Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g95 2/8 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1995
  • Kaparehong Materyal
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1994
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—2005
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1995
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1994
Iba Pa
Gumising!—1995
g95 2/8 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Gawang-Paglalaro sa Imoralidad Salamat sa artikulo ng “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Gawang-Paglalaro sa Imoralidad​—Ano ang Pinsala?” (Pebrero 8, 1994) Ako’y nakikipag-date sa isang lalaki, at sinasabi niya sa akin na kung hindi niya ako mahalikan o mahawakan, hindi niya maipakikita kung gaano niya ako kamahal. Nakagawa kami ng pakikiapid, at pagkalipas ng dalawang linggo, kinansela niya ang aming kasal. Labis-labis na sama ng loob ang nadama ko​—at nadama kong ako’y ginamit lamang. Sana’y hindi ako naging hangal. Salamat sa paglalabas ninyo ng ganitong mga artikulo, na talagang kailangan ko.

N. R., Estados Unidos

Minsan ako ay nasangkot sa matinding paghihipuan, at inakala kong walang masama rito hanggang hindi ako humahantong sa pakikiapid. Ang artikulong ito ang nakatulong sa akin na pahalagahan na hindi natin maaaring libakin ang Diyos at na alam niya ang lahat ng bagay.

T. J., Nigeria

Sa tuwing nakakatagpo ako ng mga miyembro ng inyong relihiyon, tinatanggap ko ang isang kopya ng Gumising! Gayon ang nangyari sa labas ng Pebrero 8, 1994. Humanga ako sa artikulo tungkol sa imoralidad. Ang mga publikasyon sa akin mismong Evangelical Lutheran Church ay hindi tumatalakay ng gayong mga paksa, subalit tumatalakay nang higit tungkol sa mga homoseksuwal at mga tomboy. Sa inyong mga magasin tinatalakay ninyo ang mga paksa na ipinagbabawal sa iba. Hinahangaan ko ang inyong lakas ng loob at matibay na pananampalataya.

H. S., Alemanya

Salamat mula sa kaibuturan ng aking puso dahil sa artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Hanggang Saan ang ‘Labis’?” (Oktubre 22, 1993) Ako’y nakikipag-date sa isang kabataang Kristiyanong lalaki. Bagaman ang pakikipaghalikan at paghihipuan ay karaniwan sa aming pamayanan, kami’y nagtakda ng mga limitasyon sa isa’t isa mula sa pasimula. Hindi madali na sundin ang matutuwid na pamantayan ni Jehova, at natitiyak ko na marami ang matutulungan ng artikulong ito.

P. S. F., Brazil

Bagaman ako’y 26 na taóng gulang na, ang mga artikulo ng “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . .” ay kapaki-pakinabang sa akin. Matagal ko nang pinagpupunyagian ang partikular na katanungang ito. Ako’y natutuwa dahil sa sinabi nang tuwiran ng artikulong ito at nang napakaliwanag kung hanggang saan talaga ang labis!

V. V., Belgium

Mga Latian Ako’y naudyukan na sumulat dahil sa artikulong “Mga Latian ng Daigdig​—Sinasalakay na Ekolohikal na mga Yaman.” (Enero 22, 1994) Ang mga larawan ay nakatulong na idiin ang ating mga pananagutan na panatilihin ang pawang kagandahan ng mga nilikha ni Jehova. Ako’y nagagalak na di-magtatagal ay ‘dadalhin [ng Diyos] sa pagkasira yaong mga sumisira sa lupa.’​—Apocalipsis 11:18.

Z. C. B. S., Brazil

Ako’y isang tin-edyer na lalaki. Nabasa ko ang artikulo at natanto ko na ang kalikasan ay dumaranas ng pagkasaid sa maraming bahagi ng daigdig. Nauunawaan ko na ngayon na bagaman pinag-uusapan ng mga tao ang tungkol sa pagkakaisa ng kanilang mga pagkilos, hindi nila kayang gawin ito. Kaya naman, ibig kong gawin ang buong makakaya ko upang pag-aralan ang Bibliya upang ako’y makarating sa hinaharap na Paraiso ng Diyos.

Y. K., Hapón

Ang inyong artikulo ay mabuting halimbawa kung paano ang kagalakan ng pagbabasa ng Gumising! ay hindi lamang nanggagaling mula sa laman nito kundi mula sa kayarian at paghaharap nito: napakahusay na larawan, maayos at malinis na mga layout. Salamat sa inyo.

M. E., Canada

Naligtas sa Kampong Piitan Talagang napalakas-loob ako ng karanasan ni Feliks Borys, “Nailigtas ng Pananampalataya sa Diyos.” (Pebrero 22, 1994) Ang pagbabasa nito ang literal na nakapangilabot sa akin, at kailangan kong pigiling mabuti ang pag-iyak. Nagbigay ito ng lakas sa akin na magtiis sa ilalim ng pagsubok.

A. C., Italya

Natulungan ako ng artikulo na pahalagahan nang higit ang kapangyarihan ni Jehova na ingatan ang mga nagsisitiwala sa kaniya. Anong makabagbag-damdamin na mabasa ang kahanga-hangang paraan kung paano sinagot ni Jehova ang mga panalangin ni Feliks Borys!

E. F., Sweden

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share