Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g89 12/22 p. 2-5
  • Libing Para sa Isang Dating Diyos

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Libing Para sa Isang Dating Diyos
  • Gumising!—1989
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Tao at ang Kaniyang Panunungkulan
  • Pinaghalong mga Damdamin
  • Kapag ang Pagtitiwala Ay Wala sa Lugar
  • Tapat sa Isang Taong-Diyos—Bakit?
    Gumising!—1989
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1990
  • Mula sa Pagsamba sa Emperador Tungo sa Tunay na Pagsamba
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
  • “Ako’y Disididong Mamatay Para sa Emperador”
    Gumising!—1992
Iba Pa
Gumising!—1989
g89 12/22 p. 2-5

Libing Para sa Isang Dating Diyos

Ng kabalitaan ng Gumising! sa Hapón

Matapos manungkulan ng mahigit na 62 taon, si Emperador Hirohito ng Hapón ay namatay nitong nakalipas na Enero 7. Siya ay 87. Ang mga kinatawan mula sa 164 mga bansa ay dumalo sa kaniyang libing noong Pebrero 24. Gayumpaman, marami ang nag-alangan kung sila’y dadalo o hindi. Bakit? At ano ang kinalaman ng kamatayan ni Hirohito sa katanungan na nasa aming pabalat: Buháy Ba Ang Iyong Diyos?

SI Emperador Hirohito ay itinuring na isang nabubuhay na diyos,” sabi ng Japan Quarterly maaga sa taóng ito. Itinatala siya ng Kodansha Encyclopedia of Japan bilang ang ika-124 na taong inapo ng diyosa ng araw na si Amaterasu Omikami, na kinikilala bilang ang “pangunahing diyos ng Shintong pantiyon.”

Kaya nang hilingan ang mga sundalong Hapónes na ihandog ang kanilang buhay para sa “nabubuhay na diyos” na ito, ginawa nila ito taglay ang kahanga-hangang sigasig. Wala nang mas mabangis na kalaban noong ikalawang digmaang pandaigdig kaysa mga debotong Hapones na nakipaglaban para sa kanilang diyos, ang emperador.

Gayumpaman, nagapi ng mga puwersang militar na may nakararaming bilang, natalo ang mga Hapones sa digmaan. Wala pang limang buwan pagkaraan, noong Enero 1, 1946, si Hirohito, sa isang makasaysayang kautusan, ay tumanggi, sa harap ng bansa, sa “maling akala na ang Emperador ay may katangiang pagka-Diyos.” Kaniyang sinabi na “mga alamat at katha-katha” ang may pananagutan sa paniniwalang ito.

Nakabibigla! Milyun-milyong mga Hapones ang nabahala. Sa loob ng mahigit na 2,600 taon,

ang emperador ay itinuring na isang diyos!a At ngayon hindi na siya isang diyos? Ang lalaking ito na dating dinadakila anupa’t hindi maitaas ng mga tao ang kanilang mga mata upang siya’y masdan, hindi siya isang diyos? Ang paghinto sa matagal nang paniniwalang ang emperador ay isang diyos ay hindi madali. Oo, ilang dating sundalong Hapones ng imperyo, dahil sa pagsunod sa siglu-siglong-edad na tradisyon, ang nagpatiwakal nang malaman ang pagkamatay ni Hirohito.

Sino nga ba ang Hirohitong ito? Ano’t totoong pinagtatalunan ang kaniyang papel na ginampanan sa kasaysayan? Noong Pebrero 24, 1989, habang ang karong nagdadala ng kaniyang kabaong ay lumilisan sa Imperial Palace sa Tokyo at patungong Sinjuku Gyoen park para sa pagpapalibing sa kaniya ng estado, milyun-milyong mánonoód sa telebisyon at mga 200,000 nanonood sa tabing-daan ang nagkaroon ng pagkakataong pag-isipan ang mga tanong na iyan.

Ang Tao at ang Kaniyang Panunungkulan

Hirohito, nangangahulugang “Maunawaing Kabutihang-Loob,” ang pangalang ibinigay sa anak na lalaki ni Emperador Taisho nang siya’y ipanganak noong Abril 29, 1901. Noong araw ng Pasko 1926, nang mamatay ang kaniyang ama, hinalinhan ito ni Hirohito bilang emperador. Ang pangalang napili ng mga iskolar ng korte para sa panahon ng kaniyang panunungkulan ay Showa, o Naliwanagang Kapayapaan. Kaya pagkamatay niya, siya’y nakilala, hindi bilang si Emperador Hirohito, kundi bilang si Emperador Showa.

Gayumpaman, ang unang bahagi ng panunungkulan ni Hirohito ay hindi naliwanagang kapayapaan, kung isasaisip ang mga pakikipagsapalaran ng mga militar na Hapones sa Manchuria at Tsina noong mga taon ng 1930, ang paglusob sa Pranses na Indotsina noong 1940, at ang pagsalakay sa Estados Unidos noong 1941. Ang pangalan ng panunungkulan ni Hirohito ay lalo nang isang kabalighuan kung bibigyang-pansin ng isa na sa mga naunang taon, literal na milyun-milyong mga buhay ang kinitil ng mga digmaang ipinakipaglaban taglay ang kaniyang inaakalang pagsang-ayon.

Sa kabila ng pagsasauli ng kabuhayan ng Hapón matapos ang digmaan, hindi itinuturing ng lahat na ang panahon ng kapayapaan na tinamasa ng Hapón mula noon ay isang naliwanagang kapayapaan. “Kung ako’y nagbabalik-tanaw sa Panahong Showa, nakadarama ako ng kabiguan,” wika ng 86-anyos na autor Hapones na si Sue Sumii. “Mula noong pagkatalo ng Hapón sa digmaan, sa palagay ko ang bansa ay nasa paglubog . . . Ang kasaganaan ng Hapón ay isa lamang guniguni.”

Pinaghalong mga Damdamin

Marami sa mga bansang nasupil at nakalaban ng Hapón ay malalim na nag-isip kung sila ba’y magpapadala ng mga kinatawan sa libing ni Hirohito. Sa mga Koreano, halimbawa, ay sariwa pa rin ang alaala ng ‘mga sugat na naiwan sa kanilang bansa’ ng pagsakop ng Hapón sa Korean Peninsula “sa pangalan ng Emperador.” Sa mga peryodistang Britano, mayroong panawagan para sa pagboykot sa libing. Hindi makalimutan ng karamihan na mga 27,000 preso ng digmaan na Britano ang namatay sa kamay ng mga hukbo ng emperador.

Ang kalagayan ay nahahawig sa Estados Unidos, kung saan ang paninisi sa panlulusob na ginawa ng hukbong Hapones ay ibinunton kay Hirohito. Gaya ng paglalahad ng editoryal ng New York Times sa panahon ng kaniyang pagkamatay: “Sa kaniyang itinaas na kalagayan, maaari sana niyang natulungang bawasan ng walang takda ang mga trahedya sa mundo.”

Maging sa Hapón, kung saan kinikilala ng lahat si Hirohito bilang isang emperador na umiibig sa kapayapaan, nadarama ng ilan na siya ang may mabigat na pananagutan. Naaalala ni Katsuro Nakamura na nang matanggap ang balitang pagkamatay sa digmaan ng kaniyang nakatatandang kapatid, sinabi ng kaniyang ama: “Ang anak ko ay pinatay ng Hirohitong iyan.” Isang matandang lalaking Hapones, si Masashi Inagaki, ay nagpaliwanag: “Sa loob ng matagal na panahon siya ang sinisi ko sa digmaan na kung saan malaki ang aming pagdurusa.” Subalit kaniyang isinusog: “Ang aking mga hinanakit ay naglaho nang aking matanto na ang nakaraan ay pasanin ng emperador sa kaniyang buong buhay.”

Kapag ang Pagtitiwala Ay Wala sa Lugar

Maaaring sabihin na milyun-milyong mga Hapones ang naghandog ng kanilang mga buhay sa altar ng diyos na ito ng Shinto, huwag nang banggitin pa ang buhay ng milyun-milyong iba pa na inihandog rin sa altar na iyon ng mga hukbo ng emperador. Yaong mga nagsipaniwala ay inakay tungo sa masalimuot na militarismo sa ngalan ng kanilang diyos, upang malaman lamang sa bandang huli na siya’y hindi naman pala isang diyos. Gaya ng sabi ng Asahi Evening News: “Milyun-milyong mga Hapones ang isinakripisyo bunga ng di-pagkakaunawaan.”

Ano ang naging reaksiyon ng mga nananampalataya ng itakwil ng kanilang diyos ang kaniyang pagka-Diyos noong 1946? Ang isa na nakipaglaban para sa emperador ay nagsabi na naramdaman niyang siya’y parang “isang bangkang nawalan ng timon sa gitna ng dagat.” Ang kaniyang reaksiyon ay pangkaraniwan. Yaong mga nakaligtas sa digmaan “ay biglang inihulog sa isang kalaliman ng kabiguan,” pananangis ni Sakon Sou, isang makatang Hapones. Paano nila pupunuan ang kahungkagang likha ng kabiguang iyon?

“Ako’y lubusang nadaya. Ako’y nakipaglaban hindi para sa Diyos kundi para sa isang pangkaraniwang tao, ” sabi ni Kiyoshi Tamura. “Ano ba ang dapat kong paniwalaan pagkatapos niyan?” Ibinuhos ni Kiyoshi ang lahat niyang pagsisikap upang magkamal ng kayamanan, subalit ito’y hindi nagbigay ng pampalubag-loob. Kapag ang iyong paniniwala ay nasira, ang walang kabuluhang mga bagay ay maaaring dumagsa upang punuin ang kahungkagan.

Isang aral ang matututuhan mula sa pagmumuni-muni kay Emperador Showa at sa kaniyang libing. Iyon ay na mapanganib ang pagsamba “sa hindi mo kilala.” (Juan 4:22) Sino ang iyong sinasamba? Mayroon ka bang matibay na saligan upang maniwalang ang personang iyan ay siyang tunay na Diyos at na siya ay karapat-dapat sa iyong pagsamba?

Lahat tayo ay dapat na magmuni-muni sa bagay na ito, dahil maging sa ngayon ilang mga indibiduwal, tulad ng Dalai Lama, ay minamalas bilang mga nabubuhay na Buddha, at sila’y sinasamba ng kanilang mga deboto. Maraming nag-aangking Kristiyano ang tinuruang maniwala sa Trinidad, kaya’t ang sinasamba nilang Diyos ay isang trinidad ng mga diyos na binubuo umano ng Ama, Anak at ng banal na espiritu. Bigyang-pansin sa sumusunod na artikulo kung paanong ang mga Hapones ay inakay na maniwala sa isang diyos na hindi siyang Diyos, at ating tingnan kung ano ang ating matututuhan mula rito.

[Talababa]

a Bagama’t ang mga unang emperador sa talaan ng 124 (125, kung ibibilang si Akihito, anak ni Hirohito) ay inaaming alamat lamang, gayumpaman mula marahil noong ikalimang siglo C.E. humigit-kumulang, ang mga emperador ay tunay na mga tao. Dahil dito, ang institusyong imperyo ng Hapón ang siyang pinakamatandang monarkiya sa daigdig na minamana ng mga eridero.

[Larawan sa pahina 2]

Japanese character (above left) means “god, deity”

[Picture Credit Line sa pahina 3]

Hirohito (opposite): U.S. National Archives photo

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share