ay tiyak na napupunan ng aming sigasig at sigla.” Si Sallie ay may mga taon ng karanasan bilang isang propesyonal na biyulinista. Pinahahalagahan niya “ang espiritu ng pagtutulungan na umiiral dito na hindi mapapantayan sa mundo.” Si Bill, isang perkasyunista, ay binubuod ito, na sinasabi: “Ang orkestra ay hindi pa rin kapantay ng New York Philharmonic sa kalidad, subalit inakaala naming mahusay ang aming pagtugtog. Naiibigan ko ito! Buong pananabik akong tumitingin sa bawat sesyon sa pagrirekord.”

Mga Drama at Pagbasa sa Bibliya

Ang mga tinig sa mga drama ng Bibliya ay inirekord sa mga studio ng Samahan. Ang mga miyembro ng kawani sa punong-tanggapan sa Brooklyn ay nagsilbing mga aktor at mga aktres. Ang mga eksena sa drama ay inirirekord na hiwalay at saka ini-edit na magkasama. Sa wakas, idinaragdag ang mga sound effect at musika.

Mula noong 1978 ang pasilidad ng Samahan sa pagrirekord ay nagkaroon pa ng isang gamit​—pagrirekord ng Banal na Kasulatan. Sa nakalipas na mga taon, mula nang unang ilabas ang cassette na The Good News According to John, ang buong Bibliya ay inirekord. Ngayon ang lahat ng may pandinig ay makikinabang mula sa Salita ng Diyos.

Paano ginagawa ang gayong mga rekording? Tingnan natin ang isang sesyon ng pagrirekording. Isang ordinadong ministro ng mga Saksi ni Jehova ay nagbabasa mula sa New World Translation of the Holy Scriptures. Upang tulungan siyang bigyang kahulugan ang kaniyang binabasa at mahusay na kalidad ng rekording, may tatlong iba pa na nakaupo sa likuran ng soundproof na bintana sa control room​—ang inhinyero, na nagpapaandar sa recording console upang tiyakin na ang kagamitan ay umaandar nang husto; ang tagasunod, na maingat na tumitingin sa kawastuan ng pagbasa ng nilalaman; at ang direktor, na nagbibigay ng nakatutulong na patnubay sa pagbigkas at sa mga katangian sa pagsasalita sa bumabasa.

Samantalang ang tatlong ito ay abala sa rekording, inaalis ng isang editor ang mga ingay ng pagbubukas ng mga pahina at iba pang hindi kinakailangang ingay mula sa dating rekording sa pamamagitan ng aktuwal na pagputol sa inirekord na tape na ginagamit ang talim ng isang labaha. Pagkatapos ay maingat na pakikinggan ng isang proofreader ang pangwakas na bersiyon upang tiyakin na walang nakaligtaan.

Ang paggawa ng mga tape ng musika, drama, Bantayan, at pagbasa-ng-Bibliya ay isang malaking trabaho, subalit ang mga liham buhat sa buong daigdig na nagpapahayag ng pasasalamat sa mga tape na ito ay nagpapahiwatig na ito ay sulit sa pagsisikap. Ikaw ba ay nagkaroon na ng pagkakataon na makinabang sa pambihirang mga rekording na ito? Ang mga tagapaglathala ng magasing ito ay maliligayahang tumulong sa iyo na makuha ang mga ito. Tutal, higit pa ang ginagawa nito kaysa pagbibigay lamang sa iyo ng instruksiyon at kasiyahan. Ito’y nagdadala ng papuri kay Jehova mismo.

[Mga larawan sa pahina 25]

Propesyonal na mga musikerong Saksi ang nakikibahagi sa lahat ng seksiyon ng orkestra

[Mga larawan sa pahina 26]

Ang iba’t ibang seksiyon ng orkestra ay pinagsasama upang gumawa ng musika na inirirekord sa studio ng Watchtower

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share