Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g90 12/22 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1990
  • Kaparehong Materyal
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1990
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1990
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1991
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1991
Iba Pa
Gumising!—1990
g90 12/22 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Pagkasugapa sa Shabu Maraming salamat sa inyong Hulyo 22, 1990, na artikulong “Pagkasugapa sa Shabu​—Ang Kalagayan ng Di Pa Isinisilang.” Kailangan natin ang higit pang kabatiran ng publiko at edukasyon ng publiko tungkol sa paksang ito. Alam ko sapagkat ako’y nagtatrabaho sa isang programa na gumagamot sa mga nagdadalang-taong sugapa sa droga.

D. P., Estados Unidos

Pagpapatiwakal Maraming salamat sa artikulong “Pagpapatiwakal​—May Pagkabuhay-Muli?” (Setyembre 8, 1990) Tinulungan ako nitong pahalagahan kung paanong si Jehova ay nagmamalasakit sa atin at na kailangan nating igalang ang buhay na ibinigay niya sa atin. Tinuruan din ako nito na huwag maliitin ang kapangyarihan ng di-nararapat na awa.

M. R., Estados Unidos

Ang nanay ko ay nagpatiwakal nang ako ay 14 anyos. Malaking bahagi ko ang namatay na kasama niya. Ngunit ngayon ako’y 26 na at isang nag-alay na lingkod ng Diyos. Ang inyong artikulo, na nagbibigay ng katibayan na ang aking ina ay maaaring buhaying-muli, ay nagsasabi sa akin na ang bahagi kong iyon na nawala ko ay maaaring bumalik kapag nakita ko siyang muli.

L. R., Estados Unidos

Aklat na “Tanong ng mga Kabataan” Matama kong nabasa ang artikulong “Tugon ng Mambabasa sa Aklat na Tanong ng mga Kabataan.” (Setyembre 8, 1990) Pagkatapos kong tanggapin ang labas na ito, ibinigay ko ang isang aklat sa isang may edad nang estudyante sa Bibliya, iminumungkahi ko na ibigay niya ito sa kaniyang apo. Gayunman, nang sumunod na dumalaw ako sa kaniya, nabasa na ng matanda ang buong aklat. Ipinakita ko sa kaniya ang bahagi sa artikulo kung saan binanggit nito ang tungkol sa isang babaing “74 na taon kabata” na nakinabang sa pagbabasa nito. Nang mabasa niya ito, sabi niya: ‘Sang-ayon ako. Ipinalagay ko na dapat kong malaman ang nilalaman ng aklat bago ko ito ibigay sa aking apo, hindi nagtagal ay nawili ako sa pagbabasa nito.’ Siyanga pala, siya ay 80 taon “kabata”!

K. H., Hapón

Kabataan​—Hamon ng ’90’s Tinanggap ko ngayong hapon ang labas ng Setyembre 8, 1990, tungkol sa kabataan. Agad ko itong binasa at nagustuhan ko ang bawat artikulo. Hindi pa natatagalan inaakala ko na walang sinuman ang nakauunawa sa akin. Ngunit pagkatapos basahin ang magasin, natanto ko na maling-mali ako. Maraming salamat sa pagmamalasakit ninyo sa aming mga kabataan.

B. P., Estados Unidos

Mga Artikulo sa Kalikasan Ang labas ng Mayo 22, 1990 ay nakahalina sa akin. Naglalaman ito ng isang artikulo tungkol sa Point Lobos, isang kahanga-hangang dako para sa maibigin sa mga hayop at sa kalikasan. Tinulungan din ninyo kaming matuklasan ang Haida, isang bayan na naninirahan sa dulong hilaga sa Pasipiko. Mangyari pa, hindi lahat ay maaaring pumunta roon. Subalit taglay ang kaunting imahinasyon, ang malaking bahagi ng paglalakbay ay magagawa sa pamamagitan ng pagbabasa sa materyal at sa pagtingin sa mga larawan. Salamat sa mahusay-ang-pagkakalahad na mga artikulong ito.

R. F., Pransiya

Lupus Ang ulat tungkol sa lupus sa Gumising! ng Mayo 8, 1990, ay nakasindak sa akin. Habang binabasa ko ito, ginuhitan ko ang mga sipi na naglalarawan sa aking kalagayan. Pagkatapos, taglay ang isang kopya ng Gumising!, dinalaw ko ang aking doktor. Binasa niya ang ulat at agad na ipinasiya ang mga pagsubok sa dugo. Ngayon ako’y ginagamot dahil sa aking sistema ng imyunidad, hindi dahil sa rayuma.

C. K., Pederal na Republika ng Alemanya

Pagbubuntis ng mga Tin-edyer Maraming-maraming salamat sa artikulong “Pagbubuntis ng mga Tin-edyer​—Ano ang Dapat Gawin ng Isang Batang Babae?” (Mayo 8, 1990) Noong Agosto 16, 1989, ako’y pinagpala ng isang magandang sanggol na babae. Nang ako’y nagdadalang-tao, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nalilito ako tungkol sa pag-aasawa at pagpapaampon sa bata subalit hindi ko naisip ang aborsiyon. Nang lumabas ang artikulo, alam kong tama ang aking pasiya. Ako ngayon ay dumadalo sa mga pulong Kristiyano kasama ng aking anak na babae at umaasa akong maging isang nag-alay na Saksi sa malapit na hinaharap.

D. A., Estados Unidos

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share