Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g90 3/22 p. 19-20
  • Hinahatulan sa Kanila Mismong Pananalita

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Hinahatulan sa Kanila Mismong Pananalita
  • Gumising!—1990
  • Kaparehong Materyal
  • Isang Nagkakaisang Europa—Bakit Ito Mahalaga?
    Gumising!—2000
  • Ang Pangarap na Pagkakaisa sa Europa
    Gumising!—1991
  • Talaga Bang Bumubuti ang mga Bagay?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • Ang Relihiyon Ba ay Nawawala sa Larawan?
    Gumising!—1988
Iba Pa
Gumising!—1990
g90 3/22 p. 19-20

Hinahatulan sa Kanila Mismong Pananalita

KINAKATAWAN ang lahat ng nag-aangking mga relihiyong Kristiyano sa Europa, 638 mga delegado ang nagtipon noong Mayo sa Basel, Switzerland, para sa European Ecumenical Assembly “Peace With Justice.” Pinagtibay nila, sa isang boto na 94.5 porsiyento, ang isang huling dokumento na maaaring ipalagay na isang pinagkaisahang dokumento ng Sangkakristiyanuhan sa Europa. Hayaan nating sagutin ng dokumentong ito ang ilang katanungan na angkop na maitatanong natin. (Ang bilang sa loob ng mga panaklong ay tumutukoy sa mga seksiyon ng dokumento.)

Sinasamba ba ng mga relihiyong ito ang isang tunay na Diyos, si Jehova, at pinananatili ang wastong Kristiyanong pagkakaisa?

“Utang namin ang aming buhay sa Diyos na Maylikha, ang tatluhang Diyos​—ang Ama, Anak, at Espiritu Santo; na sa kaniyang awa ay ipinahayag ang kaniyang sarili sa sangkatauhan sa pamamagitan ni Jesu-Kristo. Anuman ang namamalaging pagkakaiba ng paniniwala ay ito ang pinaniniwalaan naming lahat.” (21)

“Bilang resulta ng bautismo at ng pagtugon sa pananampalataya sa pagkarinig sa salita ng Diyos, kaming mga Kristiyano ay kaisa na ni Kristo, bagaman hindi pa kami ganap na nagkakaisa. Sinisikap naming pagtagumpayan ang mga pagkakaiba na umiiral pa sa doktrina at gawain upang magkaroon ng ganap na pagkakaisa.” (39)

“Nabigo kaming pagtagumpayan ang mga pagkakabaha-bahagi sa gitna ng mga relihiyon at kadalasang ginamit namin nang mali ang autoridad at kapangyarihang ibinigay sa amin upang patibayin ang limitado at huwad na mga pagkakaisa gaya ng pagtatangi dahil sa lahi, sekso, at nasyonalismo.” (43)

Sila ba’y namuhay ayon sa kanilang pag-aangkin na mga tagasunod ng Prinsipe ng Kapayapaan?

“Bilang mga Kristiyano kami ay naniniwala na ang tunay na kapayapaan ay ipagkakaloob sa pamamagitan ng paglakad na kasama ni Kristo, kahit na madalas kaming lumayo sa pagsunod sa kaniya hanggang sa wakas. Ang pagtakwil niya sa karahasan ay mula sa pag-ibig na iyon na humahanap kahit na sa kaaway upang baguhin siya at pagtagumpayan ang pagkapoot gayundin ang karahasan. Ang pag-ibig na ito ay handang magtiis sa aktibong paraan. Inilalantad nito ang di-makatuwirang katangian ng karahasan, pinapananagot yaong mga gumagamit ng karahasan at inaakit ang kaaway sa mapayapang kaugnayan.” (32)

“Pinangyari namin ang mga digmaan at hindi namin ginamit ang lahat ng pagkakataon sa pakikipagkasundo at pamamagitan; pinalampas namin at kadalasa’y binigyan-matuwid namin ang mga digmaan.” (43)

“Ang pagkakabaha-bahagi at relihiyosong alitan ay nagkaroon ng malaking epekto sa kasaysayan sa Europa. Marami sa mga digmaan ay mga relihiyosong digmaan. Angaw-angaw na mga lalaki at babae ang pinahirapan at pinatay dahil sa kanilang paniniwala.” (48)

Sinunod ba nila ang halimbawa ni Jesus sa pagsasalita ng katotohanan, paghanap sa katuwiran, at paggalang sa buhay at sa nilalang ng Diyos?

“Ang mga relihiyon at mga Kristiyano ay nabigo sa maraming bagay at sa tuwina’y hindi namumuhay ayon sa mga pamantayan ng pagkatawag ng Diyos at kung minsan ay hindi pa nga ipinahahayag ang katotohanan tungkol kay Jesu-Kristo . . . Sa loob ng mahabang panahon kami ay naging bulag sa mga kahulugan at mga kahilingan ng Ebanghelyo kung tungkol sa katarungan, kapayapaan at integridad ng paglalang.” (42)

“Hindi kami nagpatotoo sa pagmamalasakit ng Diyos sa lahat at sa bawat nilikha at hindi kami nagkaroon ng isang istilo-ng-buhay na nagpapahayag ng aming pag-unawa-sa-sarili bilang bahagi ng paglalang ng Diyos.” (43)

Wala ba silang kaalam-alam tungkol sa mga dahilan ng mga suliranin sa daigdig?

“Ano ba ang ugat na mga dahilan ng mga bantang nakakaharap natin ngayon? . . . Ang tunay na mga dahilan . . . ay dapat hanapin sa puso mismo ng sangkatauhan, sa mga saloobin at mga kaisipan ng tao.” (18, 19)

“Ang kalagayang kinaroroonan namin ay nag-uugat sa bagay na ang mga daan ng Diyos ay tinalikdan.” (41)

Sa kabila ng pag-aming ito, kanila bang tinatalikuran ang pamamahala ng tao at inilalagak ang kanilang tiwala sa natatag na Kaharian ng Diyos?

“Tatlong mahalaga at makasaysayang pangyayari ang humihiling ng pantanging pansin: ang pagbuti ng mga kaugnayan sa Silangan-Kanluran sa pamamaraang CSCE [Conference on Security and Cooperation in Europe]; ang demokratikong mga reporma sa Unyong Sobyet at sa iba pang mga bansa sa Silangang Europa; ang paraan ng pagsasama-sama ng Kanlurang Europa (Single European Act, na ganap na magkakabisa sa pagsisimula ng 1993).” (51)

“Ang internasyonal na balangkas ng United Nations ay dapat na gawing mas mabisa. Napatunayan nila na sila ay makatutulong sa paglutas sa labanan sa rehiyon, sa pagtulong sa pagpapaunlad ng mga pagsisikap sa mga bansa, sa pakikitungo sa mga suliraning pangkapaligiran. Samakatuwid, may pangangailangan para sa mga pamahalaan ng daigdig na dagdagan ang kanilang suporta sa United Nations at ipakita ang pagsuportang ito sa nakikitang anyo.” (83)

Mayroon bang anumang pahiwatig na maaari nilang baguhin ang kanilang patakaran ng pagkasangkot sa pulitika sa malapit na hinaharap?

“Ang 1992 ay higit pang magpapabantog sa ika-500 anibersaryo ng pasimula ng isang yugto ng Europeong paglawak sa ikapipinsala ng ibang tao. Humihiling ito sa atin na gumawa para sa isang makatarungan at mapayapang kaugnayan kapuwa sa pagitan ng mga bansa sa Europa at sa pagitan ng Europa at ng ibang mga bahagi ng daigdig lalo na sa Gitnang Silangan kung saan maraming makasaysayang pananagutan ang Europa. Hinihimok namin ang aming mga simbahan na itaguyod ang pakikipaglaban ng mga tao sa Latin Amerika, Aprika at Asia para sa katarungang panlipunan, dignidad ng tao at sa pangangalaga sa kanilang kapaligiran.” (84n)

Anong simulain sa Bibliya ang dapat ikapit sa paghatol sa mga relihiyon na gumawa ng pangwakas na dokumentong ito?

Ang Mateo 12:​37 ay nagsasabi: “Sapagkat sa iyong mga salita ay aariin kang matuwid, at sa iyong mga salita ay hahatulan kang masama.” (Tingnan din ang Lucas 19:22.) Paano nakatutugon ang Sangkakristiyanuhan sa Europa? Siya ba ay inaaring matuwid ng kaniyang mga salita, o siya ba’y hinahatulan nitong masama? Dahil sa mga sinipi sa itaas, mayroon bang anumang pag-aalinlangan?

[Picture Credit Line sa pahina 19]

Swiss National Tourist Office

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share