Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g90 11/8 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1990
  • Kaparehong Materyal
  • Dapat Bang Gamitin ng mga Kristiyano ang Rosaryo?
    Gumising!—1990
  • Pag-unawa sa Hika
    Gumising!—1990
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1990
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1991
Iba Pa
Gumising!—1990
g90 11/8 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mga Sambahayan ng Nagsosolong Magulang Labis kong pinahahalagahan ang artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Magiging Normal Kaya Ako na May Isa Lamang Magulang?” (Hulyo 8, 1990) Iniwan kami ng tatay ko nang ako ay dalawang taon lamang. Naapektuhan nito ang aking emosyonal na paglaki. Ako’y naging masyadong aktibo at hindi ako magkaroon ng mga kaibigan. Sinupil ko ang lahat ng damdamin at sa wakas ay dinala ako sa isang saykayatris. Kaya ang paglaki sa isang sambahayan ng nagsosolong magulang ay hindi isang kaaya-ayang kalagayan para sa lahat ng kabataan. Subalit ang pagtanggap at pang-unawa ng kapuwa mga Kristiyano, lalo na ng mga kaedad, ay maaaring makabawas sa ilang emosyonal na kaigtingan na nadarama ng mga kabataan. Talagang kailangang makipagkaibigan ako upang magkaroon ng gayong mga kaibigan. At ngayon, taglay ang isang timbang na iskedyul ng panahon na ginugugol ko kasama ng aking ina at ng bagong sumpong na mga kaibigan, hindi na ako naghihinanakit kahit na ang aking pamilya ay “wasak.”

T. A., Estados Unidos

Apat na taon ang nakalipas winakasan ng mister ko ang aming pag-aasawa. Habang binabasa ko ang artikulo kasama ng aking anak ng babae, sabi niya: “Bueno, nadarama kong ako’y normal. Naghiwalay lamang ng bahay ang aking mga magulang!” Ipinadama rin sa akin ng artikulo na ako’y normal bilang isang nagsosolong magulang, binabawasan ang pasan ng pagkabalisa at pagkakasala na nadarama ko sa aking anak.

J. C. P., Estados Unidos

Miriendang Mayaman sa Carbohydrate Isang pantanging pasasalamat para sa maliit na artikulo tungkol sa mga miriendang mayaman sa carbohydrate. (Hulyo 22, 1990) Madalas akong nagluluto ng spaghetti para sa tanghalian. Ako’y mapapagod at pagkatapos ay kailangan kong magpahinga. Ngayon alam ko na kung bakit. Ang pagbabago ng aming pagkain ay makababawas sa aking pagkapagod at ako’y higit na nasasangkapan para sa aking mga gawaing pag-eebanghelyo sa hapon.

J. W., Pederal na Republika ng Alemanya

Ekumenikal na Asamblea sa Europa Salamat sa inyong artikulong “Hinahatulan sa Kanila Mismong Pananalita.” (Marso 22, 1990) Sa kanila mismong pag-amin, hindi nakilala ng mga relihiyon ngayon ang tema ng Bibliya at hindi sila umaasa sa Kaharian ng Diyos. Talaga ngang masasabi mong ‘sila’y hinahatulan ng kanilang pananalita.’​—Mateo 12:37.

D. P., New Zealand

Rosaryo Ang sinasabi ninyo tungkol sa Rosaryo (Hunyo 8, 1990) ay kalahati lamang ng katotohanan. Ang karamihan ng mga panalangin ay salig sa mga kuwento sa Bibliya o tuwirang mga sinipi sa Bibliya. Samakatuwid ang pagrorosaryo ay isang mabuting pasimula sa espirituwal na buhay. May mga positibong bunga, gaya ng kapayapaan ng isip at kaligayahan sa daigdig na ito ng mga problema.

H. W., Italya

Ang paggamit ng rosaryo ay mahal sa puso ng maraming taimtim na mga Romano Katoliko. Gayumpaman, itinuon pansin ng aming artikulo ang isyo sa kung baga ang gawaing pagrorosaryo ay nakalulugod sa Diyos o hindi. At bagaman ang isang sauladong panalangin ay maaaring naglalaman ng maka-Kasulatang kaisipan, tandaan na si Jesus mismo ang nagsabi sa Mateo 6:​7, 8: “Sa pananalangin, huwag kayong gagamit ng paulit-ulit na salita.”​—ED.

Hika Ako’y nagpapasalamat sa artikulo tungkol sa hika. (Marso 22, 1990) Ako po’y 16 anyos at pinahirapan po ako ng sakit na ito halos mula po sa pagkasilang. Hindi ko po alam na ang maigting na damdamin at ilang pagkain ay maaaring pagmulan ng mga sumpong ng hika. Ngayon ay susundin ko po ang inyong payo.

A. D., Espanya

Ang artikulo ay kawili-wili sa akin bilang isang talamak na hikain na isinugod sa ospital sa pamamagitan ng ambulansiya ng mga 12 ulit sa tatlong buwan. Pinakikitunguhan ko ang aking hika bilang isang pangyayari sa halip na isang malubhang sakit. Subalit pagkatapos dumanas ng tatlong pagtigil ng paghinga sa isang gabi, naipasiya kong regular na inumin ang aking gamot. Hindi na ako naospital sa loob ng tatlong taon.

S. M., Australia

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share