Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g90 11/8 p. 12
  • “Uminom Tayo ng Horchata de Chufas!”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Uminom Tayo ng Horchata de Chufas!”
  • Gumising!—1990
  • Kaparehong Materyal
  • Isang Nakarerepreskong Inumin Mula sa Isang Kakaibang Halaman
    Gumising!—2002
  • Matapang na Inumin
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Katakam-takam na Matamis ng Quebec
    Gumising!—1985
  • Paglaganap ng Salita ng Diyos sa Espanya Noong Edad Medya
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2014
Iba Pa
Gumising!—1990
g90 11/8 p. 12

“Uminom Tayo ng Horchata de Chufas!”

ANG paanyayang ito ay malamang na hindi pamilyar sa iyo. Subalit kung ikaw ay nakatira sa Espanya, at lalo na sa gawing silangang baybay-dagat, ito’y pamilyar sa iyo. Sa buong taon, lalo na kung mainit na tag-araw, maraming tao ang nasisiyahan sa masarap, at nakagiginhawang, inuming walang alkohol, ang natatanging horchata de chufas!

Kahit na ang maraming Kastila ay magtatakang malaman na ang horchata ay maaaring gawin mula sa mga almendro (almond) at sa mga buto ng kalabasa o melon, gayundin mula sa bigas, apricot, mansanas, cherries, currants, verjuice grapes, mulberries, plums, at licorice. Gayumpaman, karaniwang inaakala ng mga Kastila na ang chufas ay pangunahing sangkap ng inumin.

Subalit ano ba ang chufas? Ito ay mga almendro o rush nuts, na nasa ilalim ng lupa, at ang kataga ay kumakapit lalo na sa bawat maliit na tulad-nuwes na mga ugat na mula sa Europeong halamang sedge (Cyperus esculentus). Ito ay makikita mga lima hanggang walong centimetro sa ilalim ng lupa. Ang halamang sedge ay itinatanim mula Hulyo hanggang Oktubre hindi lamang sa Espanya kundi sa Gitnang Silangan at sa Hilagang Aprika rin naman. Mula roon ay dinala ito ng mga Arabo sa Espanya. Bagaman ito ay unang itinanim sa timog ng bansa, wala nang lugar na mas angkop na tamnan nito kundi ang may patubig na bukid ng Valencia sa Mediteraneong baybayin ng Espanya, kung saan ito ay itinatanim nang maramihan.

Paano natin gagawin ang horchata? Ang chufas ay ibinababad ng ilang oras, na ang bawat manggagawa ng horchata ang nagpapasiya kung gaano katagal. Ito ang nagpapangyari sa chufas na lumaki, yamang sinisipsip nito ang maraming tubig. Ngayon panahon na upang durugin ito, habang dinaragdagan ng higit pang tubig. Pagkatapos madurog, ang malamukot na kimpal ay inilalagay sa isang sisidlan at hinahalong mainam, at pagkaraang patiningin ito sa loob ng 15 minutos, pinadaraan ito sa isang pisaan upang ihiwalay ang sirup sa lamukot. Bandang huli, ang sirup ay sinasala, at nilalagyan ng asukal (humigit-kumulang isang kilo sa bawat isang kilo ng tuyong chufas).

Ang iba ay naglalagay ng cinnamon, ginadgad na balat ng dayap, o marahil ng tubig na pinagbabaran ng bulaklak ng dalandan. Kapag naihanda na ang inumin, dapat itong ipreserba agad sa palamigan, subalit hindi tatagal sa 48 oras; kung hindi ang mga enzyme ng chufas ay kikilos at babaguhin ang lasa nito. Kung nais mong inumin ito bilang isang likido, dapat itong ilagay sa palamigan sa temperaturang 3 hanggang 4 na digris Celsius; at kung nais mo naman ng nagyeyelong inumin, dapat itong ilagay sa temperatura na humigit-kumulang ay –1° Celsius.

Ang horchata de chufas ay isang nakagiginhawa, masarap, masustansiyang inumin. Kaya, kung may pagkakataon kang dumalaw sa gawing silangang baybay-dagat ang Espanya, tanggapin mo ang paanyayang, “Uminom tayo ng horchata de chufas!”​—Isinulat.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share