Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g95 6/8 p. 3
  • Ipinagbili sa Pagkaalipin

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ipinagbili sa Pagkaalipin
  • Gumising!—1995
  • Kaparehong Materyal
  • Milyun-Milyon ang Naging Alipin
    Gumising!—1995
  • Paglaya Mula sa Pagiging Alipin—Noon at Ngayon
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2017
  • Kinunsinti ba ng Diyos ang Pangangalakal ng mga Alipin?
    Gumising!—2001
  • Isang Relihiyosong Problema sa Kolonyang Brazil
    Gumising!—2002
Iba Pa
Gumising!—1995
g95 6/8 p. 3

Ipinagbili sa Pagkaalipin

Ng kabalitaan ng Gumising! sa Aprika

SI Olaudah Equiano ay isinilang noong 1745 sa ngayo’y kilala bilang silangang Nigeria. Ang buhay sa kaniyang nayon ay simple lamang noong panahong pinamuhayan niya. Ang pami-pamilya ay nagtrabahong magkakasama upang magtanim ng mais, bulak, tugî, at balatong. Ang mga lalaki’y nagpastol ng mga baka at kambing. Ang mga kababaihan ay nag-ikid at naghabi ng bulak.

Ang ama ni Equiano ay isang dakilang matanda at hukom sa pamayanan. Isa itong posisyon na mamanahin ni Equiano balang araw. Iyan ay hindi kailanman nangyari. Nang bata pa, si Equiano ay dinukot at ipinagbili sa pagkaalipin.

Ipinagbili mula sa isang mangangalakal tungo sa isang mangangalakal, hindi niya nakatagpo ang mga Europeo hanggang makarating siya sa baybayin. Pagkalipas ng mga taon, inilarawan niya ang kaniyang mga nakita: “Ang unang bagay na tumambad sa aking mga mata pagdating ko sa baybayin ay ang dagat, at isang barkong pang-alipin na noo’y nakadaong at naghihintay ng mga karga nito. Ito’y labis na nakagulat sa akin, na di-nagtagal ay nauwi sa sindak nang ako’y dalhin sa bapor. Ako’y agad na sinuri at inihagis paitaas ng ilan sa mga tripulante upang alamin kung ako’y malusog, at ako ngayon ay napaniwala na ako’y napadpad sa daigdig ng masasamang espiritu at na papatayin nila ako.”

Nagmamasid sa palibot niya, nakita ni Equiano ang “isang pulutong ng mga taong itim ng lahat ng uri na magkakasamang nakatanikala, bawat bukás ng mukha ay nagbabadya ng kalumbayan at pighati.” Nalipos, siya ay nawalan ng malay. Pinapanauli ang malay niya at siya’y sinikap na aliwin ng kapuwa mga Aprikano. Sabi ni Equiano: “Tinanong ko sila kung kami ba’y hindi kakanin ng mga taong puti na iyon.”

Si Equiano ay dinala sa Barbados, pagkatapos sa Virginia, at nang maglaon sa Inglatera. Binili ng isang kapitan ng bapor, siya’y naglakbay sa maraming lugar. Siya’y natutong bumasa’t sumulat, sa wakas ay nabili niya ang kaniyang kalayaan, at gumanap ng isang pangunahing papel sa kilusan upang alisin ang pang-aalipin sa Britanya. Noong 1789 inilathala niya ang kuwento ng kaniyang buhay, isa sa iilang ulat (at marahil ang pinakamahusay) na naisulat tungkol sa kalakalan ng alipin ng isang Aprikanong biktima nito.

Milyun-milyong iba pang Aprikano ang hindi pinalad. Sapilitang nahiwalay sa kani-kanilang tahanan at pamilya, sila’y isinakay ng bapor sa ibayo ng Atlantiko sa mga kalagayang totoong malupit. Sila, pati na ang mga anak na ipinanganak nila, ay binili at ipinagbili na parang mga baka at sapilitang pinagtrabaho nang walang bayad upang payamanin ang mga estranghero. Ang karamihan ay walang karapatan at maaaring parusahan, abusuhin, o patayin pa nga sa kapritso ng kani-kanilang mga may-ari. Para sa karamihan ng mga inaping iyon, kamatayan ang tanging makapagpapalaya mula sa pagkaalipin.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share