Mula sa Aming mga Mambabasa
Pagsamba sa Emperador Sa inyong artikulong “Libing para sa Isang Dating Diyos” (Disyembre 22, 1989), mali ang inyong sinisi sa labanan sa pagitan ng Hapón at ng Kanluran. Bunga ito ng mga pagsisikap ng Kanluran na pangibabawan ang Asia. Inihinto ito ng pagbangon ng Hapón bilang isang pandaigdig na kapangyarihan. Hindi, si Emperador Hirohito ay hindi isang diyos, subalit maaaring ginamit siya ng Panginoon upang akayin ang mga taong api ng Asia tungo sa kalayaan.
T. M., Estados Unidos
Hindi makatuwirang maghinuha na sinang-ayunan ng Diyos ang katakut-takot na pagpapatayan na dala ng labanang iyon. (Habacuc 1:13) Ang kalunus-lunos na paghahari ni Emperador Hirohito ay ginamit upang ilarawan na ang pamamahala ng tao ay kumikilos lamang sa ikapipinsala ng tao at na kailangang-kailangan ng tao ang pamamahala ng Diyos. (Eclesiastes 8:9)—ED.
Ang mga artikulo ba ay mabuti at marapat basahin ng isang Kristiyano? Sa pagbasa sa mga detalye tungkol kay Emperador Showa, hindi kaya ang ‘ating mga pag-iisip ay nasa mga gawang masasama’?—Colosas 1:21.
Y. F., Hapón
Nauunawaan naman, ang mga artikulo ay maaaring nagpagunita ng masakit na mga alaala, lalo na sa mga mambabasa na dumanas ng mga pangyayaring binanggit doon. Gayumpaman, ang mga artikulo ay isinulat upang ilantad ang kamangmangan ng pagsamba sa kaninumang tao at ibaling ang mga mambabasa sa “buháy na Diyos.” (Gawa 14:15)—ED.
Pagpili ng Karera Salamat sa inyong payo sa mga kabataan tungkol sa kahalagahan ng isang edukasyon sa unibersidad. (Mayo 8, 1989) Sa nakalipas na 22 taon, ako’y isang propesor sa isang malaking unibersidad ng estado, at matitiyak ko sa inyong mga mambabasang kabataan na bukod sa seryosong espirituwal na mga konsiderasyon, ang karamihan ng itinuturo sa mga unibersidad ngayon ay may kaunting praktikal na pakinabang. Ang akademikong mga pamantayan ay bumaba, at kadalasan ang mga nagtapos ay may kakaunting kasanayan na kailangan sa trabaho.
Gayundin, dati, ang ilan ay naghinuha na ang isang Kristiyanong kabataan ay dapat hatulan dahil sa pagkuha ng mga kurso sa unibersidad sa ilalim ng anumang kalagayan. Kaya nga pinasasalamatan ko ang timbang na pangmalas na ipinahayag sa inyong artikulo.
F. S., Estados Unidos
Ang mga magulang ang dapat magpasiya kung anong edukasyon ang angkop para sa kanilang mga anak. Bagaman ang isang karera sa ministeryo ay inirerekomenda para sa mga kabataang Kristiyano, ang ilang pagsasanay sa trabaho na higit pa sa iniaalok sa mataas na paaralan ay hindi naman masama sa ganang sarili. Sa ibang lupain, baka praktikal o kailangan pa nga na tumanggap ng gayong pagsasanay. Dapat timbangin ng mga magulang ang mga pakinabang laban sa maaaring maging epekto nito sa espirituwalidad ng kanilang mga anak. Sa paano man, dapat na maging pangunahin sa isang Kristiyano ang pagsulong ng mga kapakanan ng Kaharian, hindi ang pinansiyal na pakinabang. (Mateo 6:33)—ED.
Madalas sabihin sa akin ng aking mga magulang na matuto ng isang trabaho sa eskuwela, subalit basta ko nakakalimutan ito. Mula nang mabasa ko ang inyong artikulo, kumuha ako ng mga kurso na tutulong sa akin na makapagtrabaho pagkatapos kong mag-aral. Subalit anumang trabaho ang matutuhan ko, balak kong gawing karera ang aking ministeryo.
V. L., Estados Unidos
Pag-unawa sa Hika Ang aking taos-pusong pasasalamat sa inyong artikulo. (Marso 22, 1990) Noong araw bago namin tanggapin ito, narikonosi ng aming doktor ang aming anak na babae na pinahihirapan ng hika. Kaya ang artikulo ay nagbigay ng ginhawa sa amin. Gagamitin ko ang marami sa mga mungkahi nito.
V. H., Inglatera
Mga Crossword Puzzle Ako po’y isang regular na mambabasa ng Gumising! at nasisiyahan po ako lalo na sa mga crossword puzzle. Tumutulong po ito sa akin na isaulo ang mga kasulatan. Mayroon pa bang ilalathalang mga puzzle?
J. W., Inglatera
Oo, ang mga ito ay patuloy na ilalathala sa pana-panahon.—ED.