Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g91 4/22 p. 20
  • Binuksan Nito ang Puso ng Tatay Ko

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Binuksan Nito ang Puso ng Tatay Ko
  • Gumising!—1991
  • Kaparehong Materyal
  • Pakinggan si Moises
    Gumising!—1986
  • Mga Tip Para sa Inyong Cassette Tapes
    Gumising!—1987
  • Idagdag ang mga Aklat ni Moises sa Inyong Cassette Library
    Gumising!—1985
  • Ngayon ang Tomo 2 ng “Matandang Tipan” sa 21 cassettes sa isang kumbinyenteng album
    Gumising!—1987
Iba Pa
Gumising!—1991
g91 4/22 p. 20

Binuksan Nito ang Puso ng Tatay Ko

“Ang aking mga magulang ay mga Katolikong Italyano na hinding-hindi kukuha ng magasing Bantayan o Gumising! upang basahin,” sulat ng isang babae mula sa Westerly, Rhode Island, E.U.A. Ngunit ngayon, sabi niya, binuksan ng Ang Bantayan ang puso ng tatay niya. Ipinaliliwanag niya kung paano ito nangyari:

“Isang araw hiniram ko ang trak ng tatay ko, na may tape deck na hindi niya kailanman ginamit. Kaya sinamantala ko ito. Inilagay ko rito ang isang cassette ng magasing Watchtower. Nang isauli ko ang trak, hindi ko inalis ang cassette. Samantala, kinuha ng tatay ko ang trak at nakinig sa cassette.

“Masyadong komiko ang tatay ko​—at inaakala niya na ang mga Saksi ay nasa radyo, at pinipilit niyang baguhin ang istasyon subalit naririnig pa rin niya ang tungkol sa mga Saksi. Sa wakas, pagkaraan ng dalawang araw, napag-alaman niya na ito pala ay isang cassette at hindi ang radyo. Ngunit nang panahong iyon naibigan na niya ang napapakinggan niya.

“Maliwanag na ang tatay ko ay natututo ng mga bagay kapag siya at ang aking nanay ay nagsasabi sa akin ng mga bagay na napakinggan niya. Tuwing ikalawang araw kapag ako’y nagtutungo sa ministeryo, patutugtugin ko ang cassette sa kaniyang trak. At tuwing umaga kapag makikita ko siya sa almusal, tatanungin niya ako ng mga tanong na gaya ng: ‘Ang asawa mo ba ay isang hinirang na matanda?’ o, ‘Ang Bibliya ay hindi nagtuturo ng purgatoryo o apoy ng impierno, di ba?’ Kaya unti-unti niyang natututuhan ang Bibliya.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share