Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g95 1/22 p. 16-17
  • Ang “Megapode” at ang Binating mga Itlog Nito

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang “Megapode” at ang Binating mga Itlog Nito
  • Gumising!—1995
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Inkubadór na Nagbabadya ng Karunungan
    Gumising!—1986
  • Namisa ng mga Sisiw ang Aking mga Bubuyog!
    Gumising!—1998
  • Ang Pugad ng Malleefowl
    May Nagdisenyo Ba Nito?
  • Ibon
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Gumising!—1995
g95 1/22 p. 16-17

Ang “Megapode” at ang Binating mga Itlog Nito

NG KABALITAAN NG GUMISING! SA SOLOMON ISLANDS

MULA sa layo na halos gugugol ng dalawang oras sa pamamagitan ng canoe mula sa Honiara, ang kabisera ng Solomon Islands sa Guadalcanal, ay masusumpungan ang isla ng Savo, kilala dahil sa aktibong bulkan nito at sa ibong megapode, na kilala rin bilang ang nakabababang ibon sa Australia. Kung minsan ginagamit ng mga katutubo roon ang maiinit na bato at buga ng singaw na sumisirit mula sa mga bitak sa lupa upang magluto ng kanilang pagkain at mag-init ng kanilang panustos na tubig. Ang ibong megapode ay may katalinuhan ding gumagamit ng likas na pinagmumulang ito.

Bagaman totoong mas maliit kaysa karaniwang manok, hawig dito ang ibong megapode, na may malaking katawan, maikli’t bilugang mga pakpak at malalaki, malalakas, na paang may apat na daliri. Ang tuka ay maikli at bahagyang nakabaluktot na pababa. Ang paglipad ng megapode ay mabilis subalit sandali lamang.

Ang ibong megapode (nangangahulugang “malalaking paa”) ay kabilang sa hanay ng mga ibon na kinabibilangan din ng karaniwang manok​—ang mga Galliforme. Ito’y isang naglilimlim na ibon na nagbabaon ng mga itlog nito sa salansan ng nabubulok na gulay upang mapisa ang mga ito sa di-nagbabagong init na 32 digri Celsius. Sa islang ito ang mga megapode ay may naiibang limliman. May huhusay pa ba sa mainit na buhangin ng bulkan sa mga dalampasigan ng Savo?

Ang ekta-ektarya ng pantay, patag na dalampasigan ay maingat na binakuran ng mga katutubong tao ng tila pader ng matitibay na dahon ng palma. Ang mga ito ang “mga bukirin” ng megapode. Sa loob nito, ang lugar ay nakakahawig ng maayos na taniman ng punong namumunga. Ang maliliit na puno ay itinanim sa maayos na mga hanay, tila upang maglaan ng higit pang kaayaayang kapaligiran sa dumadalaw na mga ibon. Sa buong lugar na ito, ang buhangin ay hinukayan ng maliliit na butas na mga animnapung centimetro ang diyametro, katunayan ng mga pagdalaw kung bukang-liwayway at takip-silim ng kakaibang maiilap na ibon na ito na nagpupunta upang humukay ng makipot na butas na kasinlalim ng siyamnapung centimetro upang doon mangitlog at ibaon ang kanilang itlog.

At anong pagkalalaking itlog! Ang mga ito’y sumusukat mula walong centimetro hanggang siyam na centimetro ang haba at halos anim na centimetro ang diyametro, isang nakagugulat na laki para sa gayong kaliit na ibon. Sa sandaling mapisa, ang punung-punô ng balahibo na sisiw ay unti-unting umaakyat palabas at nagtatatakbo sa sarili nito. Sa loob ng 24 na oras maaari na itong lumipad.

Bawat araw ang mga taganayon ay bumababa sa “mga bukirin” upang maghukay ng mga itlog, na waring mahalagang bahagi ng pangunahing pagkain ng mga tagaisla. Kamangha-mangha kung paano nila inihahanda ang kanilang madaling tunawin, malambot na binating mga itlog. Ang mga itlog ng megapode ay may kahusayang binabasag sa matulis na bahagi ng luntiang tangkay ng kawayan at ibinubuhos sa walang laman na tangkay. Ang tangkay ng kawayan, na punô na ngayon ng mga itlog, ay maingat na inilalagay nang 45-digring anggulo sa mainit na baga ng pinaglulutuang apoy. Di-magtatagal ang mga itlog ay bumubula-bula at napapahalo sa mga katas mula sa mainit na luntiang kawayan. Kapag luto na, ang kawayan ay binibiyak, at ang isa ay magkakaroon ng hugis sausage na binating mga itlog na may kakaibang masarap na lasa. Halina sa Solomon Islands, at subukin ninyo ito minsan!

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share