Mula sa Aming mga Mambabasa
Katatawanan Ibig kong ipahayag ang aking pagpapahalaga para sa artikulo na “Haluan ng Katatawanan ang Iyong Buhay.” (Mayo 22, 1994) Napakatahimik ko lagi, kalimitang mainit ang ulo ko. Nang aking matutuhan na haluan ng katatawanan ang aking buhay, nagbago ang mga bagay. Totoong ang pagtawa “ang pinakamaikling daan sa pagitan ng dalawang tao.”
A. Q. G., Brazil
Kanser Kamakailan ay binigyan ko ang doktor ng aking ina ng kopya ng inyong labas ng Abril 8, 1994, tungkol sa “Kanser sa Suso—Pangamba ng Bawat Babae.” Sa pahina 10 inilarawan ninyo ang hydrazine sulfate bilang “hindi nakalalasong gamot.” Ipinakita sa amin ng doktor ang medikal na literatura na nagtatala rito bilang totoong nakalalason.
D. M., Pransiya
Yamang ang pagtataglay ng lason ng kemikal na ito ay maliwanag na pinagtatalunan, nagkamali kami sa pagtawag sa droga na hindi nakalalason. Sinabi ng isang pananaliksik na pag-aaral sa Russia na ito’y napatunayang totoong nakalalason nang binigyan ng sobrang dosis ang mga daga na pinag-aaralan sa laboratoryo. Gayunman, sa isang klinikal na pagsusuri sa mga taong may sakit ng kanser na isinagawa sa UCLA Medical Center, ang pagtataglay ng lason ng hydrazine ay iniulat bilang “banayad” na may 71 porsiyento ng mga pasyente na nag-uulat ng walang masasamang epekto ng pagkalason. Walang alinlangan na higit pang pananaliksik ang kailangang gawin bago ang mga panganib at posibleng mga pakinabang ng drogang ito ay lubusang matantiya.—ED.
Opera Lagi kong inaakala na ang inyong mga artikulo ay napakahusay, at lagi kong nadarama na ang mga ito’y isinulat lalo na para sa akin. Pero hindi ko kailanman naisip na kayo’y susulat ng tungkol sa bagay na talagang hilig ko, ang opera. Hindi ko napigilang umiyak nang nakita ko ang artikulo na “Isang Gabi sa Opera.” (Hulyo 8, 1994) Maraming salamat.
S. S., Romania
Salaysay ni Addie Ang artikulo na “Nasumpungan ni Addie ang Sagot sa Dakong Huli ng Kaniyang Buhay Ngunit Hindi Pa Totoong Huli” (Hulyo 22, 1994) ay talagang kahanga-hanga! Para bang nagbabasa ako ng nobela, maliban na ito’y talagang totoong kuwento. Ako’y napakilos nang aking mabatid na ang aral mula sa kaniyang kuwento ay na ang pinakamabisang paraan upang tulungan ang ating mga kapuwa ay sa pamamagitan ng pangangaral!
D. L., Italya
Katatapos ko lamang basahin ang kuwento ng buhay ni Addie Clinton Few, at sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng 19 na taon na ako’y nagbabasa ng Gumising!, sumulat ako upang sabihing salamat! Ako rin ay itim at nakaranas ng mga pagdusta ng kawalang-katarungan sa lipunan sa buong buhay ko. Subalit natutuhan ko na si Jehova ay talagang nagmamalasakit sa mahirap na kalagayan ng mga taong itim at na ang kaniyang ipinangakong bagong sanlibutan ang magtutuwid ng lahat ng maling mga bagay.
L. N., Estados Unidos
Ipinakita ng artikulo ang kaniyang talino at pagiging mapagpatawa sa pamamagitan ng kaniyang kapakumbabaan. Napakagaling niyang magkuwento! Sa palagay ko’y totoong makabagbag-damdamin ang wakas nito. Noo’y nasa bus ako na napapahikbi kung minsan at mapapaiyak na lamang.
D. M., Estados Unidos
Labis na Timbang Ako’y humanga sa artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Bakit Napakataba Ko?” (Abril 22, 1994) Ako’y laging naiinis dahil sa timbang ko, subalit ang artikulo ay nagsabi na hindi tumitingin si Jehova sa iyong panlabas na hitsura kundi kung ano ang nasa iyong puso. Salamat.
N. C., Estados Unidos
Bagaman hindi naman ako napakataba, kung minsan hinahangad kong maging gaya ng mga modelo. Kung minsan ako’y nanlulumo at naiiyak na lamang. Natulungan ako ng inyong artikulo na maunawaan na hindi lamang ako ang nakadarama ng ganito, at iyan ay nakaaaliw.
R. M., Estados Unidos
Hindi naman ako napakataba, pero ako’y siksik na batang babae na may malalapad na balikat. Tinutukso ako ng aking mga pinsan at ng mga kuya ko. Pinahalagahan ko ang inyong punto na bagaman ako’y nasa hanay ng mataba, hindi ibig sabihin na kailangan kong magbawas ng timbang.
M. T., Estados Unidos