Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g90 12/22 p. 14
  • Mga Pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon Noong Una

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon Noong Una
  • Gumising!—1990
  • Kaparehong Materyal
  • Lahat Ba ng Selebrasyon ay Kalugod-lugod sa Diyos?
    Kung Paano Mananatili sa Pag-ibig ng Diyos
  • Mga Pagdiriwang na Hindi Nakalulugod sa Diyos
    Manatili sa Pag-ibig ng Diyos
  • Ang Hamon ng Pagkakaiba-iba ng Relihiyon
    Ang mga Saksi ni Jehova at ang Edukasyon
  • Katanggap-tanggap Ba sa Diyos ang Lahat ng Selebrasyon?
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
Iba Pa
Gumising!—1990
g90 12/22 p. 14

Mga Pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon Noong Una

Si Aleksander Krawczuk, propesor ng kasaysayan at dating ministro ng kultura sa Poland, ay sumulat ng isang artikulo para sa Polityka, isang lingguhang magasin sa bansang iyon. Pagkatapos talakayin ang makasaysayang pinagmulan ng mga pagdiriwang ng Bagong Taon, sabi niya:

“Kilala ba ng sinaunang mga Romano ang pagdiriwang ng Bagong Taon? Walang alinlangan, lalo na kung isasaalang-alang ng isa ang imperyo ng Roma. . . . Ang gayong mga kasayahan ay mga okasyon ng malaking katuwaan at kapabayaan. Ito naman ang nakaimpluwensiya sa saloobin ng sinaunang mga Kristiyano sa pagdiriwang ng opisyal na Bagong Taon. Itinuring nila ang kaugalian na iskandaloso at ganap na pagano, malayo sa anyo at diwa sa mga mananamba ng naliwanagang relihiyon. Sa paano man, ang mga hain sa mga diyos ay inihahandog. Sa kadahilanang ito ipinagbabawal ng iglesya sa mga mananamba nito na magkaroon ng anumang bahagi sa mga pagdiriwang ng Bagong Taon, lalo na sa mga kasayahan.”

Ang propesor ay nagpatuloy pa sa pagpapaliwanag sa pagtatakda ng petsa para sa Pasko:

“Ang kaugaliang Romano na pagdiriwang ng Disyembre 25 ay umiral lamang mula noong ikaapat na siglo. Kaya posible na gawing Kristiyano ang popular na kapistahan ng Di-mabihag na Araw.

“Sa kabila ng pagbagsak ng imperyo nito, unti-unti subalit walang-tigil na pinilit ng Roma ang sibilisasyon sa Kanluran at sa wakas ay sa buong daigdig na tanggapin ang mga tradisyon at kalooban nito tungkol sa dalawang petsang ito sa kalendaryo. Gayunman, ang pagkuha sa Enero 1 bilang ang pasimula ng bagong taon ay nangangahulugan ng tagumpay ng tradisyon ng mga salu-salo, kapistahan, kasalan, pagbibigayan ng regalo, at pagbabatian, at ito’y sa kabila ng matinding pag-ayaw ng sinaunang mga Kristiyano.”

Palibhasa’y napatunayan nang ang mga pagdiriwang ng Bagong Taon ay may paganong pinagmulan, ano ang damdamin ni Propesor Krawczuk tungkol sa mga Kristiyanong nakikibahagi sa mga kapistahang ito? Ganito ang nais niya para sa mga Kristiyano:

“Na [ang mga Kristiyano] ay dapat na moral na nasa katayuan na ulitin ang mga salita ng kanilang kapuwa mananampalataya noong una. Nang sila’y kutyain ng mga paganong nagsasabing: ‘Anong klaseng relihiyon ba iyan, walang magagarang templo na naglalaman ng mga imahen at istatuwa, walang mamahaling mga kasuotan o mga sisidlan sa liturhiya?’ ang sinaunang mga Kristiyano ay sumagot: ‘Totoo na kami’y mahirap. Subalit ang aming mga templo ay mga pusong punô ng pag-ibig sa Diyos at sa kapuwa; ang aming mga kasuotan sa liturhiya ay kahinhinan, kasipagan, pagpapasakop at kapakumbabaan; at ang mga sisidlan ay ang aming mabubuting gawa.’”

Maliwanag, binabanggit ng Bibliya sa 2 Corinto 6:​14-18 na ang mga Kristiyano ay “huwag makipamatok nang kabilan sa mga di sumasampalataya; sapagkat anong pakikisama mayroon ang katuwiran at kalikuan, o anong pakikisama mayroon ang kaliwanagan sa kadiliman? At anong pakikipagkasundo mayroon si Kristo kay Beliar o anong bahagi mayroon ang sumasampalataya sa di sumasampalataya? Ang templo ng Diyos ay hindi maaaring makipagkompromiso sa mga diyus-diyusan, at ganiyan nga tayo​—ang templo ng Diyos na buháy. . . . ‘Magsialis kayo sa kanila, magsipaglinis kayo,’ sabi ng Panginoon. ‘At huwag kayong magsihipo ng anumang bagay na marumi.’”​—The New Jerusalem Bible, isang saling Katoliko.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share