Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g89 10/22 p. 31
  • Ang Nalalaman ng Ipinagbubuntis na Sanggol

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Nalalaman ng Ipinagbubuntis na Sanggol
  • Gumising!—1989
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2009
  • Mga Magulang, Kailangan ng Inyong mga Anak ang Pantanging Pag-aasikaso
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
  • Luho na Naging Pangangailangan—Ang Kasaysayan ng Sabon
    Gumising!—2005
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1987
Iba Pa
Gumising!—1989
g89 10/22 p. 31

Ang Nalalaman ng Ipinagbubuntis na Sanggol

PINATUTUNAYAN ng pananaliksik kamakailan na ang ipinagbubuntis na sanggol ay naaapektuhan nang higit pa kaysa pagkain ng ina nito, ng gamot na maaaring ginagamit ng ina, o kung baga ang ina ay naninigarilyo o hindi. Naririnig din ng ipinagbubuntis na sanggol kung ano ang pinakikinggan ng ina nito at maliwanag na ito ay naaapektuhan.

Upang ilarawan: Ang direktor sa musika ng Hamilton Philharmonic Orchestra sa Ontario, Canada, ay nag-ulat na nang siya ay bata-bata pa, ang sarisaring score sa musika na iniinsayo niya ay para bang pamilyar sa kaniya, bagaman hindi pa niya kailanman nakita ito. Sa tuwina’y ang bahagi ng cello ang misteryosong pamilyar sa kaniya. Sinabi niya sa kaniyang ina, na isang propesyonal na manunugtog ng cello, ang tungkol dito. Nang, sa pagtatanong ng kaniyang ina, sabihin niya ang mga pangalan ng mga likha sa musika na iniinsayo niya, nalutas ang misteryo. Nang siya ay ipinagbubuntis ng kaniyang ina, sabi ng nanay niya, ito mismo ang mga piyesa na iniinsayo niya!

Ngayon, ayon sa kolumnista sa pahayagan na si Erma Bombeck, iniuulat ng isang Britanong babasahin sa medisina ang tungkol sa isang problema na tinatawag ng babasahin na “fetal soap addiction.” Ang ipinagbubuntis na mga sanggol ay nagiging sugapa sa mga serye ng drama sa TV na pinakikinggan ng kanilang mga ina. “Sana’y nalaman ko ito nang ipinagbubuntis ko ang aking mga anak,” sabi ni Bombeck. “Lagi kong pinanonood ang ‘The Waltons,’” isang magandang programa sa telebisyon mga ilang taon na ang nakalipas. Sabi pa niya: “Hindi kataka-taka na may mga anak kami na nais pabutas ng kanilang tainga sa gulang na 2, makipag-date sa gulang na 9 at magkaroon ng kanilang sariling apartment sa gulang na 13.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share