Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g97 7/8 p. 31
  • “Ang Pinakagrabeng Pandaraya sa Siyensiya”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Ang Pinakagrabeng Pandaraya sa Siyensiya”
  • Gumising!—1997
  • Kaparehong Materyal
  • Pook ng Bungo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Subalit Tunay ba Ito?
    Gumising!—1992
  • Inililigaw ng mga Siyentipiko ang Publiko
    Gumising!—1994
  • Isang Magaling na Reyna na Tumalo sa Obispong may Masamang Balak
    Gumising!—1998
Iba Pa
Gumising!—1997
g97 7/8 p. 31

“Ang Pinakagrabeng Pandaraya sa Siyensiya”

NG KABALITAAN NG GUMISING! SA BRITANYA

Ang taong Piltdown, na natuklasan noong 1912, ay “ang pinakagrabeng pandaraya sa siyensiya ng dantaon,” ang sabi ng The Times ng London. Ito’y ibinunyag na isang pandaraya noong 1953 pagkatapos na mapatunayan ng mga siyentipikong pagsisiyasat na sa halip na isang “missing link” na ipinalalagay na kawing sa ebolusyonaryong pinagmulan ng tao, ang bungo ay mula sa isang makabagong tao at ang ibabang panga ay mula sa isang oranggutang. Sino ang nagpasimuno ng gayong tusong pandaraya?

Sa loob ng mga taon ang pinaghihinalaang tao ay si Charles Dawson, ang abogado at isang baguhang heologo na nakatuklas ng labi. Ang iba pang pinaghihinalaan ay sina Sir Arthur Keith, isang masigasig na ebolusyonista at dating pangulo ng Royal College of Surgeons; ang Britanong awtor na si Sir Arthur Conan Doyle; at ang Pranses na paring si Pierre Teilhard de Chardin. Gayunman, walang kapani-paniwalang katibayan at sa dakong huli ay nanagot si Dawson.

Ngayon, ang totoong may sala ay nakilala. Siya’y si Martin A. C. Hinton, dating curator ng zoology sa Natural History Museum ng London, na namatay noong 1961. Siyam na taon na ang nakalilipas, isang baul na yari sa kanbas na pag-aari ni Hinton ang natuklasan sa museo. Nasa loob nito ang mga ngipin ng elepante, mga piraso ng fossil ng hipopotamus, at iba pang mga buto, na maingat na sinuri. Ang lahat ay natuklasang binahiran ng iron at manganese sa katulad na proporsiyon na gaya ng mga buto ng Piltdown. Subalit ang nagpapatibay na salik ay ang pagkatuklas ng chromium sa ngipin, na ginamit din sa proseso ng pagkukulay.

Sa paghaharap ng mga katibayang ito, si Propesor Brian Gardiner, ng King’s College, ng London, ay nagsabi: “Kilala si Hinton na mapagbiro. . . . [Ang kaniyang] motibo ay ipinakita ng ilang sulat.” Ganito ang pagtatapos ni Gardiner: “Tiyak na tiyak ko na siya ang gumawa nito.” Ipinakikita ng katibayan na naghiganti si Hinton kay Arthur Smith Woodward, ang nakatataas sa kaniya, na hindi nagbigay ng pagkilala sa kaniya o ng salapi na inaakala niyang dapat niyang tanggapin. Si Woodward ay matagumpay na nalinlang, at hanggang sa kaniyang kamatayan limang taon bago nabunyag ang tungkol sa panghuhuwad, nanatili siyang kumbinsido na totoo ang Piltdown. Ang tanging katanungang nananatiling hindi nasagot ay, Bakit hindi agad inamin ni Hinton ang pandaraya nang mismong aminin ni Woodward sa madla ang pandaraya? Tila dahil sa gayon na lamang kadaling tinanggap ang Piltdown sa gitna ng mga siyentipiko, anupat inakala ni Hinton na wala na siyang ibang magagawa kundi ang mabuhay sa kasinungalingang ginawa niya.

Dahil sa pagtaguyod ng kilalang mga tao sa bungo ng Piltdown, ang publiko ay nadaya rin. Kapansin-pansin ang paglalathala ng mga museo sa buong mundo ng mga kopya at mga larawan ng bungo, samantalang ikinalat ng mga aklat at diyaryo ang balita. Hindi masabi ang lawak ng nagawang masamang epekto ng pagbibiro ni Hinton. Angkop na angkop nga ang sinabi ng Bibliya: “Kung paanong ang taong hangal ay naghahagis ng mga dupong na apoy, mga pana, at kamatayan, gayon ang tao na nandaraya at nagsasabing ‘Ako’y nagbibiro lamang!’”​—Kawikaan 26:18, 19, Byington.

[Dayagram sa pahina 31]

Ang maitim na mga bahagi ay mga piraso ng bungo ng tao

Ang buong mapusyaw na bahagi ay ginawa mula sa eskayola

Ang maitim na mga bahagi ay mga labi ng panga at ngipin ng oranggutang

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share