Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g95 12/8 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1995
  • Kaparehong Materyal
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—2005
  • Paano Ko Maiiwasan ang Homoseksuwalidad?
    Ang Mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas, Tomo 2
  • Puwede Bang Ipagmatuwid ang Homoseksuwalidad?
    Gumising!—2012
  • “Naiyak Ako sa Tuwa”
    Gumising!—1992
Iba Pa
Gumising!—1995
g95 12/8 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Nawawalang mga Bata Sa panahong natapos kong basahin ang serye ng mga artikulong “Nawawalang mga Bata​—Kailan Magwawakas ang Trahedya?” (Pebrero 8, 1995), tumutulo ang luha sa aking mukha. Ang ilan sa karanasan na binanggit sa mga artikulo ay katulad ng sa akin. Pinasasalamatan ko si Jehova sa pagbibigay sa akin ng lakas upang makapagtiis. Sa pamamagitan ng kaniyang Salita natamo ko ang pag-asa ng paraiso kung saan ang mga tao ay hindi na makararanas ng gayong mga kasamaan.

T. O., Brazil

Hapones na Bilanggo Ako’y napasigla na basahin ang artikulo na “Ang Tatay Ko ay ‘Napalabas ng Bomba-Atomika sa Bilangguan.’ ” (Oktubre 8, 1994) Ako’y nabautismuhan kamakailan bilang isang Kristiyano, at ako’y malimit na nagtataka kung mapananatili ko ang aking katapatan sa ilalim ng pagsubok. Habang binabasa ko ang tungkol sa tulad-batong pananampalataya ni Brother Katsuo Miura, matinding damdamin ang nag-uumapaw sa loob ko. Natulungan ako nito na mabatid kung saan ako nagkukulang sa sarili kong pananampalataya​—na kailangan kong gawin ang Diyos na Jehova bilang pinagmumulan ng aking pagtitiwala.

K. T., Hapón

Henetiko Tinatalakay namin sa paaralan ang genetic code. Kaya sinamantala ko ang pagkakataon na ilagay ang magasin na may paksang “Ang Henetiko ng Tao​—Kung Paanong Ikaw ay Nagiging ‘Ikaw’ ” (Marso 22, 1995) sa aklat sanayan ko. Ipinakipag-usap sa akin ng aking guro sa siyensiya ang artikulo. Sinabi niya sa akin na bagaman siya ay isang biyologo at napag-aralan niya ang DNA sa loob ng mga taon, siya’y humanga kung gaano kalalim ang pagtalakay ng babasahin.

P. N., Italya

Ipinakita ng artikulo kung paanong ang masalimuot na paksa ay maaaring maipaliwanag sa nauunawaang mga salita. Napangyari nitong maunawaan ko nang mabuti ang materyal na pinag-aaralan ko sa klase ng biyologo. Gayunman, hindi ko magamit ang mga sinipi sa artikulo, yamang hindi ninyo ibinigay ang reperensiya ng impormasyon gaya ng may-akda at tagapaglathala.

M. G., Alemanya

Dahil sa kakulangan ng espasyo, karaniwan nang hindi namin inilalathala ang talaan ng sekular na mga reperensiya gaya ng kalimitang ginagawa sa teknikal at siyentipikong mga babasahin. Yamang ang “Gumising!” ay isinusulat para sa madla, hindi lamang para sa mga propesyonal, inaakala namin na ang gayong bibliograpikong impormasyon ay hindi gaanong pagtutuunan ng pansin ng mga mambabasa.​—ED.

Homoseksuwalidad Ako’y naglilingkod bilang isang ministeryal na lingkod at isang payunir, isang buong-panahong ebanghelisador. Ang mga artikulo ng “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . .” tungkol sa homoseksuwalidad ay waring naisulat para sa akin! (Pebrero 8, Pebrero 22, at Marso 22, 1995) Sa pasimula at kalagitnaan ng aking pagkatin-edyer, nag-eksperimento ako sa homoseksuwalidad. Huminto ako, pero sapol noon, nahirapan akong labanan ang mga damdaming ito. Gayunman, sa tulong ng mga artikulong ito, sa wakas ay naunawaan ko ang aking damdamin, at tumanggap ako ng tulong upang patuloy na makipagpunyagi!

Hindi ibinigay ang pangalan, Denmark

Ako’y nagkaroon ng homoseksuwal na damdamin nang ako’y nagbibinata. Ako’y pinalaking isang Kristiyano, kaya ang damdaming ito ay totoong nakalilito sa akin. Dahil sa ako’y nakadarama ng hiya at pagkalito, hindi ko makuhang ipagtapat ang nasasaloob ko kaninuman, maging sa aking mga magulang. Nakapangasawa ako ngayon ng isang magandang babae, subalit naroon pa rin ang maling pagnanasa ko paminsan-minsan. Sa wakas, sinabi ko ang sekreto ko sa aking asawa, at hinimok niya ako na makipag-usap sa mga elder sa kongregasyon. Napakamaunawain at napakamatulungin nila. Kung masasabi ko ang anumang bagay sa sinuman na nakikipagpunyagi sa damdaming ito, ganito ang sasabihin ko: Huwag itong itago. Sabihin sa iyong asawa, sa iyong mga magulang, sa isang elder, o isang pinagtitiwalaang kaibigan​—subalit huwag kimkimin ito.

Hindi ibinigay ang pangalan, Estados Unidos

Mula sa pagkabata, ako’y nakaranas ng seksuwal na pag-abuso. Walang pag-ibig o pagmamahal ang kailanma’y naipakita sa akin. Ako’y nakagawa ng homoseksuwalidad, pero kung nalalaman lamang ng mga kabataan ang kahihiyan, kirot, kalungkutan, at kabiguan na naidudulot ng homoseksuwal na saloobin, iiwasan nila ito. Marami ang umiiwas na pag-usapan ang paksang ito, subalit tinalakay ninyo ito sa maliwanag na paraan. Pinasasalamatan ko kayo mula sa kaibuturan ng aking puso dahil sa paglalathala ng gayong mga paksa.

Hindi ibinigay ang pangalan, Brazil

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share