Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g90 8/8 p. 14-15
  • Ginawa ba ng Siyensiya na Lipas Na ang Bibliya?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ginawa ba ng Siyensiya na Lipas Na ang Bibliya?
  • Gumising!—1990
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Tungkol sa Grabidad
  • Sa Kosmikong Sopas
  • Bakit Napakaadelantado ng Bibliya?
  • Sino ang Gumawa ng mga Batas ng Uniberso?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2011
  • Kasuwato Ba ng Siyensiya ang Aklat na Ito?
    Isang Aklat Para sa Lahat ng Tao
  • Aristotle
    Gumising!—2016
  • Siyensiya at Bibliya—Talaga Bang Magkasalungat ang mga Ito?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2005
Iba Pa
Gumising!—1990
g90 8/8 p. 14-15

Ang Pangmalas ng Bibliya

Ginawa ba ng Siyensiya na Lipas Na ang Bibliya?

GINAWA ba ng siyensiya, taglay ang adelantadong pagkaunawa nito ng sansinukob, ang Bibliya na isang koleksiyon ng mga katha-katha at mga alamat? Gayon ang palagay ng maraming tao ngayon. Gayon ba ang palagay mo?

Marahil, katulad ng marami, ikaw ay naturuan na mag-isip nang ganiyan mula sa pagkabata subalit hindi mo talagang tinututulan ang ideyang iyon. Inaanyayahan ka naming suriin ito ngayon. Isaalang-alang ang isa lamang halimbawa, ang pangungusap na binanggit sa Bibliya tungkol sa likas na sansinukob. Hindi lamang sinasalungat ng pangungusap na ito ang sinasabi ng mga dalubhasa noong panahong iyon kundi sinasalungat din nito ang sinasabi pa rin ng mga siyentipiko pagkalipas ng mga milenyo.

Tungkol sa Grabidad

Saan nakasalalay ang lupa? Ano ang humahawak sa buwan, araw, at mga bituin? Ang mga tanong na ito ay nakaintriga sa mga tao sa loob ng libu-libong taon. Kung tungkol sa lupa, ang Bibliya ay may payak na kasagutan. Sa Job 26:7 ay sinasabi nito na “ibinitin [ng Diyos] ang lupa sa wala.” Sa orihinal na Hebreo, ang salitang “wala” (beli-mahʹ) na ginamit dito ay literal na nangangahulugang “walang anumang bagay,” at ito lamang ang pagkakataon na ito ay lumitaw sa Bibliya. Ang larawan na inihaharap nito tungkol sa isang lupa na napaliligiran ng hungkag na kalawakan ay kinikilala ng mga iskolar bilang isang “kahanga-hangang pangitain,” lalo na sa panahon nito.a

Hindi pa nga ito ang palagay ng karamihan ng mga tao tungkol sa sansinukob noong mga panahong iyon. Isang sinaunang palagay ay na ang lupa ay inaalalayan ng mga elepante na nakatayo sa likod ng isang dambuhalang pagong.

Itinuro ni Aristotle, isang kilalang pilosopong Griego at siyentipiko ng ikaapat na siglo B.C.E., na ang lupa ay hindi maaaring nakabitin sa hungkag na kalawakan. Sa halip, itinuro niya na ang makalangit ng mga bagay ay nakakabit sa ibabaw ng isang solido, naaaninag na mga bilog. Ang bilog ay nasa loob ng isang bilog. Ang lupa ang nasa kaloob-looban; ang nasa labas ng bilog ay mga bituin. Ang mga bilog ay umiikot sa loob ng mga bilog, ang mga bagay na naririto​—ang araw, buwan, at ang mga planeta—​ay kumikilos sa langit.

Ang pangungusap ng Bibliya na ang lupa ay aktuwal na ‘nakabitin sa wala’ ay nauna ng mahigit 1,100 taon kay Aristotle. Gayunman, si Aristotle ay kinikilalang ang pangunahing palaisip na tao noong kaniyang kaarawan. Ang kaniyang mga palagay ay itinuturo pa rin bilang katotohanan halos 2,000 taon pagkamatay niya! Gaya ng sinasabi ng The New Encyclopædia Britannica, noong ika-16 at ika-17 siglo C.E., ang mga turo ni Aristotle “ay tumaas tungo sa katayuan ng relihiyosong doktrina” sa paningin ng simbahan.

Hinamon ng pilosopo noong ikalabing-anim na siglong si Giordano Bruno ang ideya na ang mga bituin “ay para bang nakabaon sa iisang bilog.” Isinulat niya na ito ay “isang katawa-tawang ideya na maaaring naiisip ng mga bata, naguguniguni marahil na kung [ang mga bituin] ay hindi naidikit na mabuti ng isang mahusay na kola sa ibabaw ng kalangitan, o naipako ng pinakamalaking pako, ito ay babagsak sa atin na parang ulan ng yelo.” Ngunit ang hindi pagsang-ayon kay Aristotle noong panahong iyon ay mapanganib​—si Bruno ay ipinasunog nang buháy ng simbahan dahil sa pagkakalat ng kaniyang di-tinatanggap na mga ideya tungkol sa sansinukob.

Sa Kosmikong Sopas

Dahil sa imbensiyon ng teleskopyo, parami nang paraming astronomo ang nag-aalinlangan kay Aristotle. Kung ang araw, buwan, at ang mga bituin ay hindi nakakabit sa mga bilog na umiikot sa lupa, kung gayon ano ang humahawak at nagpapakilos sa mga ito? Ang matematiko noong ikalabimpitong siglo na si René Descartes ay nag-akala na taglay niya ang kasagutan. Sumang-ayon siya kay Aristotle na ang espasyo sa pagitan natin at ng iba pang makalangit na bagay ay hindi maaaring maging hungkag. Kaya ipinalagay niya na ang sansinukob ay punô ng naaaninag na likido​—parang kosmikong sopas.

Wari bang nilulutas ng teoriyang ito ang dalawang problema. Sa isang bagay, binabanggit nito na may ‘humahawak’ sa makalangit na mga bagay; silang lahat ay nakabitin sa sopas! Sa ibang bagay naman, nakatulong ito sa pagpapaliwanag sa kilos ng mga planeta. Itinuro ni Descartes na ang mga planeta ay nasa puyo, o alimpuyo, ng likido, na nagpapaikot sa kanila sa kani-kanilang orbita. Ang “Teoriya ng mga Alimpuyo” na ito, gaya ng tawag dito, ay maaaring ipalagay natin na kaakit-akit ngayon. Subalit ito ang nangingibabaw na teoriya sa pag-aaral ng uniberso sa loob ng mahigit na isang siglo sa ilang mga bansa.

Mas nagugustuhan ito ng maraming siyentipiko kaysa sa bagong ideya: ang batas ng grabidad ng sansinukob ni Isaac Newton, na inilathala noong 1687. Sinabi ni Newton na ang mga planeta ay hindi nangangailangan ng mekanikal, nakikitang bagay o mga sangkap upang humawak sa mga ito sa itaas. Ang puwersa ng grabidad ang siyang kumukontrol sa kanilang mga kilos at iniingatan ang mga ito sa kanilang mga orbita. Dahil dito, ang mga ito ay nakabitin sa wala sa hungkag na kalawakan. Hinamak ng marami sa mga kasamahan ni Newton ang kaniyang ideya tungkol sa grabidad. At nasumpungan pa nga ni Newton mismo na mahirap paniwalaan na ang kalawakan ay isang bakante, hungkag na bagay.

Gayumpaman, ang mga palagay ni Newton ang nagwagi sa wakas. Ngayon, napakadali para sa atin na makalimutan na ang suliraning ito ng kung ano ang humahawak sa mga planeta sa itaas ay pinagmulan ng mainit na debate sa gitna ng mga pantas at matatalinong siyentipiko mga 32 dantaon pagkatapos banggitin ng Bibliya nang payak na ang lupa ay ‘nakabitin sa wala.’ Paano nalaman ni Job na isulat nang gayon ang mga bagay? Bakit sasabihin niya na ang lupa ay nakabitin sa wala, gayong kumuha ng mahigit na 3,000 taon upang marating ng “mga eksperto” ang gayunding konklusyon?

Bakit Napakaadelantado ng Bibliya?

Ang Bibliya ay nagbibigay ng lohikal na kasagutan. Sa 2 Timoteo 3:16 ay ating mababasa: “Lahat ng kasulatan ay kinasihan ng Diyos.” Kaya ang Bibliya ay hindi produkto ng karunungan ng tao kundi, bagkus, isang tumpak na paghahatid ng mga kaisipan ng Maylikha sa atin.

Napakahalaga na alamin mo sa iyong sarili kung baga ang sinasabi ng Bibliya ay totoo. (1 Tesalonica 2:13) Sa gayong paraan makukuha mo ang mga kaisipan ng Maykapal na nagdisenyo at lumikha sa atin. May bubuti pa bang aklat na makapagsasabi sa atin kung ano ang naghihintay sa hinaharap at kung paano mamumuhay ng isang maligaya, mabungang buhay sa maligalig na daigdig na ito?

[Talababa]

a Ang Theological Wordbook of the Old Testament ay nagsasabi: “Maliwanag na inilalarawan ng Job 26:7 ang noo’y kilalang daigdig na nakabitin sa kalawakan, sa gayo’y hinihintay ang pagtuklas ng siyensiya sa hinaharap.”

[Picture Credit Line sa pahina 14]

Sa kapahintulutan ng British Library

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share