Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g98 10/8 p. 31
  • Nanganganib na mga Orkidya?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Nanganganib na mga Orkidya?
  • Gumising!—1998
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Orkid—Pagkagaganda ng mga Ito
    Gumising!—2003
  • Sa Paghahanap ng mga Orkid sa Europa
    Gumising!—1995
  • Ang Magagandang Orkidyas na Iyon!
    Gumising!—1992
  • Pag-aalaga ng Orkid—Mahirap, Pero Sulit
    Gumising!—2010
Iba Pa
Gumising!—1998
g98 10/8 p. 31

Nanganganib na mga Orkidya?

Madaling magpatubo ng mga orkidya. Ang mga ito’y tumutubo sa lupa, sa mga punungkahoy, at maging sa mga bato. Subalit nagbabala ang International Union for Conservation of Nature and Natural Resources (IUCN) na maraming iba’t ibang uri ng mariringal na halamang ito ang baka hindi na makaligtas sa iláng kung patuloy na pakikialaman ang kapaligiran ng mga ito. “Kapag binabago ang mga pinagtutubuan nito, nauubos ang mga kulisap na kailangan sa polinasyon o di-kaya’y lumilipat sa ibang lugar ang mga ito,” sabi ni Wendi Strahm ng IUCN. “Kapag nagkakaganiyan,” dagdag pa niya, “hindi makapagparami ang orkidya.”

Tinatayang 20 porsiyento ng limang milyong orkidya na ipinagbibili sa buong daigdig taun-taon ang kinukuha sa iláng. Ito, sabi ng IUCN, ay nakahahadlang sa pag-iingat sa magandang halamang ito. Kaya nga, iminumungkahi ng IUCN na kung nais magkaroon ng mga orkidya, ang dapat nilang bilhin ay yaong galing sa mga greenhouse sa halip na bunutin ang mga ito sa kanilang likas na kapaligiran.

Di-kukulangin sa 20,000 uri ng orkidya ang kilala ng mga tao. Ang ilan ay mga halamang ang taas ay punto sais centimetro lamang; ang iba naman ay mga baging na gumagapang hanggang sa habang 30 metro. Karamihan sa uri ng mga orkidya ay tumutubo sa maiinit at tropikal na mga lugar na maulan. Subalit umaasa ang mga ito sa maselan na pagkakatimbang ng kalikasan upang makaligtas.

Nakalulungkot sabihin, ang pagkaignorante at kapabayaan ng tao ay patuloy na pumipinsala sa kapaligiran, anupat nanganganib ang dumaraming halaman, lakip na ang orkidya. Ngunit hindi na ito magtatagal. Sa ipinangako ng Diyos na bagong sanlibutan, ang mga tao’y mabubuhay kasuwato ng kalikasan. Sa panahong iyan ay matutupad ang mga salita ng salmista: “Magbunyi ang malawak na parang at ang lahat ng naroroon. Kasabay nito ay bumulalas nang may kagalakan ang lahat ng mga punungkahoy sa kagubatan.”​—Awit 96:12.

[Picture Credit Line sa pahina 31]

Jardinería Juan Bourguignon

[Picture Credit Line sa pahina 31]

Jardinería Juan Bourguignon

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share