Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g95 1/22 p. 8-10
  • Sa Paghahanap ng mga Orkid sa Europa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sa Paghahanap ng mga Orkid sa Europa
  • Gumising!—1995
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Orkid—Pagkagaganda ng mga Ito
    Gumising!—2003
  • Pag-aalaga ng Orkid—Mahirap, Pero Sulit
    Gumising!—2010
  • Ang Magagandang Orkidyas na Iyon!
    Gumising!—1992
  • Nanganganib na mga Orkidya?
    Gumising!—1998
Iba Pa
Gumising!—1995
g95 1/22 p. 8-10

Sa Paghahanap ng mga Orkid sa Europa

NG KABALITAAN NG GUMISING! SA NETHERLANDS

ANG mga orkid ay nakahahalina sa mga tao sa lahat ng dako. Ang mga halamang ito ay kasingkahulugan ng eksotikong kagandahan at makulay na kariktan. Ang paglitaw nito sa di mapapasok na tropikal na kagubatan ay nakadaragdag sa pagiging misteryoso nito. Kakaunting tao ang nakababatid na ang mga orkid ay hindi lamang masusumpungan sa tropikal na mga dako kundi masusumpungan din ito sa mas kainaman ang klima na mga dako ng ating planeta, gaya sa Europa.

Ang mga uri ng orkid ay masusumpungan sa iba’t ibang rehiyon, mula sa artikong Iceland hanggang sa sub-tropikong Gresya. Halos 350 uri sa kabuuan ang nakikilala sa Europa. Kung ihahambing sa maraming uri ng orkid sa tropiko, ang mga uri ng orkid sa Europa ay tumutubo sa lupa, nagkakaugat sa lupa. Sa Tropiko ang mga orkid ay pangunahin nang mga epiphyte, nagkakaugat sa mga punungkahoy. Maraming uri sa tropiko ang nakagagawa ng pagkalalaki, pagkagagandang bulaklak, samantalang ang mga bulaklak ng mga orkid sa Europa ay mas maliit.

Ang pakikipagsapalaran sa paghahanap ng mga orkid sa Europa ay isang kawili-wiling libangan dahil sa maraming uri ng orkid ang tumutubo sa napakagagandang kapaligiran. Ang mga orkid ay karaniwang mga indicator na nagpapahiwatig sa pag-iral ng kakaibang mga kalagayang pangkapaligiran. Maraming uri ang napakapartikular tungkol sa ekolohikal na kapaligiran kung saan sila umiiral at lumilitaw lamang sa mga lugar na nakatutugon sa lahat ng kanilang mga kahilingan. Ang mga orkid sa latian na gaya ng Dactylorhiza incarnata, halimbawa, ay tumutubo lamang sa mga lugar kung saan ang tubig sa ilalim ng lupa ay nagtataglay ng sapat na apog. Ito ang dahilan kung bakit ang ilang uri ay mas pambihira kaysa iba. Ang isang uri ng orkid na nangangailangan ng lubhang espesipikong mga kahilingan para sa paglaki ay lilitaw sa mas kaunting dako kaysa isa na maaaring tumubo sa hindi gaanong mahigpit na mga kalagayan.

Kung tayo’y guniguning maglalakbay sa ibayo ng Europa, mula sa Netherlands pababa tungo sa gawing timog ng Italya, karamihan sa mga rehiyon na madaraanan natin ay may mga orkid. Magsimula tayo sa Netherlands. Sa mababang bansang ito sa Kanlurang Europa, makasusumpong pa rin tayo ng malawak na mga latian, mamasa-masang mga dune dip, at mga damuhan. Kung Mayo at Hunyo, ang ilang lupain ay nakukulayan ng rosas at lila na mga orkid ng uring Dactylorhiza. Isang maganda, maringal na uri ay ang Dactylorhiza praetermissa. Ang halamang ito ay maaaring umabot sa taas na isang metro at maaaring maglaman ng kasindami ng 60 bulaklak. Ang mga bahagi ng mga peat moor at mga heather field ay taniman din ng mga orkid. Sa basang mga heather field, maraming Dactylorhiza maculata ang kung minsan ay masusumpungan. Sa mga peat moor tayo ay kailangang maingat na maghanap bago makasumpong ng munting luntiang mga bulaklak ng Hammarbya paludosa. Ang maliit na orkid na ito ay tumutubo sa lubhang di mapapasok na mga dako.

Tayo’y maglalakbay pa, tungo sa gitnang hilera ng mga bundok sa Alemanya. Dito, sa gitna ng iba’t ibang uri ng mga punong nalalagasan ng dahon, masusumpungan ang ilang kinatawan ng uring Epipactis. Bagaman ang ilan sa mga ito ay tumutubo sa pinakaloob ng kagubatan sa malilim na mga dako, pinipili naman ng iba, gaya ng Epipactis muelleri, ang gilid ng gubat. Ang namumulaklak na uri ng Epipactis sa dakong huli ng tag-araw at taglagas ang nagwawakas sa panahon ng mga orkid sa Europa. Makikita sa mga dalisdis ng burol na sagana sa apog ang isang partikular na uri ng tigang na damuhan, maapog na damuhan, na sagana sa mga orkid. Kung Mayo at Hunyo, kung minsan tayo ay makasusumpong dito ng maraming uri, kabilang na rito ang magandang Orchis militaris at Orchis ustulata.

Sa timugang bahagi ng Alemanya, mararating natin ang Alps. Ang kaparangan sa alpino ay kilala sa kanilang kasaganaan ng mga bulaklak. Ang mga orkid ay kadalasang nakadaragdag sa kapaligirang ito. Ang ilang kaparangan sa alpino, gaya niyaong sa Dolomites sa Italya, ay nagagayakan ng kulay murado na mga orkid sa buwan ng Hulyo. Ang kasaganaan ng Nigritella nigra ay lumilitaw rito sa sari-saring kulay. Ang Nigritella ay naglalabas ng matinding amoy banilya, na nagpapagunita sa atin na ang banilya ay nakukuha mula sa prutas ng isang tropikal na orkid.

Ang mga orkid ay maaaring masumpungan sa mga altitud na mahigit na tatlong libong metro. Posible na sa taas na iyon ay masumpungan ang marahil pinakamaliit na orkid sa daigdig, ang Chamorchis alpina. Ang mga bulaklak ng uring ito ay sumusukat ng wala pang limang milimetro pahalang. Sapagkat ang mga ito ay luntian ang kulay, ang mga bulaklak nito ay hindi nakatatawag ng pansin. Gayunman, ang uring ito ay may kaniyang sariling espesipikong dako sa ecosystem sa rehiyon ng alpino.

Pagkatapos maglakbay na lampas pa ng Alps, mararating natin ang Mediteraneong rehiyon ng Europa. Masusumpungan natin ang higit pang uri ng mga orkid dito kaysa saanman sa Europa, at ang kanilang pagkasari-sari ay lubhang kagila-gilalas. Ang mga uring maibigin-sa-init na tumutubo rito ay namumulaklak lamang sa maagang tagsibol. Sa panahon ng tuyong tag-araw, lahat ng pananim, pati na ang orkid, ay natutuyo, at walang namumulaklak na halaman ang masusumpungan. Pagkatapos lamang ng panimulang mga ulan ng tagsibol na ang sariwang luntiang mga pananim ay muling lumilitaw.

Ang mga orkid ay nagkakaroon ng reaksiyon sa pag-ulan na ito. Sa panahong iyon maraming uri ang nagdadahon at nakaliligtas sa taglamig tulad ng isang rosette. Sa maagang tagsibol lamang itatanghal nila ang kanilang pagkagagandang bulaklak. Ang uri ng orkid na Ophrys ay karaniwan sa pananim ng Mediteraneo. Para sa polinasyon marami sa mga uring ito ang dumidepende sa mga insektong lalaki na napagkakamalan ang bulaklak, na kahawig ng isang insekto, na babaing insekto na handang makipagtalik. Ang ilan sa mga uring ito ay ipinangalan sa mga insekto na kahawig nila, gaya ng spider orchid, fly orchid, at bumblebee orchid (Ophrys sphegodes, insectifera, at bombyliflora). Kasunod ng kunwang-pagtatalik ay dinadala ng insekto ang pollen mass at inihahatid ito sa iba pang bulaklak na kauri. Nagaganap ang polinasyon, at ang paggawa ng binhi ay nagsisimula. Ang paraang ito ng polinasyon ay kahanga-hanga ang katumpakan.

Sa gitna ng ilang uri ng Ophrys, nakilala ang ibang uri. Ang bawat isa ay pino-pollinate ng isang espesipikong insekto. Kapag ang isang uri ng mga insektong nagpo-pollinate ay nalantad sa mga bulaklak na kakaiba subalit kahawig ang uri, tumatanggi silang i-pollinate ito. Kung minsan nangyayari ang “aksidente,” at ibang uri ang may kamaliang napo-pollinate, na nagbubunga ng mga haluang uri. Paminsan-minsan, ang mga haluang uring ito ay nakapagsisibol ng mga binhing marami kung mamulaklak at nagkakaroon ng maraming supang.

Ang isa pang katangian ng uring ito ng orkid sa Mediteraneo ay ang tongue orchid (Serapias). Ang mga uring ito ay pino-pollinate ng mga insekto na nagpapalipas ng gabi sa loob ng isang tulad-tubong butas sa loob ng bulaklak. Paggising ng insekto, ang pollen mass ay nakadikit na sa katawan ng insekto, anupat isa na namang bulaklak ang mapo-pollinate sa susunod na gabi.

Samantalang naglakbay tayo sa ibayo ng Europa, nakita natin ang maraming napakaririkit na likas na dakong punô ng mga orkid. Gayunman, marami na ang naglaho. Sa industriyalisado, matao, at lubhang masulong sa agrikulturang Europa, halos lahat ng likas na mga reserba ay nakalantad sa maraming nagbabantang mga kalagayan. Ang pag-ulan ng asido, tagtuyot, labis na pagbungkal sa mga lupang sinasaka, turismo, at urbanisasyon, ay pawang may nakapipinsalang epekto sa mga orkid. Maraming uri ang naging bihira. Sa ilang bansa ang ilang uri ay protektado ng batas.

Gayunman, ang basta pagsasabi na ang isang bagay ay ipinagbabawal ng batas ay hindi nakatutulong ng malaki. Dapat na pakitunguhan ng tao ang paglalang nang may paggalang. Sa kasalukuyan, di-sakdal na sistemang ito ng mga bagay, kung saan ang paggalang sa Maylikha at sa kaniyang nilalang ay salat, hindi natin inaasahang sasagana ang kalikasan. Sa bagong sistema lamang ng Diyos magiging posible para sa matuwid na mga tao na matamasa ang pagkakasuwato ng kalikasan. (Isaias 35:1) Sa panahong iyon na ang maraming uri ng mga orkid ay wastong pahahalagahan sa kung ano ito.

[Mga larawan sa pahina 8, 9]

Sa dalawang pahinang ito ang mga orkid ay mula sa (1) Italya, (2) Netherlands, (3) kaparangan ng alpino, (4) maapog na mga damuhan, at (5) mga dakong heather. (6) Ang butterfly orchid

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share