Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g90 9/22 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1990
  • Kaparehong Materyal
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1990
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1991
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1991
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1991
Iba Pa
Gumising!—1990
g90 9/22 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Patuloy na Pagsalanta sa Kagubatan Nagpasiya akong ipadala ang labas tungkol sa kagubatan (Marso 22, 1990) sa Brazilian Institute for the Environment and Renewable Natural Resources. Sila’y tumugon: “Pinasasalamatan ka namin sa pagpapadala mo sa amin ng isang kopya ng magasing Gumising! na tumatalakay tungkol sa pagkalbo sa kagubatan. Kinukuha namin ang pagkakataong ito upang papurihan ka sa iyong pangunguna at sabihin sa iyo ang mataas na antas ng magasin, na tiyak na makatutulong sa paglinang ng panlahat na kabatirang ekolohikal.”

C. H. A. S., Brazil

Dating Nagtatangi ng Lahi Hindi ko masabi sa inyo ang katuwaan ko sa kuwento ni Virgil Dugué, “Sinikap Kong Baguhin ang Daigdig.” (Marso 22, 1990) Pinangyari nitong matalos ko ang mga epekto ng pagtatangi ng lahi at kung gaano ito kalupit.

J. N., Estados Unidos

Subwey ng Lungsod ng New York Pagkatapos basahin ang artikulong “Pagbibiyahe sa ‘Tunel sa Lupa,’ ” ako’y naudyukang magsabi ng, “Salamat.” (Abril 22, 1990) Bilang isa na sumasakay araw-araw sa subwey, mahirap malasin ang sistema ng tren sa kung ano nga ito​—kahali-halina. Ngayong umaga habang ako’y patungo sa trabaho, nanaog ako sa hagdan at sumakay sa tren na may ibang pangmalas.

M. H., Estados Unidos

Binugbog na mga Asawa Ako’y isang nagbabagong mambubugbog ng asawa, at ang Gumising! ng Nobyembre 22, 1988 ay talagang nakatulong sa akin na maunawaan kung gaano kasamâ ang pambubugbog ng asawa. Pagkatapos kong basahin ang magasin, nabagbag ang aking damdamin at ako’y napaiyak. Ako’y nananalangin na sana’y kalimutan ito ng aming pamilya.

D. S., Estados Unidos

Kawalang-kapanatagan Ako’y sumusulat may kaugnayan sa artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Bakit ba Ako Nakadarama ng Labis na Kawalang-kapanatagan?” (Abril 22, 1990) Ako’y 33 taóng gulang, at nakatulong nang husto sa akin ang artikulo. Noong bata pa ako, ang aking ina ay nagpatiwakal. Ang aking ama ay isang alkoholiko at ako’y bibigan, pisikal, at seksuwal na inabuso. Lagi niya kaming hinahamak at ipinadarama sa amin na kami’y walang silbi. Kaya bilang isang kabataan, ako’y labis na walang-kapanatagan. Kung minsan, nakadarama pa rin ako ng kawalang-kapanatagan, pero hindi gaya ng dati. Ang pagiging isang buong-panahong ebanghelisador ay nakatulong din sa akin nang malaki, sapagkat nakita ko ang pagpapala ni Jehova sa akin sa gawaing ito. At kung iniibig ako ni Jehova, sabi ko sa aking sarili, hindi ko kailangang madamang ako’y walang halaga.

C. R., Estados Unidos

Lubhang nakapagpapasiglang malaman na nararamdaman din ito ng ibang kabataan. Palibhasa ang mga halimbawa ay malinaw at detalyado, naihambing ko ito sa akin mismong kalagayan. Binanggit din ng artikulo na ang pagkadama ng kapanatagan ay hindi kaagad nangyayari at na malamang na magkaroon ng mga balakid. Ito’y magiliw na payo. Kapag nababasa ko ang nakagiginhawang mga salitang ito, nababagbag ang aking damdamin, at nahihirapan akong pigilin ang mga luha.

C. T., Hapón

Daigdig na Walang Baril Nabalisa ako sa inyong bagong mga artikulo tungkol sa mga baril (Mayo 22, 1990). Ang pangungusap na “mientras maraming baril, mas maraming barilan” ay pinagtibay ng sunud-sunod na mga halimbawa at mga sinipi na hindi naman kumakatawan sa tunay na kalagayan. Halimbawa, binanggit ninyo na ang Switzerland ang may pinakamaraming taong nagmamay-ari ng baril sa Europa. Subalit hindi ninyo binanggit sa mga artikulo na ang Switzerland din ang isa sa may pinakakaunting krimen at pagpatay sa daigdig! Waring wala sa puntong sisihin ang mga baril sa mga problemang ginagawa ng mga taong balakyot.

K. C., Estados Unidos

Pinasasalamatan namin ang mga komentong ito. Maaaring banggitin ang ilang pagpapaliwanag tungkol sa ilang mas kontrobersiyal na estadistikang binanggit sa aming mga artikulo. Gayumpaman, ang “Gumising!” ay walang pinapanigan tungkol sa pulitikal na isyu ng pagkontrol sa baril kundi itinataguyod nito ang hinaharap na “daigdig na wala nang baril sa ilalim ng Kaharian ng Diyos. Hanggang sa panahong iyon, ang mga Kristiyano ay ginagabayan ng mga simulain sa Isaias 2:4 at Mateo 26:52.​—ED.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share