Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g90 12/22 p. 18-19
  • Ang Vicuña ang May Pinakapinong Lana

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Vicuña ang May Pinakapinong Lana
  • Gumising!—1990
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Bakit Napakainit ng Lana?
  • Bakit Totoong Pambihira?
  • Mga Kamelyo sa Andes?
    Gumising!—2004
  • Ang Kahanga-hangang Lana
    Gumising!—1991
  • Lana, Balahibo ng Tupa
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Paggawa ng Pangginaw—Sa Patagonia
    Gumising!—1998
Iba Pa
Gumising!—1990
g90 12/22 p. 18-19

Ang Vicuña ang May Pinakapinong Lana

Ng kabalitaan ng Gumising! sa Bolivia

ANO ang gumagawa sa lana ng vicuña na lubhang natatangi? At bakit totoong pambihira ang lana nito?

Maaaring nakakita ka na ng kahawig na hayop, ang llama​—na mukhang-suplado, mabagal-kumilos na hayop na karaniwan sa mga zoo. Ang lana nito ay magaspang. Maaaring nakakita ka na rin ng mga kasuotang yari sa malambot na balahibo ng alpaca, isa pang maamong hayop sa Andes na inaalagaan dahil sa lana nito. Subalit nakakita ka na ba ng isang vicuña?

Ang vicuña ay iba. Ito ay mailap na hayop! Hipuin mo ang balahibo nito kung magagawa mo. Ito ang pinakapinong lana sa lupa, na may mga balahibo na wala pang kalahating diyametro ng pinakapinong lana ng tupa.

Kailangan ng vicuña ang nag-iinsulang balahibong iyon, yamang ito’y nakatira sa taas na mula 3,700 hanggang 5,500 metro sa mga dalisdis ng Bundok Andes. Doon, malapit sa lugar na nagniniyebe, ang mga araw ay kasiya-siyang maaraw, subalit sa gabi ang temperatura ay biglang lumalamig nang husto. At, maraming dako sa gawing kanluran na ito ng Andes ay tuyong mga disyerto. Paano nabubuhay ang mga vicuña sa gayong lugar?

Bukod sa pagkakaroon ng pantanging balahibo, ang vicuña ay may dugo na punúng-punô ng pulang selula anupa’t kahit sa mataas na dako kung saan ito nakatira, ang hayop ay makatatakbo sa bilis na 50 kilometro isang oras nang hindi napapagod. At tulad ng mga kamelyo maaari silang mabuhay sa ilalim ng lubhang tuyong mga kalagayan. Sa katunayan, ang mga vicuña, llamas, alpacas, at guanacos ay karaniwang tinatawag na cameloids dahil sa para silang kamelyo. Subalit binigyan ng ating Maylikha ang mga vicuña ng iba pang bentaha upang tulungan silang mabuhay.

Samantalang ang llamas at alpacas ay nanganganak sa anumang panahon ng taon, ang mga vicuña ay nanganganak kung Marso at Abril. Ito ang wakas ng tag-ulan, kung kailan maraming pagkain. Isa pa, ang kapanganakan ay karaniwan sa umaga, upang bigyan ng panahon ang munting vicuña na magpatuyo bago nito masagupa ang una nitong napakalamig na gabi. Ang ina ay humihiwalay sa iba pa sa kawan ng halos 20 vicuña at, pagkatapos ng wala pang kalahating oras na pagdaramdam sa panganganak, ay isinisilang ang isang nilikhang tumitimbang ng wala pang 6 na kilo. Wala siyang ginagawa upang tulungan ito, hindi man lamang dinidilaan ito. Kung uulan, panghihinain ng lamig ang bagong silang na vicuña at magiging madaling biktima ito para sa pinakamalaking lumilipad na ibon sa daigdig, ang Andean condor. Subalit minsang ang bagong silang ay makatayo na, at sa loob ng 30 minuto madadaig nito ang tao sa takbuhan.

Gayunman, nakalulungkot sabihin na ang masakim na ilegal na mga mamamaril ng hayop ay halos nilipol na ang vicuña, kadalasa’y pinapatay ang mga hayop sa pamamagitan ng mga machine gun. Noong mga ilang taon hanggang 23,000 kilo ng lana ang iniluwas, halos lahat ay mula sa mga hayop na ilegal na pinatay. Sa pagsisikap na iligtas ang kinapal na ito mula sa pagkalipol, ipinagbawal ng ibang bansa ang pag-aangkat ng lana at balat ng vicuña.

Bakit Napakainit ng Lana?

Lahat ng lana ay mainit sapagkat, di-tulad ng seda, cotton, o polyester, may pagkaliliit na mga kaliskis sa hungkag, puno-ng-hangin na mga himaymay na nagpapangyari sa mga ito na magkasalabid at siluin ang nag-iinsulang hangin. Gayundin, ang lana ay may natural na onda, o kulot, na nananatiling gayon kahit na pagkatapos maproseso at malabhan. Nangangahulugan ito na kaunting lana ang dumadaiti sa balat kaysa ibang himaymay. Karagdagan pa, ang lana ay patuloy na sumisipsip ng halumigmig​—hanggang 30 porsiyento ng timbang nito—​nang hindi namamasa kung hihipuin.

Kapansin-pansin, ang malasutlang lana ng vicuña ay mas pino kaysa anuman iba pang lana. At, karaniwan na, mientras mas pino ang lana, mas mahusay ang kalidad. Ang pinong lana ay nangangahulugan ng mas pinong sinulid at mas pinong tela​—tela na malambot, magaang, at mainit. Ang balabal na yari sa vicuña ay napakapino anupa’t maaari itong isuot sa isang singsing pangkasal. Sapagkat ang pinong mga himaymay ay napakasensitibo sa kemikal na paggamot, ang lanang vicuña ay karaniwang ginagamit sa natural nitong ginintuang kulay.

Ang balahibo ng vicuña ay pinahahalagahan mula pa noong panahon ng mga Inca, bago ang pananakop ng Kastila noong ika-16 na siglo. Angaw-angaw na mga vicuña ang naninirahan sa Andes noong panahong iyon. Tuwing ilang taon ang mga Inca ay magsasaayos ng libu-libo katao na papaligid sa buong bundok at sisiluin ang kawan ng mga vicuña upang ang mga ito ay magupitan ng balahibo. Ang telang vicuña ay iginagalang na tatak; tanging ang may matataas na ranggo lamang sa kaharian ang maaaring gumamit nito. Ngayon, ito ay halos imposibleng makuha sa legal na paraan.

Bakit Totoong Pambihira?

Samantalang ang isang alpaca ay makapagbibigay ng 7 kilong lana tuwing dalawang taon kapag ito’y ginugupitan ng balahibo, ang isang vicuña ay nagbibigay lamang ng 0.5 na kilo ng lana. Gayunman, posible kayang makagawa ng sapat na dami ng lana para sa komersiyal na gamit mula sa maamong mga vicuña?

“Sa palagay ko ito’y isang imposibleng pangarap,” sabi ng isang warden sa isang rantso ng pananaliksik sa mataas na talampas ng Bolivia. “Alam mo, ang mga llamas at alpacas ay maaamong hayop, subalit ang mga vicuña ay maiilap. Ang mga ito’y lumulundag sa aming mga bakod, at kailangang gumugol kami ng maraming oras sa paghuli muli sa mga ito. Lumalaban sila nang husto kapag sinisikap naming paliguan sila anupa’t dalawa ang namatay.” Maliwanag, ang ilang hayop ay nilalang na maamo at ang iba ay hindi. Tungkol dito, ang Bibliya ay nagsasabi na nilalang ng Diyos “ang maaamong hayop at ang mga hayop na umuusad at ang maiilap na hayop ayon sa kani-kaniyang uri.” (Genesis 1:24) Subalit kumusta naman ang paglalahi ng mga vicuña sa maamong mga alpacas?

Ito ay nasubok na, ngunit ang anak ay nagiging baog paglipas lamang ng ilang salinlahi. “Ang tanging pag-asa na legal na makagawa ng telang vicuña,” sabi ng nabanggit na warden, “ay nasa pangangalaga sa maiilap na hayop hanggang sa ang kanilang bilang ay dumami nang husto anupa’t ang mga ito ay maaaring ikawan sa mga lambat. Kung gayon ang mga ito ay maaaring gupitan ng balahibo at saka pakawalan, gaya noong panahon ng mga Inca. Inaasahan ng ibang bansa na magawa ito sa malapit na hinaharap.”

Oo, ang mas mabuting pangangalaga sa buhay hayop ng lupa ay isang kapuri-puring tunguhin. Ito ay ginawa noong nakalipas na mga salinlahi, at tiyak na ito’y gagawin sa hinaharap sa ilalim ng matuwid na gobyerno ng Diyos.​—Isaias 9:6; 11:​6-9.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share