Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g95 12/22 p. 12-13
  • Isang Matagumpay na Paaralan na Pambuong-Daigdig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isang Matagumpay na Paaralan na Pambuong-Daigdig
  • Gumising!—1995
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Kahilingan
  • Kaayusan at Kurikulum
  • Pagtulong sa Milyun-Milyon
  • Isang Paaralan na Naghahanda sa Atin Ukol sa Pinakamahahalagang Gawain
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2002
  • Pagpapatala sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
  • Kung Paano Tayo Nakikinabang sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2005
  • Tanong
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1991
Iba Pa
Gumising!—1995
g95 12/22 p. 12-13

Isang Matagumpay na Paaralan na Pambuong-Daigdig

HINDI ito ilang mahal na paaralang pribado o prestihiyosong unibersidad na maaari lamang pasukan ng piling ilan. Hindi, ang paaralang ito ay tumatakbo nang walang sinisingil sa mga estudyante nito. Ang mga sesyon nito ay malamang na idinaraos sa isang dako na malapit sa inyo. Ito’y tinatawag na Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro, at ito’y isinasagawa sa mga dakong pulungan ng mga Saksi ni Jehova. Mga limang milyon katao sa buong daigdig ang nag-aaral sa paaralang ito.

Maitatanong mo, ‘Ano ang mga kahilingan para sa pagpapatala? Ano ang itinuturo sa paaralan? Paano ito isinasagawa? At paano nakikinabang dito ang mga tao?’

Mga Kahilingan

Bagaman ang lahat ng tao ay malugod na tinatanggap na dumalo sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro, yaong mga nakatala ay dapat na sang-ayon sa mga turo ng pangunahing aklat-aralin ng paaralan, ang Bibliya. Sila’y hinihilingan na mamuhay ng ayon sa moral na mga kahilingan ng Bibliya. Kaya ang mga estudyante ay hindi maaaring mamuhay nang imoral na buhay. Sila’y hindi maaaring maging mga magnanakaw, lasenggo, mapakiapid, naninigarilyo, at iba pa.​—1 Corinto 6:9-11.

Tinalikdan na ng maraming paaralan ngayon ang mga tuntunin may kinalaman sa pananamit, subalit ang mga estudyanteng nakatala sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro ay inaasahang mahinhing nadaramtan ng malinis na damit. (1 Timoteo 2:9, 10) Walang kahilingan sa edad para sa paaralang ito. Ang mga batang kasimbata ng apat o limang taon na nakababasa ay nakatala at regular na nakagaganap sa mga atas, katulad din ng mga lalaki’t babaing nasa mga edad 90.

Kaayusan at Kurikulum

Upang maging kombinyente ang pagdalo, ang 45-minuto-ang-haba na mga sesyon ng Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro ay halos laging idinaraos sa gabi sa gitna ng sanlinggo. Kasunod ng maikling mga komento ng pagbati ng instruktor sa paaralan, ang unang tagapagsalita sa gabi ay nagbibigay ng 10-hanggang-15-minutong pahayag salig sa isa sa mga aklat-aralin ng paaralan. Pagkatapos, kadalasang siya ang nagsasagawa ng tatlo-hanggang-limang-minutong bibigang repaso sa materyal na tinalakay niya.

Pagkatapos, isang kuwalipikadong guro ang sumasaklaw sa mga tampok ng lingguhang atas sa pagbasa sa Bibliya, na karaniwang binubuo ng mula dalawa hanggang apat na mga kabanata sa Bibliya. Anim na minuto ang ipinahihintulot para sa repasong ito. Paglipas ng panahon mababasa ng mga estudyante na sumusubaybay sa lingguhang araling-bahay na atas na ito ang buong Bibliya.

Pagkatapos ng mga tampok na bahagi ng Bibliya, tatlong presentasyon ng mga estudyante ang ibinibigay, bawat isa’y natatakdaan sa limang minuto. Ang isa ay pagbasa sa Bibliya mula sa isang bahagi ng atas na araling-bahay. Ang dalawa pang presentasyon ay salig sa materyal na mula sa aklat na gamit sa paaralan na hinihimok ang lahat ng estudyante na basahin bilang paghahanda sa klase. Pagkatapos ng bawat atas ng estudyante, ang instruktor ng paaralan ay nagbibigay ng komendasyon at, kadalasa’y, mga mungkahi para sa ikasusulong.

Ang payo ng instruktor ng paaralan ay salig sa publikasyong Giya sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro, na bawat estudyante’y inaasahan na maingat itong pag-aralan. Upang mapasulong ang isang partikular na katangian ng pagsasalita para sa kaniyang susunod na atas, ang estudyante ay maaaring hilingin na repasuhin ang isang kabanata mula sa giya, gaya ng “Kaugnayan sa Tagapakinig at Gamit ng Nota,” “Angkop na mga Ilustrasyon,” “Pag-ulit at Pagkumpas,” at “Pagdiriin ng Diwa at Pag-iiba-iba ng Tono.”

Sa ilang pamayanan ang Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro ay may karagdagang klase para sa pagbasa’t pagsulat at pagpapasulong ng pagbasa. Sampu-sampung libo ang natutong bumasa o mapasulong ang kanilang pagbasa sa gayong mga klase ng pagbasa’t pagsulat. Halimbawa, sa Mexico sa pagitan ng 1946 at 1994, mahigit na 127,000 ang natulungang matutong bumasa’t sumulat.

Pagtulong sa Milyun-Milyon

Sa buong daigdig ang Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro ay tumutulong sa mga pagsisikap ng mga magulang na maglaan ng isang mabuting edukasyon para sa kanilang mga anak. Ang disiseis-anyos na si Moriah ay nagsabi: “Natuto akong magsaliksik ng impormasyon at magsanay ng aking mga presentasyon. Ngayon ang bawat takdang-aralin na nakukuha ko sa haiskul ay madali na lamang.”

Ang kinse-anyos na si Matthew, na nakatala sa Paaralan sa Pagmiministro sa gulang na pito, ay nagsabi: “Malaki ang bentaha ko sa aking mga kasamahan pagdating sa tagumpay sa akademiko. Nagtamo na ako ng mga kasanayan sa pag-aaral at pakikinig at ng kakayahan na mabisang magpahayag ng mga talumpati.” Ganito pa ang susog ng kaniyang 17-anyos na kapatid, na si Phil: “Natulungan ako ng Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro na magkaroon ng higit na tiwala sa sarili. Alam ko na kapag ako’y binigyan ng isang atas, magagampanan ko ito.”

Naturuan din ng Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro ang mga adulto. Si Michael, na naabot ang mga tunguhin na gaya ng pagbibigay ng mga presentasyon sa pangasiwaan, ay nagpaliwanag: “Ako’y labis na mahiyain nang sumali ako sa Paaralan sa Pagmiministro. Hindi na ako mahiyain. Ang paaralan ay nagbigay ng ligtas na kapaligiran, kaalaman, mga kasanayan, at personal na pampatibay-loob na kailangan ko upang mapagtagumpayan ang aking pagkamahiyain.” Isang magulang ang nagsabi: “Nadarama kong napunan ko ang napalampas kong mga pagkakataon upang matuto bilang isang kabataan.”

Sa isang maliit na nayon sa Latin-Amerika, ang mga miyembro ng Kagawaran ng Edukasyon ay dumalo sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro. Pagkatapos makinig sa lokal na tagapagsalita, isa sa mga bisita, isang prinsipal sa paaralan, ang nagsabi: “Imposibleng ang taong ito na nakikilala nating hindi marunong bumasa’t sumulat ay makapagsalita sa Kastila [sa halip na sa kaniyang katutubong diyalekto], gaano pa ang magsalita sa harap ng mga tagapakinig, subalit gayon nga ang ginagawa niya.”

Oo, ang Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro ay isa sa pinakamahusay na paaralan sa daigdig! Maaari nitong tulungan kapuwa ang bata’t matanda na magkaroon ng isang mabuting edukasyon. Gaya ng sabi ng isang kabataan, “Inirerekomenda ko sa lahat na nag-iisip na sumali sa paaralan na sumali na kaagad.”

[Larawan sa pahina 13]

Ang Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro ay tumutulong sa milyun-milyon na magkaroon ng isang mabuting edukasyon

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share