Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g95 1/22 p. 18-20
  • Paano Ko Mapabubuti ang Aking mga Damit?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Paano Ko Mapabubuti ang Aking mga Damit?
  • Gumising!—1995
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Napakamahal na Halaga ng Moda
  • Isaalang-alang ang Iyong mga Pangangailangan
  • Pag-iimbentaryo
  • Matalinong Pamimilí
  • Ano ang Sekreto ng Pagpili ng Tamang Damit?
    Gumising!—1989
  • Ang Uri ng Ating Pananamit—Talaga Bang Mahalaga Ito?
    Gumising!—1999
  • Naluluwalhati Mo Ba ang Diyos sa Iyong Pananamit?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2016
  • Ang Akin Bang Kasuotan ay Nagbubunyag ng Aking Tunay na Pagkatao?
    Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas
Iba Pa
Gumising!—1995
g95 1/22 p. 18-20

Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . .

Paano Ko Mapabubuti ang Aking mga Damit?

SI Robert ay nagugulumihanan! Dadalo siya sa kasal ng kaniyang kapatid na babae at talagang wala siyang maisuot. Hindi dahil sa si Robert ay nasa tinatawag ng Bibliya na “hubad na kalagayan.” (Santiago 2:15) Subalit ang pang-araw-araw na damit ni Robert ay hindi angkop para sa pormal na okasyong ito.

Subalit, ang kabataang si Angela ay may tatlong dadaluhang okasyon, ang bawat isa ay nangangailangan ng iba’t ibang istilo ng damit. Gayunman, di-tulad ni Robert, hindi siya gaanong nagugulumihanan kung anong damit ang angkop na isusuot. Hindi dahil sa mayaman si Angela. Siya ay nakapag-ipon lamang ng pangunahing mga damit na nagpapangyari sa kaniya na makapagbihis nang mahusay sa iba’t ibang kalagayan.

Ganito ang sabi ng isang artikulo sa magasing Woman’s Day: “Ang mga damit ay mahalaga. Malaki ang nagagawa nito upang maging maganda ang iyong palagay sa iyong sarili.” Kung ano ang iyong isinusuot ay may malaki ring epekto kung paano ka minamalas at pinakikitunguhan ng iba. Kaya naman, taglay ang mabuting dahilan hinihimok tayo ng Bibliya na gumayak nang may “damit na mabuti ang pagkakaayos, na may kahinhinan at katinuan ng pag-iisip.” (1 Timoteo 2:9) Kung ikaw ay isang Kristiyano, ang pagkakaroon ng angkop na mga damit ay dapat na maging mahalaga para sa iyo.

Subalit, maaari ba na sa kabila ng pagkarami-raming damit, kalimitang nadarama mo na wala kang maisuot? Ano ang problema, at paano mo maitutuwid ang mga bagay na ito?

Ang Napakamahal na Halaga ng Moda

Kalimitan ang problema ay hindi ang pera kundi ang bunga ng pagiging alipin sa patuloy na nagbabagong mga istilo at kausuhan sa daigdig. Ang aklat na Youthtrends ay nagsasabi na “nababatid ng daigdig ng negosyo kung gaano karaming pera ang gugugulin ng mga kabataan sa may pangalang mga damit.” Dahil sa nauudyukan ng kasakiman sa salapi, ang industriya ng damit ay gumagamit ng nakatatawag-pansin na magasin at mga anunsiyo sa TV upang akitin ang mga kabataan na gumastos​—at gumastos, at gumastos! Nagagatungan pa ng panggigipit ng mga kaedad, ang mahusay na paraan ay nagiging mabisa. Ganito na lamang ang pagkasiphayo ng isang guro: “Ang lahat ay gumugugol ng napakalaking salapi sa mga damit at ang mga bata na walang maikakaya rito . . . ay nagtatrabaho pagkatapos ng eskuwela upang makabili lamang ng jeans na may pangalan.”

Ang pagiging alipin sa mga kausuhan ay magastos at magpapangyari sa iyo na magkaroon ng kakaunting pera para sa mas praktikal na mga damit na talagang kailangan mo. Sa gayon ang Roma 12:2 ay nagbibigay ng mabuting payo nang sabihin nito: “Huwag na kayong magpahubog ayon sa sistemang ito ng mga bagay, kundi magbagong-anyo kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip.” Totoo, ang pagiging naiiba ay hindi laging madali. Ganito ang inamin ng labing-anim-na-taóng-gulang na si Charlene: “Itinuturing kang kakatwa ng mga bata sa paaralan kapag hindi ka nagdamit na gaya nila.” Subalit, kung hahayaan mong diktahan ka ng iba sa iyong ginagawa, ikaw ay nagiging alipin nila. (Ihambing ang Roma 6:16.) Ganito ang inamin ng kabataang babae na si Johanna: “Naiinis ako dahil nadarama ko na para bang lagi akong nagbibihis para palugdan ang ibang tao.”

Ito ba’y laging matalinong bagay? Halimbawa, isaalang-alang ang gang sa lansangan, ang hip-hop, at mukhang “nanlilimahid at gulanit” na istilo ng pananamit. Marami ang nagsusuot ng mga istilong ito dahil lamang sa ito’y popular. Subalit totoong ipinagsisigawan nito ang galit at pagrerebelde. Ang pagsusuot ba ng mga ito ay nagbibigay sa iba ng maling impresyon tungkol sa iyo? (Juan 15:19; ihambing ang 2 Corinto 6:4.) Huwag nang banggitin pa na ang magmukhang gaya ng isang miyembro ng gang ay maaaring pumatay sa iyo. Kaya ipinagbawal ng ilang paaralan sa E.U. ang pagdaramit ng istilong gang. Ang aral na matututuhan? Walang kabuluhan na pahintulutan ang iyong mga kaedad na pumili ng iyong mga damit, lalo na ang pangasiwaan ang iyong buhay. Sa halip na maging balisa tungkol sa kung ano ang makalulugod sa kanila, “patuloy ninyong tiyakin kung ano ang kaayaaya sa Panginoon”!​—Efeso 5:10.

Isaalang-alang ang Iyong mga Pangangailangan

Minsang mapalaya mo ang iyong sarili mula sa paniniil ng kausuhan, masisimulan mong mag-ipon ng damit na makatutugon sa iyong talagang pangangailangan. Halimbawa, ang karamihan ng iyong oras ay ginugugol sa paaralan. Kung hinihiling ng paaralan ang pagsusuot ng uniporme o pagsunod sa mahigpit na pamantayan ng pagdaramit, ang mga pagpili mo ay magiging limitado. Subalit sa maraming paaralan ang sariling pagpili ay pinahihintulutan, at ang casual o di-pormal na hitsura ay pangkaraniwan lamang.

Sa gayong kalagayan, hindi katalinuhan na gawing kapansin-pansin ang iyong sarili sa pamamagitan ng pagpaparangalan ng isang amerikana at kurbata o isang eleganteng palda. Maaaring naisin mo na magtinging di-pormal na hindi naman labis na nasa uso o burarâ. Gayon ang ginawa ng tin-edyer na babae na nagngangalang Millie. Samantalang nasa paaralan iniwasan niya ang labis na kausuhan. Kung gayon din ang iyong kalagayan, maaaring kailanganin mo ang ilang pangkaraniwang pantalon, kamisadentro, o mga blusa sa kalipunan ng iyong mga damit. Kung kulang sa pera, ang pagkakaroon ng ilan lamang nito ay makasasapat na.​—Ihambing ang Lucas 10:42.

Ang pagpapanatili mo ng iyong mga damit pampaaralan sa katamtamang dami ay magpapangyari sa iyo na magkaroon ng sapat na salapi upang matugunan ang iba pang pangangailangan. Halimbawa, mayroon ka bang trabaho sa labas o gawaing bahay na gagawin? Kung gayon kailangan mo ng ilang tumatagal, matitibay na damit. Ang angkop na pananamit ay maaaring kailanganin din para sa isports at iba pang gawain sa paglalaro. Bagaman maaaring nasa uso na magsuot ng mamahaling shorts, mga pantaas na damit, at mga sapatos na de goma, masusumpungan mo na ang ilang di-gaanong mamahaling damit ay kapaki-pakinabang din naman.

Kung ikaw ay isa sa mga Saksi ni Jehova, maaaring nanaisin mo rin na isaalang-alang ang iyong pangangailangan para sa angkop na mga damit na maisusuot sa Kristiyanong mga pulong, yayamang ang di-pormal na pananamit ay di-angkop para sa pagsamba. Sa mga bansa kung saan ang pananamit na istilong-Kanluran ay isinusuot, ang kabataang mga lalaki ay karaniwang nagsusuot ng pantalon, kamisadentro, kurbata, at amerikana. Ang kabataang mga babae ay karaniwang nagsusuot ng bistida o palda at blusa. Ang katulad na mga damit ay isinusuot din sa gawaing pangangaral sa bahay-bahay. Kung gaano karaming damit ang iyong mabibili ay depende sa iyong badyet. Mabuti naman, ang iyong mga damit ay hindi kailangang maging marami o nasa pinakahuling uso. Ang mga ito ay dapat na maging maayos at malinis.

Si Jesu-Kristo ay dumalo sa kasalan, at maaaring ikaw ay maanyayahang dumalo sa pantanging mga okasyon. (Juan 2:1, 2) Kung ang pagbibihis nang pormal sa gayong mga okasyon ay kinaugalian na, kung gayon makatuwiran na magkaroon ng ilang angkop na mga damit na magagamit. “Ako’y nalagay na sa mga pagkakataon kung saan ako’y hindi bihis para sa okasyon, at hindi talaga mabuti,” ang pag-amin ni Johanna. Ang pagkakaroon ng isang pormal na damit kahit paano ay makapagsasanggalang sa iyo sa panggigipit at gastusin ng biglaang pamimili.

Pag-iimbentaryo

Maaaring gawin mo ang tinatawag ng manunulat na si Jean Patton na pag-aaudit ng iyong aparador. (Color to Color) Bukud-bukurin ang iyong damit, pati na ang mga damit na nakatago. Matutuklasan mo ang mga damit na nalimutan mo na. Gayundin naman, maaaring alisin mo na ang mga damit na pinaglakhan mo na o hindi mo na gusto.

Ang susunod, gumawa ng listahan ng imbentaryo, marahil isinasaayos ito ayon sa pangunahing piraso (mga amerikana, terno, bistida, blazer, sport jacket), panternong mga piraso (mga blusa, pangginaw, kamisadentro), at mga dagdag na gamit (mga bandana, sinturon, guwantes, sumbrero, sapatos, bag, kurbata). Ang gayong talaan ay makatutulong sa pagtatampok ng kung anong mga gamit ang kakailanganin mo upang makumpleto ang iyong mga damit.

Matalinong Pamimilí

Sa ilang bansa ang bagong mga damit ay napakagastos. Pinagsisikapang ingatan ng mga kabataan sa gayong mga bansa ang mga damit na kanilang taglay at totoong pinananatili itong maayos at malinis. Subalit, paano kung ikaw ay nasa kalagayan na bumili ng ilang bagong damit? Sa kaniyang aklat na Working Wardrobe, sinabi ni Janet Wallach na “ang isang babae ay makatitipid ng oras at salapi kung kaniyang bibilhin ang kaniyang mga damit nang nakaplano at sadyâ.” Totoo rin iyan para sa kabataang mga lalaki. Malamang, maliit lamang ang iyong badyet, kaya kailangan mong kalkulahin ang gastos ng anumang iyong bibilhin. (Ihambing ang Lucas 14:28.) Iyan ay mangangahulugan ng pagbabawas sa talaan ng iyong bibilhin, pananatili sa mga bagay na talagang kailangan lamang. Ang isang mabuting pamantayan ay gugulin ang salapi sa mga damit na palagi mong isusuot.

Ganito ang payo ng The Better Business Bureau A to Z Buying Guide: “Ayusin mo ang iyong mga damit ayon sa isang pangunahing grupo ng kulay, gaya ng navy blue at abuhin o maroon at itim. Pumili ng pangunahing mga damit ayon sa mga kulay na iyon, at ilaan ang matitingkad na maipaparis na kulay para sa mga palda, blusa, o mga dagdag na gamit.” Ang mga damit na kulay-neutral ay mamamalaging nasa uso. Sa pananatili sa pangunahing mga kulay, mas madali kang makapag-eeksperimento at makalilikha ng bagong mga damit.

Ganito ang sabi ng Kawikaan 14:15: “Ang matalino ay nagpapakaingat sa kaniyang paglakad,” at ang pagkakaroon ng tiyak na plano para sa iyong mga bibilhin ay makatutulong sa iyo na makaiwas sa magastos na wala sa planong pagbili. “Lagi kong dala ang listahan ng aking bibilhin kapag ako’y namimili,” sabi ng isang kabataang babae. Tandaan din na sa pagtagal-tagal, mas makabuluhan ang kalidad ng mga damit, hindi ang dami. Ang isang damit na may uri ay tumatagal nang mga taon. “Taglay ko pa rin ang mga sweater na isinusuot ko nang ako’y tin-edyer pa,” sabi ng isang kabataang babae. Gayunman, ang may pangalang damit ay hindi naman kasiguruhan ng kalidad, na matitiyak lamang nang husto sa pamamagitan ng maingat na pagsusuri sa damit mismo.a

Lumagay sa katamtamang panig pagdating sa istilo. Ang simpleng damit o isang terno ng lalaki ay halos laging nasa uso. Ang nasa usong istilo ay madaling maluma. Sa kaniyang aklat na Conservative Chic, ganito ang sabi ni Amelia Fatt: “Ang simpleng mga damit ay mas madaling palamutian, madaling parisan sa susunod na taon, mas mabuting puhunan.”

Huwag kalimutan na ang iyong mga magulang ay nagtataglay ng marami nang taon ng karanasan sa pagbili ng damit. Ang ilan sa inyong nahihiligan ay maaaring may malaking pagkakaiba, subalit magkakasundo kayo sa pangunahing mga bagay higit sa iyong inaakala. “Tinulungan ako ng aking ina at ng aking kapatid na babae na magkaroon ng mabuting pagpili sa mga damit,” gunita ni Angela. Taglay ang panahon at pagtitiyaga, ikaw rin ay magkakaroon ng angkop, kapaki-pakinabang na mga damit. Marahil ay hindi mo na kailanman sasabihin pa, ‘Wala akong maisuot!’

[Mga talababa]

a Tingnan “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Ano ang Sekreto ng Pagpili ng Tamang Damit?” sa aming labas ng Oktubre 8, 1989.

[Larawan sa pahina 19]

Ang una muna’y mag-imbentaryo ng kung ano ang iyong tinataglay na

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share