Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g95 3/22 p. 31
  • “Pumaroon Ka sa Langgam”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Pumaroon Ka sa Langgam”
  • Gumising!—1995
  • Kaparehong Materyal
  • Langgam
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • “Pumaroon Ka sa Langgam”
    Gumising!—1990
  • Mga Honey Ant—Masarap na Pagkain sa Disyerto
    Gumising!—2011
  • Isang Nagmamartsang Hukbo!
    Gumising!—2003
Iba Pa
Gumising!—1995
g95 3/22 p. 31

“Pumaroon Ka sa Langgam”

“PAMBIHIRANG MGA LANGGAM”​—ang kakatwang ulong-balitang iyan ay lumitaw ilang taon na ang nakalipas sa isang artikulo ng pahayagan tungkol sa isang mabilis ang pagkakatayong Kingdom Hall ng mga Saksi ni Jehova. Ano ang pinagmulan ng ulong-balita? Hindi mahirap unawain kapag nakita mo ang isang litratong kuha sa himpapawid sa dakong iyon ng konstruksiyon. Isang subtitulo sa pahayagan ding iyon ang nagpapaliwanag: “Limang daang Saksi ni Jehova sa isang dako ng konstruksiyon​—hindi kapani-paniwalang punsó.”

Ang paghahambing ay angkop, marahil higit kaysa natatalos ng reporter. Totoo, mula sa itaas, ang ilang daang tao ang maliksing kumikilos sa palibot ng dako ng konstruksiyon ay maaaring kahawig ng mga langgam sa isang punsó. Subalit sa kasong ito ang pagkakahawig ay higit pa sa panlabas lamang. Bakit gayon? Dinidibdib ng mga Saksi ni Jehova ang payo ng Bibliya sa Kawikaan 6:6, na nagsasabi: “Pumaroon ka sa langgam . . . ; masdan mo ang kaniyang mga lakad at magpakapantas ka.” Paanong ang isa ay magiging pantas sa pamamagitan ng pagmamasid sa mga langgam?

Una sa lahat, malaki ang nagagawa ng mga langgam. Ang ensayklopidiya sa Bibliya na Insight on the Scriptures ay bumabanggit: “Hindi lamang kapansin-pansin ang kanilang katutubong talino sa paghahanda para sa hinaharap kundi rin naman ang kanilang pagtitiyaga at determinasyon, kadalasa’y nagbubuhat o mahigpit na hinihila ang mga bagay na doble ng kanila mismong timbang, hangga’t maaari’y ginagawa ang lahat ng bagay upang matupad ang kanilang partikular na atas, at tumatangging umurong kahit na sila ay mahulog, madulas, o gumulong pababa sa isang matarik na bangin.”a

Sa katulad na paraan, bagaman ang mga Saksi ni Jehova ay hindi humihila ng mga materyales sa konstruksiyon na doble ng timbang ng kanilang katawan, kadalasang ginugulat nila ang kanilang mga kapitbahay sa dami ng kanilang nagagawa sa kanilang mga proyekto ng pagtatayo sa loob ng maikling panahon. Karaniwang makita ang kanilang mga Kingdom Hall na mabilis na naitatayo mula sa mga pundasyon at natatapos sa loob lamang ng dalawa o tatlong araw!

Paano nila nagagawa ang lahat ng ito? Sa pamamagitan ng pagtulad sa langgam sa isa pang mahalagang bagay. Ang Insight on the Scriptures ay nagsasabi tungkol sa mga langgam: “Kapansin-pansin ang pagtutulungan, pinananatili nilang napakalinis ang kanilang mga tirahan at nagmamalasakit sa kanilang kapuwa mga manggagawa, kung minsan tinutulungan ang napinsala o pagód na mga langgam pabalik sa tirahan.” Ang nabanggit na reporter ay humanga sa katulad na espiritu ng pagtutulungan sa gitna ng mga Saksi, inilalarawan “ang isang malaking pinagsikapang gawa na natapos nang may ngiti sa isang relaks na kapaligiran ng halos 80 propesyonal na kumakatawan sa bawat sangay ng gawaing pagtatayo at tinutulungan ng 400 boluntaryo.”

Gayunpaman, lahat ng pagpapagal at pagtutulungan na ginagawa ng mga Saksi ni Jehova sa pagtatayo ng kanilang mga Kingdom Hall ay patikim lamang ng kung ano ang nangyayari sa loob ng mga bulwagang iyon sa kasunod na mga taon. Doon ay patuloy silang nagpapagal at sama-samang nagtutulungan, inoorganisa ang kanilang gawaing pagtuturo at pangangaral at naghaharap ng mga pulong na nakapagpapatibay at nakapagtuturo. Higit na mahalaga, sinisikap nilang ipakita ang gayunding uri ng maibiging pagmamalasakit sa isa’t isa na ipinakita ni Jesus sa kaniyang mga tagasunod nang siya’y narito sa lupa.​—Juan 13:34, 35.

Kung ikaw ay nakakita na ng isang Kingdom Hall ng mga Saksi ni Jehova at nagtataka ka kung ano ang nangyayari sa loob, malugod ka naming inaanyayahang pumasok at tingnan mo mismo. May pagtitiwalang matitiyak namin sa iyo ang isang mainit na pagtanggap at isang nakapagtuturong pagdalaw.

[Mga talababa]

a Inilathala ng Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc.

[Larawan sa pahina 31]

Isang mabilis ang pagkakatayong Kingdom Hall sa Aurillac, Pransiya

[Picture Credit Line sa pahina 31]

Mga guhit: Pharaoh’s ant. Lydekker

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share