Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g16 Blg. 5 p. 14-15
  • Aristotle

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Aristotle
  • Gumising!—2016
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Interesado Siya sa Napakaraming Bagay
  • Tinanggap ng Katolisismo ang Turo ni Aristotle
  • Sino ang Gumawa ng mga Batas ng Uniberso?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2011
  • Siyensiya at Bibliya—Talaga Bang Magkasalungat ang mga Ito?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2005
  • Ginawa ba ng Siyensiya na Lipas Na ang Bibliya?
    Gumising!—1990
  • Talaan ng mga Nilalaman
    Gumising!—2016
Iba Pa
Gumising!—2016
g16 Blg. 5 p. 14-15

SULYAP SA NAKARAAN

Aristotle

Aristotle

MALAKI ang naiambag ni Aristotle sa siyensiya at pilosopiya, mahigit 2,300 taon na ang nakararaan. Napukaw ng kaniyang mga akda at tuklas ang interes ng mga tao. Pinag-aralan at isinalin din ang mga ito sa maraming wika. Isinulat ng history professor na si James MacLachlan na “sa loob ng halos 2,000 taon, ang mga paniniwala ni Aristotle tungkol sa kalikasan ay nagkaroon ng malaking impluwensiya sa kaisipan ng mga Europeo.” Nakaimpluwensiya din ang mga paniniwala ni Aristotle sa turong Katoliko at Protestante, pati na sa Islam.

Interesado Siya sa Napakaraming Bagay

Nagsulat si Aristotle tungkol sa sining, astronomiya, biyolohiya, etika, wika, batas, lohika, magnetismo, metapisika, paggalaw, libangan, tula, politika, sikolohiya, at retorika, pati na ang tungkol sa kaluluwa, na pinaniniwalaan niyang mortal. Pero naging tanyag siya pangunahin na dahil sa kaniyang akda tungkol sa biyolohiya at lohika.

Para ipaliwanag ang kalikasan, ginamit ng sinaunang mga iskolar na Griego ang kanilang kakayahan sa obserbasyon, paggawa ng konklusyon, at ang lohika. Naniniwala sila na kung pag-aaralan nilang mabuti ang mga katotohanang kitang-kita sa kapaligiran, makagagawa sila ng tamang mga konklusyon.

Kaayon ng pilosopiyang ito, nakagawa sila ng makatuwirang mga konklusyon—isa na rito ang konklusyong may umiiral na batas sa uniberso. Pero ang problema, may limitasyon ang naisasagawa nilang obserbasyon—dahilan kung bakit nagkamali ang maraming matalinong tao, kasama na si Aristotle. Halimbawa, naniniwala sila na ang mga planeta at mga bituin ay umiikot sa palibot ng lupa. Noong panahong iyon, itinuturing itong isang katotohanan na di-matututulan. “Kapuwa ang pangangatuwiran at kaalaman ay parang nagpapatunay sa paniniwala ng mga Griego noon na ang lupa ay sentro ng uniberso,” ang sabi ng aklat na The Closing of the Western Mind.

Wala sanang naging gaanong epekto ang maling akalang iyon kung ang tumanggap lang ay ang mga nasa larangan ng siyensiya. Pero hindi gayon.

Tinanggap ng Katolisismo ang Turo ni Aristotle

Sa “Kristiyanong” Europa noong Edad Medya, tinanggap ng marami bilang katotohanan ang ilang turo ni Aristotle. Isinali ng mga teologong Romano Katoliko—partikular na si Thomas Aquinas (mga 1224-1274)—sa kanilang teolohiya ang mga akda ni Aristotle. Kaya ang paniniwala ni Aristotle na ang lupa ay hindi gumagalaw at nasa sentro ng uniberso ay naging doktrinang Katoliko. Tinanggap din ito ng mga Protestanteng lider gaya nina Calvin at Luther, at sinabing kaayon ito ng turo ng Bibliya.—Tingnan ang kahong “Maling Pakahulugan sa Bibliya.”

Tinanggap ng marami bilang katotohanan ang ilang turo ni Aristotle

“May mga pagkakataong hindi na halos makita ang pagkakaiba [ng mga turo ni Aristotle] at ng Katolisismo,” ang sabi ng manunulat na si Charles Freeman. Kaya sinasabing “bininyagan” ni Aquinas si Aristotle bilang Katoliko. Pero ang totoo, “si Aquinas ay nakumberte sa Aristotelianism,” ang isinulat ni Freeman. Masasabi rin na sa paanuman, nakumberte din ang simbahan. Kaya naman nang maglakas-loob ang Italyanong astronomo at matematikong si Galileo na magharap ng mga patotoo na umiikot ang lupa sa palibot ng araw, ipinatawag siya sa harap ng Inkisisyon at pinilit siyang itakwil ang kaniyang paniniwala.a Kakatwa ito dahil kinilala mismo ni Aristotle na ang kaalaman sa siyensiya ay sumusulong, at puwede itong mabago. Kung ganoon lang sana ang naging pananaw ng simbahan!

a Para sa higit pang impormasyon tungkol sa “Pagkakasalungatan ni Galileo at ng Simbahan,” tingnan ang Abril 22, 2003, isyu ng Gumising!

MAIKLING IMPORMASYON

  • Sabik na sabik sa kaalaman si Aristotle at may “malalim na pagpipitagan sa kahalagahan at kahusayan ng uniberso.”—Aristotle—A Very Short Introduction.

  • Ayon sa kaniya, ang kalikasan ay may isang “Pangunahing Puwersa” na patuloy na nagpapagalaw sa lahat ng bagay. Ito raw ay mabuti at umiiral sa labas ng uniberso.

  • Kinikilalang si Aristotle ang nagtatag ng dalawang siyensiya—ang biyolohiya at lohika.

  • Si Aristotle ang naging tagapagturo ng batang taga-Macedonia na nang maglaon ay nagtatag ng imperyo, si Alejandrong Dakila.

Larawan ng lupa na nasa sentro ng uniberso

Maraming tao noong sinaunang panahon ang naniniwala na ang lupa ay sentro ng uniberso

Maling Pakahulugan sa Bibliya

Pinaniwalaan ng ilang sinaunang teologo ang turo ni Aristotle na ang lupa ay sentro ng uniberso. Ito ay dahil sa kanilang maling pagpapakahulugan sa ilang teksto sa Bibliya, gaya ng Awit 104:5. Mababasa dito: “Itinatag [ng Diyos] ang lupa sa mga tatag na dako nito; hindi ito makikilos hanggang sa panahong walang takda.” Hindi ang puwesto ng lupa sa uniberso ang tinutukoy rito ng manunulat ng Bibliya. Sa halip, sa patulang pananalita, sinasabi niyang layunin ng Diyos na manatili ang lupa magpakailanman.—Eclesiastes 1:4.

Pero siyempre, kapag may binabanggit ang Bibliya tungkol sa siyensiya, lagi itong tama. Halimbawa, mga 3,500 taon na ang nakararaan, isinulat sa Job 26:7 na ‘ibinitin ng Diyos ang lupa sa wala.’ Ipinakikita ng Job 38:33 na ang mga bagay sa kalangitan ay may sinusunod na mga pisikal na batas.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share