Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g90 2/22 p. 12-13
  • Ang Manghahabi sa Kanlurang Aprika sa Kaniyang Trabaho

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Manghahabi sa Kanlurang Aprika sa Kaniyang Trabaho
  • Gumising!—1990
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Pinagmumulan ng Pangunahing mga Materyales
  • Algudon
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Pag-iikid
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Panulid
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Ang mga Kulay at Tela Noong Panahon ng Bibliya
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
Iba Pa
Gumising!—1990
g90 2/22 p. 12-13

Ang Manghahabi sa Kanlurang Aprika sa Kaniyang Trabaho

Ng kabalitaan ng Gumising! sa Liberia

SA MAKABAGONG ika-20 siglo na ito, taglay ang mga computerized, maramihang-produksiyong mga pabrika nito, nakagiginhawang pagmasdan ang isang artesano na gumagawa ng magandang trabaho na katulad ng pagkagawa rito noong kapanahunan ng Bibliya.

Isang araw habang dinadalaw si Mustapha, natagpuan ko siyang gumagawa sa kaniyang habihán. Noon, ang paghahabi ay isang lihim na sining, kaya ayon sa lokal na tradisyon, walang sinumang maaaring tumayo sa likuran ng isang maghahabi upang panoorin siya sa paggawa. Ipinaliwanag ni Mustapha na sa gitna ng tribo ng Mende, ang mga manghahabi noon ay pawang kabilang sa isang pamilya sa loob ng isang pamayanan. Kahit noon, ilang tao lamang ang aktuwal na nakakaalam ng pamamaraan, at tanging ang matataas na pinuno lamang ang may kayang kumuha ng serbisyo ng isang manghahabi.

Kapag inempleyo ng isang mataas na pinuno ang isang manghahabi, isang paglilinis ang ginagawa sa isang kalapit na gubat, at isang bakod na palma ang itinatayo upang ikulong ang dakong pinaghahabihan. Isang karaniwang paniwala na tinutulungan ng isang espiritu ang manghahabi sa masalimuot na pamamaraan ng pagdidisenyo sa tela, kaya hinadlangan ng kulong na dako ang sinumang pumapasok nang walang pahintulot ang manghahabi.

Ang manghahabi ay inempleyo ng mataas na pinuno upang gumawa ng gbalee, na binubuo ng ilang piraso na tinahing magkakarugtong upang makagawa ng isang pirasong mas malaki sa isang kobre-kama. Ang manghahabi at ang kaniyang pamilya, kasama ang isang alalay, ay magtutungo at duroon sa looban ng pinuno, kung saan pinaglaanan sila ng isang kubo at ng pang-araw-araw na pagkain. Hindi kailangang magmadali ang manghahabi at maaaring abutin ng isang taon upang matapos ang dalawang gbalee. Kapag isang opisyal ng pamahalaan o iba pang mataas na pinuno ang dumadalaw, ang gbalee ay ihaharap sa kaniya bilang isang regalo. Hindi babayaran ng salapi ang manghahabi para sa kaniyang gawain kundi siya’y maaaring bigyan ng isang baka o ng isang dalaga.

Gayumpaman, ang makabagong mga manghahabi, gaya ni Mustapha, ay nagtatrabaho sa isang komersiyal na batayan. Mayroong pa ngang kontrata si Mustapha upang maglaan ng mga kasangkapan para sa Organization of African Unity Conference Hall sa Monrovia. Dahilan sa pagsulong ng kalakalang panturista, may lumalaking bilang ng mga mamimili para sa gowns, mga kamiseta, mga kobre-kama, place mats, at iba pang mga bagay na hinabi.

Pinagmumulan ng Pangunahing mga Materyales

Ang pangunahing mga materyales, napag-alaman ko, ay lokal na makukuha. Ang mga sinulid ay yari sa bulak. May dalawang pangunahing uri, ang low bush (puti) at high bush (kayumanggi). Pagkatapos ang bulak ay binubukod ayon sa kulay​—kayumanggi, light brown, at puti​—at inilalagay sa kinjas (mga taguang basket).

Ako’y inanyayahang dalawin ang isang matandang babae, si Siah, upang masdan ang mga paraan sa paghahanda ng bulak para sa habihán. Buong pagmamalaking ipinamalas niya ang kaniyang mga kahusayan.

Ang unang hakbang ay ang pag-aalis ng mga buto sa bulak. Upang magawa ito, ang bulak ay inilalagay sa isang bloke ng kahoy, at isang bilog na patpat o pirasong bakal ay pinadaraan sa ibabaw nito na parang pamipis. Sa ganitong paraan ang mga buto ay naaalis sa bulak. Pagkatapos ang mga piraso ng hiblang wala nang buto ay inilalagay sa mga basket at naghihintay ng susunod na hakbang, ang carding.

Ang pamamaraang ito ay nakawili-wiling masdan. Ang hibla ng bulak ay isinasampay sa isang pisi, na paulit-ulit na hinahatak upang lumuwag ang bulak. Sa bandang huli ang bulak ay nagiging maalsa o mahimulmol. Pagkatapos ang mga pirasong sinlaki ng palad ng kamay ay hinihila, pinipipi, at inilalagay sa maluluwag na mga susón sa mga basket, handa na para sa paghabi.

Ang sumusunod na hakbang, ang paghahabi, ay karaniwang ginagawa ng mga babae. Ipinaaalala nito ang papuri ng Bibliya sa isang may kakayahang asawang-babae: “Kaniyang itinangan ang kaniyang mga kamay sa panulid, at ang kaniyang mga kamay ay humahawak sa mga panghabi.” (Kawikaan 31:19) May kawastuang inilalarawan nito ang pamamaraan na ginagamit pa rin sa kasalukuyan, gaya ng ipinakikita ni Siah.

Una, maluwag niyang iniikid ang carded na bulak sa palibot ng isang makinis na patpat, ang panulid. Hawak ang panulid na mataas sa kaniyang kaliwang kamay, kaniyang hinihilang pababa ang mga hibla sa pamamagitan ng kaniyang kanang kamay, kasabay nito pinipilipit ito upang makagawa ng isang magaspang na sinulid. Ang sinulid ay nakakabit sa panghabi, at lalo pang pinipilipit ng mabilis na umiikid na panghabi.

Yamang ang bulak ay pangunahin nang puti o kayumanggi, nagtataka ako kung paano nagkakaroon ng matitingkad na mga kulay. Bueno, isang matingkad na pulang tina ay nakukuha sa pagpapakulo sa balat ng punong camwood. Ang dilaw na tina ay mula sa halamang turmeric. Isang ugat ang pinoproseso sa gayunding paraan upang makagawa ng kayumangging tina. Idinaragdag ang abo ng kahoy upang ang mga kulay ay huwag kumupas.

Ang matingkad na asul ay makukuha mula sa malalambot at murang mga dahon ng halamang indigo. Ang mga dahon ay dinudurog ng paa sa isang banig, at pagkatapos ang mga ito ay pinatutuyo sa araw sa loob ng tatlo o apat na araw. Pagkatapos, ito’y maluwag na inilalagay sa mga taguang basket at isinasabit sa ilalim ng mga ambî ng bahay. Pagkatapos ang mga pangkulay ay kinukuha mula sa mga lalagyang ito at inihahalo sa tubig. Saka itinatago ang mga ito sa malalaki, may takip na mga palayok na luad, na makikitang nakatayo o nakabaon sa lupa sa bakuran o sa likod-bahay. Ang sinulid ay itinutubog sa tina ng halos isang araw nang minsanan, at ang iba’t ibang tingkad ng kulay ay nalilikha ayon sa dami ng beses na ito’y itinubog.

Ang sining ng paghahabi ay ginamit na sa maraming siglo upang makagawa ng sari-saring mga bagay na nagdaragdag sa ating kasiyahan sa buhay. Ang patiunang pagkaalam ng ilang mga detalye tungkol sa pamamaraan ay tunay na naging kawili-wili sa akin.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share