Mula sa Aming mga Mambabasa
Sundalong Naging Kristiyano Ang aking mga mata ay tigib ng luha nang basahin ko ang artikulong “Sinanay Upang Pumatay, Ngayon Ako’y Nag-aalok ng Buhay.” (Setyembre 8, 1994) Isang taga-Palestina na tinatawag ang isang Judio na “kapatid”—tanging sa organisasyon lamang ni Jehova masusumpungan ang gayong pagkakaisa!
K. T. O., Malaysia
Ang Iyong Pantatak Salamat sa kawili-wiling artikulong “Ang Iyong Pantatak—Ang Iyong Lagda.” (Mayo 22, 1994) Kami ng mister ko ay nakikipag-aral ng Bibliya sa isang Budistang monghe mula sa Taiwan. Siya’y nagkomento tungkol sa kung gaano katumpak ang artikulo! Pagkatapos ay sumulat siya sa kaniyang ina na nasa Taiwan at nagsabing kami’y padalhan ng isang pantatak na nakatatak ang aming pangalan. Kami’y tuwang-tuwa!
K. J., Estados Unidos
Pagkabagot Kababasa ko pa lamang sa serye ng “Ang Iyong Buhay ba ay Nakababagot? Mababago Mo Ito!” (Enero 22, 1995), at nais kong sabihin sa inyo kung gaano ako natulungan nito. Hindi ko kailanman inakala ang aking sarili na nababagot, subalit ako’y hindi nasisiyahan sa aking buhay dahil sa aking walang pagbabagong rutina. Ang artikulo ay nagpangyari sa akin na malasin ang mga bagay sa isang bagong liwanag.
S. V., Estados Unidos
Canary Islands Pagkatapos basahin ang artikulo sa Nobyembre 22, 1994, na “Ang Canary Islands—Kaayaayang Klima, Kaakit-akit na Tanawin,” nais kong ipahayag ang aking pagpapahalaga rito at sa kahawig na mga artikulo sa Gumising! Pinasisidhi nito ang ating kabatiran at pagpapahalaga sa ating magandang lupa at sa sari-saring nilalang ni Jehova. Salamat sa pagdala sa amin sa kapana-panabik na “mga paglalakbay” na ito.
D. G., Estados Unidos
Mga Misyonero Labis kong pinahahalagahan ang inyong ekselenteng seryeng “Mga Misyonero—Mga Ahente ng Liwanag o ng Kadiliman?,” lalo na ang bahaging anim, “Paggawa ng Tunay na mga Alagad Ngayon.” (Disyembre 22, 1994) Ang aming kongregasyon ay nakinabang nang malaki sa paggawa na kasama ng isang mag-asawang misyonero na sinanay sa Gilead. Ang kanilang matalinong payo at sigasig ay nakaimpluwensiya sa akin upang gawing karera ko ang buong-panahong ministeryo.
J. K., Botswana
Pagtutol sa Nazismo Ako’y naantig ng artikulong “Hindi Namin Itinaguyod ang Digmaan ni Hitler.” (Oktubre 22, 1994) Ito’y may larawan ng “Solemneng Deklarasyon” ng anim na obispong taga-Austria na suportahan ang Nazismo. Ang isa sa mga obispong ito ay ang mismong nagkumpil sa akin noong 1928 nang ako’y isang estudyanteng Jesuita. Natawa ako sa gayong “pagkumpil” na mula mismo sa isa na hindi alam kung paano maging matatag sa pananampalatayang Kristiyano! Tinapos ng digmaang iyon ang pakikisapi ko sa Iglesya Katolika. Nilisan ko rin ang aking lupang tinubuan. Bagaman sinikap kong tutulan ang digmaan sa aking sariling paraan, wala akong tibay ng loob ng mga Wohlfahrt. Natatandaan ko pa ang dalawang Saksi ni Jehova na tumangging magdala ng sandata. Sila’y agad na pinatay. Hinahangaan ko ang mga gayong tao.
P. K., Chile
Ang mga Kabataan ay Nagtatanong Salamat sa artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Paano Ko Mapabubuti ang Aking mga Damit?” (Enero 22, 1995) Pinangyari ako nitong kumilos at ayusin ang aking aparador na punô ng damit. Araw-araw ako’y napoproblema kung ano ang aking isusuot, sa kabila ng pagkakaroon ng napakaraming damit. Subalit dahil sa inyong nakatutulong na payo, ang paghanap ng maisusuot ay mas madali na ngayon.
T. B., Hawaii
Salamat sa inyong ekselenteng kaisipan na nasa mga artikulong “Mga Kausuhan—Ano ang Pang-akit Nito?” at “Mga Kausuhan—Dapat ba Akong Sumunod?” (Nobyembre 22 at Disyembre 8, 1994) Bilang isang Kristiyanong matanda, sinasabi kong hindi laging madaling iwasan na ipilit ang aking mga pamantayan sa iba. Ngunit ang inyong mga pariralang gaya ng “isaalang-alang ang mga damdamin at mga saloobin ng iba” at “iwasan ang mga istilo ng damit at paggawi na maaaring malasin ng iba na kalabisan” ay tumatagos sa mga puso.
D. C̆., Croatia