Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g90 10/22 p. 12-13
  • Pagsasalin ng Dugo—Ang Susi Upang Mabuhay?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagsasalin ng Dugo—Ang Susi Upang Mabuhay?
  • Gumising!—1990
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Napakaraming Mapagpipilian
  • Pagliligtas sa Buhay sa Pamamagitan ng Dugo—Papaano?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • De-kalidad na mga Panghalili sa Pagsasalin
    Papaano Maililigtas ng Dugo ang Inyong Buhay?
  • Tinanggap Ko ang Pangmalas ng Diyos Hinggil sa Dugo
    Gumising!—2003
  • Medisina ng Pagsasalin ng Dugo—Magtatagal Kaya Ito?
    Gumising!—2006
Iba Pa
Gumising!—1990
g90 10/22 p. 12-13

Pagsasalin ng Dugo​—Ang Susi Upang Mabuhay?

NOONG 1914 si Dr. John S. Lundy ay nagtakda ng isang pamantayan para sa pagsasalin ng dugo. Sa wari ay wala siyang anumang klinikal na katibayan upang suportahan siya, sinabi niya na kung ang hemoglobin, ang sangkap ng dugo na nagdadala ng oksiheno, ng pasyente ay bumaba sa antas na sampung gramo o wala pa sa bawat decilitro ng dugo, kung gayon ang pasyente ay nangangailangan ng isang pagsasalin. Mula noon ang bilang na iyon ay naging pamantayan para sa mga doktor.

Ang sampung-gramong pamantayang ito ay hinamon sa loob halos ng 30 taon. Noong 1988 tahasang sinabi ng The Journal of the American Medical Association na ang katibayan ay hindi sumusuporta sa panuntunan. Ang anestesiologong si Howard L. Zauder ay nagsasabi na ito ay “nagkukubli sa tradisyon, nalalambungan ng kalabuan, at hindi pinatutunayan ng klinikal o eksperimental na katibayan.” Tinatawag ito ng iba na isa lamang alamat.

Sa kabila ng lahat ng masigasig na paghahayag na ito, ang alamat ay malawakan pa ring iginagalang bilang isang mahusay na panuntunan. Sa maraming anestesiologo at iba pang doktor, ang antas ng hemoglobin na mababa sa sampu ay isang pangganyak sa pagsasalin ng dugo upang ituwid ang anemia. Ito’y automatiko na.

Walang alinlangan, iyan ang dahilan ng labis-labis na paggamit ng dugo at mga produkto ng dugo ngayon. Tinataya ni Dr. Theresa L. Crenshaw, na nagtrabaho sa Presidential Commission on the Human Immunodeficiency Virus Epidemic, na sa Estados Unidos lamang, mga dalawang milyong di-kinakailangang pagsasalin ng dugo ang isinasagawa taun-taon at halos kalahati ng lahat ng pagsasalin ng mga dugong galing sa bangko ay maaari sanang naiwasan. Pinulaan ng Health and Welfare Ministry ng Hapón “ang walang patumanggang pagsasalin ng dugo,” sa Hapón, gayundin ang “bulag na paniniwala sa bisa nito.”

Ang problema sa pagsisikap na ituwid ang anemia sa pamamagitan ng isang pagsasalin ng dugo ay na ang pagsasalin ay maaaring maging mas nakamamatay kaysa anemia. Pinatunayan ng mga Saksi ni Jehova, na tumatanggi sa mga pagsasalin ng dugo pangunahin na sa relihiyosong kadahilanan, ang puntong iyon.

Maaaring nakita mo ang mga ulong-balita sa pahayagan na nag-uulat na isa sa mga Saksi ni Jehova ay namatay dahil sa pagtangging pasalin ng dugo. Nakalulungkot sabihin, bihirang sinasabi ng gayong mga ulat ang buong pangyayari. Kadalasan, ang pagtanggi ng doktor na mag-opera, o operahin agad, ang siyang dahilan ng kamatayan ng Saksi. Ang ibang mga seruhano ay tumatangging mag-opera kung wala silang kalayaang magsalin ng dugo sakaling ang antas ng hemoglobin ay bumaba sa sampu. Gayunman, maraming seruhano ang matagumpay na inopera ang mga Saksi na ang antas ng hemoglobin ay lima, dalawa, o mababa pa. Sabi ng seruhanong si Richard K. Spence: “Natuklasan ko sa mga Saksi na ang mas mababang hemoglobin ay walang anumang kaugnayan sa dami ng namamatay.”

Napakaraming Mapagpipilian

‘Dugo o kamatayan.’ Ganiyan inilalarawan ng ilang doktor ang mga mapagpipiliang nakakaharap ng isang pasyenteng Saksi. Gayunman, sa katunayan, napakaraming panghalili sa pagsasalin ng dugo. Ang mga Saksi ni Jehova ay hindi interesadong mamatay. Interesado sila sa panghaliling paggamot. Sapagkat ipinagbabawal ng Bibliya ang pagpapasok ng dugo sa katawan, basta hindi nila itinuturing ang pagsasalin ng dugo na isang mapagpipilian.

Noong Hunyo 1988, iminungkahi ng Report of the Presidential Commission on the Human Immunodeficiency Virus Epidemic na lahat ng pasyente ay bigyan ng kung ano ang hinihiling ng mga Saksi sa loob ng mga taon, yaon ay: “Dapat na isali sa pahintulot para sa pagsasalin ng dugo o ng mga sangkap nito ang isang paliwanag ng mga panganib na nasasangkot . . . at ng impormasyon tungkol sa angkop na mga mapagpipilian sa paggagamot bukod sa pagsasalin ng dugo.”

Sa ibang salita, ang mga pasyente ay dapat bigyan ng pagkakataong pumili. Ang isa sa gayong pagpili ay ang uri ng autologous transfusion. Ang dugo mismo ng pasyente ay kinukuha sa panahon ng operasyon at muling ibinabalik sa mga ugat ng pasyente. Kung ang prosesong iyon ay isa lamang pagpapatuloy ng sariling sistema ng sirkulasyon ng dugo ng pasyente, ito’y tinatanggap ng karamihan ng mga Saksi. Idiniriin din ng mga seruhano ang halaga ng pagpaparami sa dugo ng pasyente sa pamamagitan ng nonblood expanders at hayaang magdagdag na muli ang katawan ng sarili nitong pulang mga selula. Ang gayong mga pamamaraan ay ginamit sa halip ng mga pagsasalin nang hindi dinaragdagan ang dami ng namamatay. Sa katunayan, napabubuti nito ang kaligtasan.

Kamakailan ay sinang-ayunan ang limitadong paggamit sa isang maaasahang gamot na tinatawag na recombinant erythropoietin. Pinabibilis nito ang paggawa mismo ng katawan ng pulang mga selula ng dugo, sa gayo’y tinutulungan ang isang tao na magkaroon ng higit ng kaniya mismong dugo.

Hinahanap pa rin ng mga siyentipiko ang mabisang kahalili para sa dugo na nagagaya ang kahanga-hangang kakayahan nito na pagdadala ng oksiheno. Sa Estados Unidos, ang gumagawa ng gayong mga kahalili ay nahihirapang makakuha ng pagsang-ayon para sa kanilang mga produkto. Gayunman, gaya ng tutol ng isang manggagawa ng gayong kahalili: “Kung iniisip ninyong dalhin ang dugo sa FDA [Food and Drug Administration] upang sang-ayunan, wala kang tsansang ito’y masubok na nakalalason.” Gayunman, inaasahan pa rin na masusumpungan ang isang mabisang kemikal na sasang-ayunan bilang isang nagdadala-oksiheno na kahalili para sa dugo.

Kaya may mga mapagpipilian. Yaong mga binanggit dito ay ilan lamang sa mapagpipilian. Gaya ng isinulat ni Dr. Horace Herbsman, propesor ng clinical surgery, sa babasahing Emergency Medicine: “Maliwanag . . . na mayroon tayong mga mapagpipilian na kahalili ng dugo. Oo, marahil ang karanasan natin sa mga Saksi ni Jehova ay maaaring mangahulugan na hindi natin kailangang umasa sa mga pagsasalin ng dugo, taglay ang lahat ng potensiyal na mga komplikasyon nito, na gaya ng dati nating akala.” Mangyari pa, wala ni isa man dito ang talagang bago. Gaya ng sabi ng The American Surgeon: “Ang bagay na ang malalaking operasyon ay maaaring ligtas na isagawa nang walang pagsasalin ng dugo ay lubhang dokumentado sa nakalipas na 25 taon.”

Ngunit kung mapanganib ang dugo, at may ligtas na mga mapagpipiliang magagamit, bakit kung gayon angaw-angaw na mga tao ang di-kinakailangang sinasalinan ng dugo​—marami sa kanila ay hindi nalalaman ang tungkol dito, ang iba ay aktuwal na laban sa kanilang kalooban? Binabanggit ng report ng presidential commission on AIDS sa bahagi ang hindi pagtuturo sa mga doktor at mga ospital tungkol sa mga mapagpipilian. Sinisisi nito ang isa pang salik: “Ang ibang sentro ng dugo sa rehiyon ay atubiling itaguyod ang mahuhusay na pamamaraan na hindi gumagamit ng pagsasalin ng dugo, yamang ang kinikita nila sa operasyon ay nakukuha sa pagbibili ng dugo at mga produkto ng dugo.”

Sa ibang salita: Ang pagbibili ng dugo ay malaking negosyo.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share