Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g89 8/22 p. 3
  • Ang Ating mga Pandamdam—Pambihirang mga Kaloob

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Ating mga Pandamdam—Pambihirang mga Kaloob
  • Gumising!—1989
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Panlasa—Regalo ng Isang Maibiging Maylalang
    Gumising!—1998
  • Ilan ba Talaga ang Ating mga Pandamdam?
    Gumising!—2003
  • Ang Iyong Panlasa
    Gumising!—2008
  • Kalikasan ang Nauna
    Gumising!—2010
Iba Pa
Gumising!—1989
g89 8/22 p. 3

Ang Ating mga Pandamdam​—Pambihirang mga Kaloob

PAGKAKITA sa sorbetes, nagniningning ang mga mata ni Luke. Habang inaabot niya ang sorbetes na nasa apa na iniaalok sa kaniya, naglalaway siya. Isinubo niya ang masarap na pagkain sa kaniyang bibig, inaamoy ito habang ginagawa iyon. Pagkatapos, tinikman niya ang masarap na lasa sa pagdila sa malambot, malamig na sorbetes.

Sa kasiya-siyang karanasang ito, ginamit ni Luke ang limang pambihirang sangkap sa pandamdam ng kaniyang katawan​—paningin, pandinig, pandama, pangamoy, at panlasa. Gayunman marami pa tayong ibang pandamdam; kung gaano karami ay depende sa kung paano nais uriin ng isa ang mga ito. Halimbawa, ang balat ay sensitibo hindi lamang sa paghipo kundi sa temperatura rin naman (mainit at malamig) gayundin sa kirot. Ang panloob na tainga, bukod sa pagiging sensitibo sa tunog, ay inaayos rin ang ating pagkadama ng pagkakatimbang sa pamamagitan ng likido na dumadaloy sa semicircular canals. Isa pa, may mga tagatanggap sa katawan na siyang may pananagutan sa ating pagkadama ng gutom at uhaw, gayundin ng iba pang pandamdam.

Kaya, sa pamamagitan ng isang masalimuot na sistema ng komunikasyon, ang ating katawan ay tumutugon sa iba’t ibang pampasigla upang sukatin ang pisikal at kemikal na mga katangian ng ating kapaligiran. Isaalang-alang ang ilang halimbawa.

Ang mata ay tumatanggap ng patuloy na daloy ng nakikitang mga impresyon. Ang liwanag ay itinutuon sa milyun-milyong mga selulang tagatanggap sa retina, na tumutugon sa mga sinag ng liwanag sa pamamagitan ng paggawa ng elektrikal na mga hudyat. Dinadala ng optic nerve ang mga hudyat na ito sa utak, kung saan ito ay ginagawang nakikitang mga larawan.

Ang tainga ay may maliliit na balahibo sa panloob na bahagi nito na gumagalaw sa indayog ng mga alon ng tunog na nasasagap nito. Pagkatapos ay inihahatid nito ang elektrikal na impormasyon na ginagawa naman ng ating utak na tunog.

Ang pandama ay isang sangkap ng pandamdam na depende sa maliliit na tagatanggap na nasa balat. Maliwanag, magkakaibang selulang tagatanggap ang may pananagutan sa iba’t ibang damdamin ng pandama, kirot, lamig, at init.

Ang panlasa ay isang pandamdam na binubuo ng pagkaliliit na mga dulo ng nerbiyos na tinatawag na mga taste bud. Sa pamamagitan ng buds na ito na ang karamihan ay nasa dila, at ang ilan ay nasa ibang bahagi ng bibig, maaari nating lasahan ang ating pagkain at inumin.

Ang pangamoy ay nauugnay sa panlasa. Ang pambihirang pagkasensitibo ng mga selulang tagatanggap na nasa itaas ng nasal cavity ay nagpapangyari ritong makilala ang 1 molekula lamang ng ilang maamoy na sustansiya sa 1,000,000,000,000 bahagi ng hangin! Subalit kung paano nakikilala ng mga selulang ito ang mga amoy at naghahatid ng mga hudyat ng nerbiyos sa utak ay nakalilito pa rin sa mga mananaliksik.

Tunay, ang ating mga sangkap sa pandamdam ay pambihirang mga kaloob. Gayunman, ano ang nangyayari kapag ito ay masira? Paano natin malulutas ang mga problemang ito? Ano ang magagawa natin?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share