Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g95 1/22 p. 28-29
  • Pagmamasid sa Daigdig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagmamasid sa Daigdig
  • Gumising!—1995
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Gastos Dahil sa Krimen
  • Di-ligtas na Dugo sa Pilipinas
  • Basura sa Information Superhighway
  • Pulut-pukyutan Para sa mga Ulcer?
  • Tingga at Alak
  • Mga Bata sa Isla na Walang TV
  • Walang Suporta sa Bata, Walang Lisensiya
  • Matatalinong Magsasaka, Marurunong na Uwak
  • Mahigit na Isang Bilyong Naninigarilyo
  • Di-nakapipinsalang mga Depekto sa Pagsasalita
  • Pagharap sa mga Katotohanan: Ang Tabako Ngayon
    Gumising!—1986
  • Nakasasamang mga Istilo ng Buhay—Gaano Kalaki ang Kabayaran?
    Gumising!—1997
  • Milyun-Milyong Buhay ang Naging Abó
    Gumising!—1995
  • Ang Agwat ng Mayaman at Mahirap ay Lumalaki
    Gumising!—2000
Iba Pa
Gumising!—1995
g95 1/22 p. 28-29

Pagmamasid sa Daigdig

Gastos Dahil sa Krimen

Ayon sa The Washington Post, ang Estados Unidos ay gumugugol o nawawalan ng $163 bilyon sa bawat taon bunga ng krimen. Iniuulat ng pahayagan na kahit pagkatapos na gawin ang pagbabago dahil sa implasyon, ang kabuuang ito ay halos apat na ulit ang kahigitan sa ginugol noong 1965. Sinabi pa ng pahayagan na kalakip sa halaga ng krimen ay ang “mahigit pa sa $31.8 bilyon sa estado at pederal na antas para sa pulisya, $24.9 na bilyon para sa bahay-parusahan, $36.9 na bilyon sa paunti-unting kalugihan, $20 bilyon sa pandaraya sa seguro, at $17.6 na bilyon para sa indibiduwal na kalugihan sa ari-arian at gastusin sa medikal. Gayundin naman $15 bilyon pa ang ginugol sa pribadong seguridad, $9.3 bilyon para sa gastusin sa korte at $7.2 bilyon para sa paglilitis at pampublikong depensa.” Halimbawa, sa isang pangkaraniwang barilan sa lugar ng Washington, D.C., sinabi ng Post na ang paggamot sa biktima ay nagkakahalaga sa katamtaman ng $7,000 sa unang ilang oras pagkatapos ng barilan. Kung makaliligtas ang biktima, ang halaga ay halos $22,000. Kung tutuntunin at hahatulan ng pamahalaan ang maysala, sa gayon ito’y magkakahalaga ng $22,000 sa isang taon upang ibilanggo ang tao.

Di-ligtas na Dugo sa Pilipinas

Sa Pilipinas, ang mga paglilingkod sa pagsasalin ng dugo ay “di-ligtas, di-maaasahan at maaksaya,” ang hinuha ng isang bagong pagsusuri ng isang pangkat ng Pilipinong mga doktor. Sa mga tuklas na tinagurian ng minister ng kalusugan ng bansa, si Juan Flavier, na “lubusang nakababahala,” ipinakita ng mga pagsusuri na mas kaunti pa sa kalahati ng mga blood bank sa bansa ang may mga tauhan na kuwalipikadong magsagawa ng pagsusuri para sa AIDS, sipilis, hepatitis B, at malarya. Higit pa, isinagawa ng pagsusuri ang pag-eeksamin sa 136 na sampol ng dugo mula sa mga blood bank at natuklasan na maging sa dugo na nasuri na, halos 4 na porsiyento ang nahawahan na.

Basura sa Information Superhighway

Ang information superhighway, isang sistema ng grupo ng mga computer na naglalaan ng palitan ng impormasyon sa mga gumagamit ng computer, ang malawakang ipinagmamapuri ngayon bilang kababalaghan ng teknolohiya. Subalit ito’y may mga balakid din. Sa Globe and Mail sa Canada, isinulat ng peryodistang si Sean Silcoff ang tungkol sa dalawang buwang ginugol niya sa paggamit ng “highway” para sa pananaliksik na mga layunin. Siya’y naghinuha na ito’y “mababang uri” at “nagkalat na basura ng Kanluraning kultura.” Sinabi niya na may mahigit na 3,500 “mga grupong nag-uusap-usap” sa sistemang kaniyang ginagamit, marami sa mga ito ang abalang-abala sa mga paksang gaya ng tsismis tungkol sa mga bituin sa isports at sa larangan ng aliwan, nakamumuhing mga biro, at walang halagang mga bagay tungkol sa popular na mga palabas sa TV. Itinampok pa nga ng isa ang mga pamamaraan sa pagpapatiwakal. Ganito ang sabi ni Silcoff: “Ang isang posibleng kapaki-pakinabang na gamit ay sinasayang ng lipunan na waring punung-punô ng mga baliw.”

Pulut-pukyutan Para sa mga Ulcer?

Sumusulat sa Medical Post ng Canada, si Dr. Basil J. S. Grogono ay nagsabi na ang hamak na pulut-pukyutan ay maaaring may mas malaking nagagawa para sa mga pinahihirapan ng peptic ulcer kaysa nagagawa ng mga doktor sa nakalipas na mga dekada nang sila’y kalimitang bumabaling lamang sa pabigla-biglang pag-oopera. Sinabi niya na mas maraming dalubhasa ang nakabatid na sa ginagampanang bahagi ng munting mikroorganismo, ang Helicobacter pylori, sa peptic ulcer. Bagaman iminungkahi ng ilan ang paggamit ng mga gamot upang labanan ang mikrobyong ito, sinabi ni Grogono na ang mga gamot na ito ay may masasamang epekto at na ang mga mikrobyo ay maaaring di na tinatablan ng mga ito. Binanggit niya, sa kabilang dako, ang kamakailang pagsusuri na inilathala sa Journal of the Royal Society of Medicine na kung saan ang mga katangian ng pulut-pukyutan laban sa baktirya ay sinubok. Isang uri, na nagmula sa mga bubuyog ng New Zealand ang nanginginain sa halamang tinatawag na manuka, ay mabisa sa paglaban sa mikrobyong nagdudulot ng ulcer.

Tingga at Alak

Nakilala ng mga siyentipiko sa Belgium at Pransiya ang posibleng panganib sa ilang mga alak sa Pransiya​—tingga. Ang tingga na mula sa may tinggang kristal na mga lalagyan at mula sa may tingga na aluminyong pambalot ay maaaring makapasok sa alak. Subalit natuklasan ng bagong pagsusuri, iniulat sa Science News, na ang may tinggang gasolina ang pinagmumulan ng matataas na antas ng organikong halo ng tingga sa ilang pinalaon na mga alak sa Pransiya. Kapag ang mga ubasan ay tumutubo sa tabi ng abalang mga haywey, ang tingga mula sa usok ng tambutso ay nakapapasok sa mga ubas. Ang mga antas ng organikong halo ng tingga sa mga alak ay mula 10 hanggang 100 ulit ang kahigitan kaysa natuklasan sa iniinom na tubig. Si Richard Lobinski, ng University of Antwerp sa Belgium, ay nagmumungkahi na umiwas lamang sa mga alak na pinalaon sa pagitan ng 1975 at 1980, yamang ang paggamit ng may tingga na gas sa Pransiya ay nabawasan noong dakong huli ng mga taóng 1970. Gayunman, sinabi rin niya na ang may tinggang gasolina ay ginagamit pa rin, lalo na sa Gitnang Europa at sa dating Unyong Sobyet. Ang organikong halo ng tingga, sabi niya, ay higit na mapanganib kaysa karaniwang tingga dahil sa ang mga ito ay “madaling makapasok, lalo na sa utak.”

Mga Bata sa Isla na Walang TV

Ipinagmamalaki ng St. Helena, isang munting isla na halos sangkatlo ang layo mula sa Kanlurang Aprika hanggang Timog Amerika, ang mga bata sa lugar na ito na “kabilang sa pinakamatitino sa daigdig,” sabi ng The Times ng London, bumabanggit sa isang ulat sa Support for Learning, ang nangungunang nakapagtuturong babasahin. Natuklasan ng awtor ng ulat, si Dr. Tony Charlton, na tanging 3.4 na porsiyentong mga batang tagaisla sa edad na 9- hanggang 12-taóng-gulang ang may malubhang problema sa pag-uugali. Sinabi ng The Times na ang bilang na ito “ang pinakamababa na kailanma’y naiulat para sa anumang edad saanman sa daigdig.” Ang dahilan ng pagiging matitinong bata? Ang isang posibilidad ay ang mataas na uri at madaling makuhang edukasyon para sa mga bata. Subalit ipinaplano ni Charlton na imbestigahan ang isa pang posibleng salik. Hanggang kamakailan lamang, nang ang isang satellite hookup ay itinayo, ang isla ay hindi kailanman nagkaroon ng pagsasahimpapawid sa TV. Inaasahan na sa loob ng tatlong taon, 1,300 sa 1,500 pamilya sa isla ang magkakaroon ng TV. Di-magtatagal si Charlton ay magsasagawa ng isang pagsusuri sa anumang susunod na mga pagbabago sa mga batang tagaisla.

Walang Suporta sa Bata, Walang Lisensiya

Ang estado ng Maine, E.U.A., ay nagkaroon ng mahigpit na paninindigan may kinalaman sa mga magulang na tumatangging magbayad sa ipinag-utos ng korte na pagsuporta sa bata. Binawian nito ng lisensiya sa pagmamaneho ang walo sa gayong pabayang mga ama. Ayon sa The New York Times, sinabi ni Jane Sheehan, ang komisyonado ng Paglilingkod Pantao ng Maine, na ang walong ama ay nagkakautang ng kabuuang $150,000 at ang bawat isa ay nakatanggap ng labis-labis na babala na sila’y nanganganib na matanggalan ng kanilang lisensiya. “Hindi na ito dapat na makagulat sa sinuman,” ang sabi niya na sinipi ng Times. “Binabalaan na namin ang mga tao sapol noong Agosto na ang araw na ito’y darating.” Ang kaniyang opisina ay nagpadala ng gayunding mga babala sa 17,400 magulang na mahigit na 90 araw nang huli sa pagbabayad sa suporta sa bata. Sa kasalukuyan, halos $11.5 milyon mga kabayaran ang pumasok bunga nito.

Matatalinong Magsasaka, Marurunong na Uwak

Sa Hapón, nagkakaroon ng patuloy na paglalaban sa kung sino ang aani ng mga pananim. Ang mga uwak at mga magsasaka ay patuloy na naglalaban, na di-nagtagal ay nakita ng marurunong na uwak ang mga pamamaraan na ginawa ng mga magsasaka. Kaya, sa ngayon ginagamit ng matatalinong magsasaka sa Nagano Prefecture ang pinakamalalang katutubong ugali ng ibon upang siluin ang mga ito, sabi ng Asahi Evening News. Itinayo nila ang haula na siyam na metro kudrado at tatlong metro ang taas malapit sa kanilang mga pananim at naglagay ng mga uwak sa isa pang lugar malapit dito. Ang masasakim na uwak sa lugar na iyon, galit na galit sa mga mananalakay ng kanilang teritoryo, ay lumilipad patungo sa haula upang salakayin ang “dayuhang” mga uwak, para ang mga ito ang masilo mismo. Tagumpay sa wakas? Ganito ang sabi ng isang magsasaka: “Ang totoo, ang karamihan ng mga uwak na nalinlang ng haula ay ang mga gumagala lamang. Ang mga uwak sa lugar na iyon ay napakarunong anupat ang mga ito na ngayon ang nanlilinlang sa amin at lumilipad palayo.” At ang paglalabanan ay nagpapatuloy.

Mahigit na Isang Bilyong Naninigarilyo

Ayon sa pinakahuling bilang mula sa WHO (World Health Organization), ang bilang ng mga tao sa buong mundo na naninigarilyo ay 1.1 bilyon. Kung ang kasalukuyang kausuhan ay magpapatuloy, babala ng WHO, “halos kalahating bilyon kataong nabubuhay sa kasalukuyan ay mamamatay dahil sa tabako, at halos kalahati sa mga iyon, 250 milyon katao, ang mamamatay sa kalagitnaang edad ng kanilang buhay.” Sapol noong dekada ng 1980, ang paninigarilyo ay nabawasan sa paano man sa industriyalisadong mga bansa, subalit may pagdami sa nagpapaunlad na mga bansa. Sa gayon, ang nahihitit sa buong daigdig ay nananatiling 1,650 sigarilyo sa bawat adulto sa bawat taon. Ganito ang sabi ni Hans Emblad, patnugot ng WHO Program on Substance Abuse: “Sa kasalukuyan, ang pinakahuling epekto ng matagumpay na pagbebenta ng tabako sa nagpapaunlad na mga bansa ay ang pagbaling sa ibang lugar kung saan mas maraming gagamit ng tabako mula sa maunlad na mga bansa tungo sa nagpapaunlad na mga bansa. Ang epidemya ng tabako ay hindi pa lubusang nasusupil sa daigdig.”

Di-nakapipinsalang mga Depekto sa Pagsasalita

Sa isang komperensiya sa Darmstadt, Alemanya, ang mga miyembro ng Interdisciplinary Association for Stutter Therapy ay nagbabala sa mga magulang laban sa pagiging labis na nababahala sa di-nakapipinsalang depekto sa pagsasalita ng kanilang mga batang anak. “Apat mula sa bawat limang bata mula sa edad na apat at anim ang may kaunting depekto sa pagsasalita na para bang nauutal subalit karaniwang nawawala nang kusa,” ulat ng pahayagang Süddeutsche Zeitung. Paano dapat tumugon ang mga magulang kapag ang isang bata ay nabubulol sa pagsasalita? “Upang huwag maalisan ang bata ng kaniyang likas na pagkadi-napipigilan sa pagsasalita,” komento ng pahayagan, “hindi dapat gipitin ng mga magulang ang bata na paghusayin ito, dapat na pahintulutan siya na magkaroon ng maraming panahon, at dapat na patibayin ang kaniyang pagtitiwala sa sarili.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share