Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g97 2/22 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1997
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Lahar—Kasunod na Resulta ng Bundok Pinatubo
    Gumising!—1996
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1997
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1996
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1998
Iba Pa
Gumising!—1997
g97 2/22 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Pagkakaibigan Ipinaaabot ko ang aking taimtim na pagpapasalamat sa inyo para sa artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Bakit Ako Nawawalan ng mga Kaibigan?” (Mayo 22, 1996) Wala kayong ideya kung gaano kalaki ang naitulong ng artikulong ito sa akin. Ipinakita nito sa akin na, sa kabila ng mga balakid, posible pa rin na magkaroon ng nagtatagal na pagkakaibigan. Kung minsan, nawawala ang ating mga kaibigan dahil sa pinatatagal natin ang paglutas ng mga di-pagkakaunawaan. Nakatulong sa akin ang artikulong ito na mapaglabanan ang aking mga kahinaan sa bagay na ito.

A. M. P., Brazil

Dumating sa tamang panahon ang artikulo. Tatlong buwan na ang nakararaan ang pinakaiingat-ingatan kong pakikipagkaibigan sa isang batang babae ay unti-unting nanlamig; umabot kami hanggang sa punto na hindi na nagkikibuan. Nang dumating ang artikulo, binasa naming pareho ito ng aking kaibigan at natanto namin na kami’y gumagawi nang may kahangalan. Pinag-usapan namin ang mga bagay-bagay at nilinaw ang lahat ng hindi namin pagkakaunawaan. Ngayo’y napasiglang muli ang aming pagkakaibigan.

N. T., Italya

Sakuna sa Bulkan Natatandaan ko ang balita tungkol sa pagsabog ng Bundok Pinatubo noong 1991. Subalit nalimutan ko na ang tungkol dito hanggang sa nabasa ko ang artikulong “Mga Lahar​—Kasunod na Resulta ng Bundok Pinatubo.” (Mayo 22, 1996) Kailanma’y hindi pa ako nakaririnig ng tungkol sa mga lahar at naakit ako sa artikulong ito. Ang tibay ng loob at pagiging matulungin ng pamilyang Garcia, bagaman sila’y nasa daanan mismo ng lahar, ay totoong kahanga-hanga.

S. F., Canada

Humanga ako nang husto sa artikulo. Naantig ako ng mga karanasan ng mga Kristiyanong kapatid na napanatili ang kanilang kasigasigan sa espirituwal na mga bagay, bagaman sila mismo’y nasa mga kalagayang mahirap. Napalakas ang loob ko nito na huwag pahintulutan ang maliliit na problema upang hindi makadalo sa mga Kristiyanong pagpupulong o makahadlang ito sa aking pakikibahagi sa gawaing pangangaral. Salamat sa artikulong ito!

S. D., Italya

Kaming mag-asawa ay hindi pa nakaririnig kailanman ng tungkol sa lahar, subalit ngayo’y natanto namin kung gaano kaseryoso at kapanganib ang mga ito. Ibig naming ipaalam sa aming mga kapatid sa Pilipinas na sila at yaong mga tumutulong sa kanila ay ipinanalangin namin.

C. A. B., Guatemala

Berdeng Kislap Kababasa ko pa lamang ng “Nakakita Ka Na ba ng Berdeng Kislap?” (Mayo 22, 1996) Ilang taon na ang nakalilipas, habang nasa himpapawid sa palumpungan sa Alaska, nagulat ako sa nakitang isang kislap na kulay mangasul-ngasul na luntian na tumagal lamang sa isang iglap. Ngayon lamang ako nakabasa ng artikulong nagpapaliwanag hinggil sa bagay na ito. Kung minsan ay iniisip ko na maaaring ito’y isang bagay lamang na naguguni-guni ko!

G. C., Alaska

Mga Sumpong ng Pagkataranta Ibig kong magpasalamat dahil sa artikulong “Pagharap sa Sumpong ng Pagkataranta.” (Hunyo 8, 1996) Anim na taon na akong nakararanas ng gayong sumpong. Pagkatapos na maglingkod bilang isang payunir (buong-panahong ebanghelisador) sa loob ng isang taon, kinailangan kong huminto sapagkat wala na akong lakas para batahin ang mga sumpong. Anong sakit nang hindi ito maunawaan ng aking malalapit na kaibigan dahil sa ako’y mukhang malusog naman. Mahirap ilarawan kung gaano ako kaligaya nang aking mabasa ang artikulong ito.

O. S., Ukraine

Ako’y naglingkod na bilang isang buong-panahong ministro sa loob ng walong taon. Subalit sa loob ng maraming taon, nakadama ako nang kawalang-halaga at nakaranas ako ng matinding pagkaligalig. Nang mabasa ko ang artikulong ito na naglalarawan sa mga sintomas na katulad ng sa akin, sinimulan ko agad na ikapit ang payo nito. Nagsimulang bumuti ang aking pakiramdam, at ang aking puso ay higit na naging panatag.

K. M., Thailand

Ako’y ginamot dahil sa mga sumpong ng pagkataranta at ako’y natulungan. Subalit, lihim akong pinahihirapan ng tanong na, ‘Ako ba’y mahina sa espirituwal o tamad?’ Naalis ng aking pagbabasa ng artikulo ang napakabigat na pasan sa aking mga balikat.

P. P., Finland

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share