Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g94 9/22 p. 22-25
  • “Radial Keratotomy”—Ano ba Ito?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Radial Keratotomy”—Ano ba Ito?
  • Gumising!—1994
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Hindi Bagong Pag-oopera
  • Ang RK ba ay Para sa Iyo?
  • Ang Pamamaraan
  • Hindi Ito Para sa Lahat
  • Magsuri, Pagkatapos ay Magpasiya
  • Nakatulong sa Pagsulong ng Operasyon sa Puso ang mga Saksi ni Jehova
    Gumising!—1996
  • Dapat ba Akong Magparetoke?
    Gumising!—2002
  • Muling Isinaalang-alang ng mga Doktor ang Pag-opera Nang Walang Dugo
    Gumising!—1998
  • Pag-aninag sa Daigdig ng Artipisyal na mga Mata
    Gumising!—1987
Iba Pa
Gumising!—1994
g94 9/22 p. 22-25

“Radial Keratotomy”​—Ano ba Ito?

Inihaharap dito ng Gumising! ang impormasyon tungkol sa pamamaraan ng pag-opera na kilala bilang radial keratotomy, kung ano ang maaaring gawin nito sa isang tao, at ang mga panganib na maaaring masangkot. Hindi nagmumungkahi ang Gumising! na isagawa ito. Ito’y pananagutan ng bawat isa, pagkatapos ng kaniyang personal na pagsusuri, upang makapagpasiya kung ito’y para sa kaniya o hindi.

ANG Radial Keratotomy (RK) ay ipinamansag kamakailan nang mas malawakan sa ilang bansa sa pamamagitan ng telebisyon, magasin, mga tudling sa pahayagan, at radyo. Ito ang naging pangunahing paksa ng talakayan sa pandaigdig na mga komperensiya sa optalmolohiya sa nakalipas na dalawang taon. Bagaman ang pamamaraang ito ay isinagawa na sa loob ng 20 taon at ipinaliwanag ng medikal na mga mananaliksik sa loob ng ilang taon bago nito, kamakailan lamang ito nagiging kilala. Ang dumaraming mga siruhano sa mata ay dumadalo ng mga seminar at nag-aaral upang maisagawa ang pamamaraang ito.

Milyun-milyong tao ang alin sa ipinanganak na nearsighted o naging gayon na lamang. Ano ba ang ibig sabihin ng “nearsighted”? Ito’y nangangahulugan na hindi pagkakita nang malinaw sa malalayong bagay kung walang tulong ng mga salamin sa mata o mga contact lens. Karaniwan na, ang mga taong nearsighted ay makapagbabasa nang walang mga salamin sa mata subalit kalimitang inilalapit ang binabasa upang makaaninaw na mabuti.

Ang radial keratotomy ay isang paraan ng pag-oopera na nagsisikap na bawasan o alisin ang pangangailangan na magsalamin upang makakita sa malayo kapag isinagawa sa mga taong nearsighted. Inihuhugis muli ng pag-oopera ang cornea upang ang sinag ng liwanag ay matuon sa retina sa halip na sa harapan nito, gaya sa pagiging nearsighted. Ang mga paghiwa ay isinasagawa sa pamamagitan ng mga hiwang radial (hiwa na mula sa gilid ng bilog ng mata tungo sa pinakagitna nito) sa panlabas na mga sapin ng cornea patungo sa gilid ng lugar na nakakikita mismo (visual area) upang gawing malinaw ang pinakasentro ng paningin. Ang mga hiwa ay nagkakaiba-iba sa lalim, haba, at bilang.

Hindi Bagong Pag-oopera

Ang sinaunang mga Intsik ay sumubok na lutasin ang problema ng pagiging nearsighted sa pamamagitan ng pagtulog na may mga supot ng buhangin sa kanilang mga mata. Ang mga resulta ay pansamantala lamang. Kasing-aga ng 1894, iniulat ng mga babasahing pangmedisina ang mga pamamaraan ng pag-opera upang maituwid o mabago ang cornea. Sapol noon, ipinaliwanag ng mga siruhano sa Timog Amerika, at nang maglaon sa Hapón, ang mga pamamaraan upang sa pamamagitan ng pag-oopera ay mabago ang hugis ng cornea upang magdulot ng malinaw na paningin. Ang karanasan ng mga Hapones ang nagpasigla sa isang siruhanong Ruso na baguhin ang pamamaraan at gawin itong mas matagumpay.

Yamang napatunayang mapanghahawakan ang mga resulta, ilang siruhano mula sa ibang mga bansa ang nagmasid sa pag-oopera. Sila’y nagbalik sa ilang pagkakataon upang obserbahan ang mga resulta at pagkatapos ay ipinakilala ang pag-oopera sa kani-kanilang bansa. Noong 1979, ang mga akda ay isinulat upang ilarawan ang pamamaraan, ang mga resulta, at ang mga pagbabagong kinakailangan para sa mas matagumpay na mga bunga. Kaya bagaman ang pamamaraang ito ay tila bago sa iyo, hindi na ito bago sa propesyon ng mga siruhano.

Upang maingatan ang madla, isang pagsusuri ang isinagawa sa Estados Unidos sa ilang sentro ng pananaliksik upang patunayan o pabulaanan ang pagkamabisa ng paraan ng pag-ooperang ito, at ang mga resulta ay inilathala noong dekada ng 1980 sa tinatawag na pagsusuri ng PERK. Simula noon ay kinilala ng American Academy of Ophthalmology ang pamamaraang ito bilang mabisang paraan upang pawiin ang myopia (pagiging nearsighted).

Ang RK ba ay Para sa Iyo?

Ngayon na batid na natin ang pagsulong nito, paano mo malalaman kung ang RK ay isang paraan na maisasaalang-alang mo? Ang isang lubusang pagpapasuri sa mata ang unang hakbang. Pagkatapos na matiyak ng manggagamot na ang iyong mga mata ay angkop para sa pamamaraang ito, ang posibilidad ng tagumpay ay matitiyak sa antas ng iyong myopia. Hindi gaanong matagumpay ito kung higit na malala ang myopia.

Kung ikaw ay pinahintulutan para sa RK sa pamamagitan ng pagsusuri sa mata, baka ibig mo na humanap ng isang siruhano sa RK na may malawak na karanasan. Sa karamihan ng naglalakihang lungsod, may isang dalubhasa sa paano man na may ilang taon nang may karanasan. Sa pamamagitan ng pagdalo sa mga seminar, pagrerepaso sa mga ulat ng karanasan, pakikipag-usap sa naunang mga pasyente at sa ibang mga optalmologo, malamang na makasumpong ka ng optalmologo na may patuloy na ulat ng mabubuting resulta.

Sa pagitan ng 1991 at 1992, sa Estados Unidos, ang bilang ng mga optalmologo na nag-oopera ay dumami mula sa 13 porsiyento hanggang 25 porsiyento. Ito’y nangangahulugan na ang ilan ay bago sa larangang ito, subalit ipinakikita rin nito ang dumaraming pagtanggap sa pamamaraang ito. Ang mga panawagan ay nagmumula ngayon sa mga dalubhasa sa larangang ito ng pag-oopera para sa bagong mga siruhano na magsanay upang kanilang maiwasan ang malimit na mga komplikasyon na naranasan ng naunang mga siruhano.

Bago ka magpasiyang magpaopera, isang mabuting idea na magkaroon ka mismo ng kaalaman tungkol sa pamamaraang ito upang makapagtanong ka ng mga bagay na kailangan mong malaman. Maaaring maanalisa ng matagumpay na mga siruhano ang bawat pasyente at maaaring maibagay ang pag-oopera upang makontrol ang kalalabasan. Isinasaalang-alang nila ang bawat kaso salig sa indibiduwal, ibinabagay ang pag-oopera sa indibiduwal. Pinatunayan ng pananaliksik na ang bilang ng mga hiwa, ang lalim nito, at ang haba nito ang siyang tumitiyak sa resulta. Ang edad, kasarian, puwersa ng mata, at ang hugis ng mata ng pasyente ang ibang bagay na isinasaalang-alang. Maaaring isaalang-alang ng iyong siruhano ang iba pang nagkakaiba-ibang salik upang mabisang makagawa ng pagbabago at maiayos ang kalalabasan.

Ang pagkaalam kung gaano katagal nang isinasagawa ng siruhano ang pag-ooperang ito at gaano karami nang mga kaso ang kaniyang nahawakan ang makapagbibigay sa iyo ng pahiwatig ng kaniyang karanasan. Iminungkahi ng kamakailang mga artikulo sa mga babasahing pangmedisina na ang pamantayan ng pangangalaga ay ang pagkakaroon ng isang siruhano ng RK ng isang computerized video imager na tinatawag na Topographer. Mientras mahusay ang kagamitan, mas malamang na magkaroon ng mabubuting resulta ang iyong operasyon.

Ang Pamamaraan

Kung ikaw ay magpasiya na isagawa sa iyo ang pamamaraang ito, ano ang iyong maaaring asahan? May masinsinang pagsusuri bago ang operasyon na kalakip ang pagsusuri sa mata, mga pagsukat sa mata at kapal nito sa pamamagitan ng ultrasound, mga pagsukat sa bilog ng mata, mga pagsukat sa puwersa ng mata, at maaaring pagsusuri sa topography na ginagamitan ng computer na video. Taglay ang lahat ng impormasyong ito, isasaplano ang iyong operasyon. Pagkatapos na maunawaan at lagdaan ang isang kasulatan ng kapahintulutan, karaniwan nang ikaw ay bibigyan ng pampakalma.

Kung ang pag-uusapan ay ang kasulatan ng kapahintulutan, ating isaalang-alang ang ilang panganib na binabanggit sa pormularyong ito. Ang pag-ooperang ito ay isinasagawa sa panlabas na sapin ng mata. Ang karaniwang masamang epekto ay mga suliranin sa liwanag na nakasisilaw, mga liwanag na gaya ng sinag ng bituin, nag-iiba-ibang paningin, pakiramdam na parang may puwing, tuyong mga mata, at pangkaraniwang pagkaasiwa sa mata, na maaaring tumagal sa loob ng mga oras, araw, linggo o buwan. Ang mata ay pinahihina ng mga paghiwa. Ang haba ng panahon na mahina ang mata ay nagkakaiba-iba sa bawat tao. Maraming komplikasyon ang maaalis sa pamamagitan ng mga ipinapatak sa mata pagkatapos ng operasyon at sa pagsunod sa mga tagubilin may kinalaman sa mga pagbabawal sa mga gawain. Ang isang nakikipagtulungang pasyente ay nagpapalaki ng porsiyento ng matagumpay na mga resulta.

Ipagpalagay nang handa ka na sa pag-oopera, ano ang susunod? Sa loob ng 30 minuto na mabigyan ka ng di-gaanong malakas na pampakalma, ikaw ay tutungo sa silid ng operasyon para sa RK. Ang talukap ng iyong mata ay nililinis, at isang takip ang ilalagay sa iyong mukha. Ang panghuling mga pagsukat ay maaaring gawin sa pagkakataong ito, at ang mga instrumento para sa operasyon ay iinspeksyunin sa mikroskopyo upang tiyakin ang kawastuan nito. Ang iyong mata ay lalagyan ng lokal na mga pamatak na pampamanhid. Minsang ang mata ay mamanhid, isang kagamitan na nagbubuka sa talukap ang inilalagay upang maiwasan ang pagkurap. Itutuon mo ang iyong mata sa ilaw, at ang pinakasentro ng iyong paningin ay mamarkahan upang malaman ng siruhano ang lugar na ooperahin. Pagkatapos isang panukat ang ilalagay sa mata upang tandaan ang lugar na ooperahin, at pagkatapos ay pasisimulan ang operasyon.

Wala pang 20 minuto, ang operasyon ay tapos na. Ang mata ay karaniwan nang tatakpan sa isang yugto ng panahon, subalit sa loob ng 24 na oras ay makakakita ka ng pagsulong sa iyong pagiging nearsighted. Ang malalaking pagbabago sa paningin ay nagaganap sa susunod na 7 hanggang 30 araw. Tanging maliliit na pagbabago ang magaganap pagkalipas ng tatlong buwan, at sa loob ng isang taon ay medyo magiging maayos na ito. Sa loob ng susunod na 20 taon, halos 1 sa 4 na mga pasyente ang makapapansin ng higit pang mga pagbabago sa paningin.

Hindi Ito Para sa Lahat

Bahagya ang ating napag-usapan hinggil sa mga komplikasyon. Ngayon ay pag-usapan pa natin ang tungkol sa masasamang epekto​—ang inaasahan at di-inaasahang epekto. Hindi naiwawasto ng RK ang lahat ng antas ng myopia. Sa karamihan ng kaso, ito’y nakatutulong, subalit hindi nakatutulong para sa ilang tao na may myopia. Nararanasan ng ilan ang pagbabagu-bago ng paningin. Ibig sabihin nito na sa umaga ang paningin ay iba kaysa sa gabi. Ito’y lalong kapansin-pansin sa mga tao na buong araw na nakaharap sa computer. Ang karamihan ng mga pasyente ng RK ay hindi nakararanas nito nang permanente, subalit maliit na porsiyento ang nakararanas. Ang pagkasilaw sa gabi ang idinadaing ng marami pagkatapos ng operasyon ng RK, subalit sa kaso ng pagbabagu-bago ng paningin, hindi naman idinadaing ito ng karamihan bilang permanenteng kalagayan. Ang mga kulang ng halumigmig sa mata at marahil ay huminto na sa paggamit ng mga contact lens dahil sa panunuyo ng mata ay makararanas ng higit pang panunuyo hanggang sa anim na buwan. Ang ilan ay sobra naman ang pagkawasto ng myopia, na nag-aalis ng kakayahang makakita nang malinaw sa malapit at maaari ring gawing mahina ang pagtanaw sa malayo kung walang mga contact lens o mga salamin sa mata. Hindi ito pangkaraniwan subalit nangyayari ito sa ilang pasyente ng RK.

Sa unang tatlong buwan pagkatapos ng operasyon, ang paningin ay maaaring maapektuhan ng pangkaraniwang mga sakit, emosyonal na kaligaligan, pagdadalang-tao, paggagamot, mga pagbabago sa trabaho, mga gawain sa pag-eehersisyo, pagbabago sa pagkain, at lalo na ang kawalan ng pahinga. Sinabi ng isang siruhano sa RK na ang mga taong nagbubuhat ng barbel nang palagian ay karaniwang hinihilingan ng paulit-ulit na operasyon upang matamo ang kanilang inaasahang paningin. Maraming bagay ang nakaaapekto sa pang-araw-araw na paningin, lalo na sa unang tatlong buwan. Ang pasyente ay dapat na maging handa sa mga pagbabago habang nagpapagaling.

Ang RK ay hindi naman gayon kawasto anupat para bang laging mahahalinhan nito ang mga salamin sa mata at mga contact lens, yamang ito ay maaaring ibagay ayon sa espesipikong pangangailangan mo. Ang operasyong RK ay pangkaraniwang paraan ng operasyon, at bihirang mga pasyente ng RK ang pumipiling gumamit ng mga salamin sa mata pagkatapos ng operasyon. Posible rin na isang mata lamang ang iwasto upang ang isang mata ay magamit sa malayuang paningin at ang isa para sa malapitang paningin. Ang higit pang operasyon ay magagawa pagkatapos ng operasyong RK kung hindi natamo ang inaasam na paningin at kung marami pa ang dapat gawin. Hinihiling nito ang isang siruhano na may malaking karanasan upang malaman kung gaano pang pag-oopera ang kailangang gawin.

Magsuri, Pagkatapos ay Magpasiya

Ang pinakamabuting payo kung pinag-iisipan mo ang operasyong ito ay kumuha ng hangga’t maaari’y pinakamaraming impormasyon na makukuha mo hinggil sa bagay na ito, yamang kailangan mong maitanong ang tamang mga bagay upang makakuha ng tuwirang mga kasagutan. Pagkatapos ay magtungo sa ilang siruhano ng RK bago magpasiya na tanggapin ang pamamaraang ito. (Kawikaan 15:22) Baka masumpungan mo ang iyong sarili na isang mabuting kandidato para sa pamamaraang ito at maaaring mapahusay nang malaki ang iyong paningin.

Kamakailan sa isang kapulungan sa Salt Lake City, Utah, E.U.A., iniharap ang isang ulat tungkol sa isang pagsusuri sa mga pasyente ng RK na mga optalmologo rin. Ang mga pasyenteng ito ay halos nagkaisang lubos na tumugon na sila’y nasiyahan sa mga resulta ng operasyon​—tanging 2 porsiyento ang hindi nag-iintindi, subalit 98 porsiyento sa kanila ang nasiyahan.

Ang magising na taglay ang malinaw na paningin tuwing umaga at hindi na gagamit pa ng mga salamin sa mata ay isang nakagagalak na karanasan! Sa malapit na hinaharap, ito ay mangyayari, hindi sa pamamagitan ng operasyon, kundi sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos. Ang bagong sistema ng Diyos ang magdudulot ng malinaw na paningin sa lahat doon na minsang gumamit ng mga salamin sa mata, subalit ang bagong paningin ay magiging lalong nakasisiya para sa mga hindi kailanman nakakita noon! “Sa panahong iyon madidilat ang mga mata ng bulag.”​—Isaias 35:5.

[Mga dayagram/Mga larawan sa pahina 25]

(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)

Ang Karaniwang mga Epekto ng Operasyong RK

Malinaw na naitutuon ng normal na mata ang mga larawan sa retina

Retina

Malinaw na paningin

Matagal bago makaabot ang mga larawan sa retina sa matang nearsighted

Retina

Malabong paningin

Isang anyo ng walong radial na paghiwa na bahagyang nakapagpaimpis sa cornea

Nabibigyang-daan ng mata, pagkatapos ng RK, ang pagtutuon na maabot ang retina, nagdudulot ng malinaw na paningin

Retina

Malinaw na paningin

[Picture Credit Line sa pahina 22]

The Complete Encyclopedia of Illustration/J. G. Heck

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share