Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g97 8/8 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1997
  • Kaparehong Materyal
  • “Naiyak Ako sa Tuwa”
    Gumising!—1992
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1993
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—2002
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1993
Iba Pa
Gumising!—1997
g97 8/8 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Panlalait Ang serye ng “Mula sa Salitang Nakasasakit Tungo sa Salitang Nakagagaling” (Oktubre 22, 1996) ay bahagi lamang ng napakaraming artikulo na nagpapakita kung gaano kalaki ang pagmamalasakit sa atin ni Jehova. Ang mga artikulo tungkol sa “Tulong Para sa mga Alkoholiko at sa Kanilang mga Pamilya” (Mayo 22, 1992), “Mga Babae​—Karapat-dapat sa Paggalang” (Hulyo 8, 1992), “Tulong Para sa mga Anak ng Nagdiborsiyo” (Abril 22, 1991), at “Magwakas Pa Kaya ang Karahasan sa Pamilya?” (Pebrero 8, 1993) ay tumulong sa akin sa loob ng mga taon ng emosyonal na pang-aabuso sa kamay ng isang alkoholikong asawang lalaki. Binasa ko ang mga artikulong ito taglay ang luha ng kagalakan at kalungkutan. Nag-uumapaw sa pagpapahalaga ang aking puso sa isang Diyos na nakababatid ng takot, kirot, at masasaklap na karanasan na nasa pinakakaloob-looban natin.

J. C., Canada

Naantig ako nang husto ng mga artikulo. Gayung-gayon ang pagkakalarawan nila sa dinaranas kong kalagayan sa aking asawang lalaki. Talagang sumasang-ayon ako sa bawat pangungusap. Napakamaibiging pinakikitunguhan ninyo ang mga babae, at ito’y nagbibigay-katiyakan sa akin na ang organisasyong ito ay ginagamit ni Jehova.

P. S., Alemanya

Hinimok ako ng mga artikulo na magpatuloy sa pakikipaglaban sa aking kahinaan sa pamamagitan ng pagsupil sa aking dila. Ngayon ay batid ko na kung paano ko dapat pakitunguhan ang aking asawang lalaki. Lumuluha ako habang aking binabasa ang mga artikulo.

G. I., Austria

Ako’y naging biktima ng marahas na panlalait mula sa aking asawang lalaki sa loob ng mga taon. Nagawa kong iwasan na mahulog sa kawalang-pag-asa sa pamamagitan ng paglinang sa mga bunga ng espiritu ng Diyos at sa pamamagitan ng pagiging abala ko sa buong panahong gawaing pangangaral. Ipinadama ng inyong mga artikulo na hindi ako nag-iisa​—na may isang nakauunawa sa aking problema.

M. N., Italya

Noon pa ma’y marami na akong nababasang mga artikulo ninyo, subalit ang mga ito ang nakaantig sa akin nang husto. Para kong nakikita ang aking ina o aking kapatid na babae habang aking tinitingnan ang larawan sa pahina 9, na sa loob ng maraming taon ay nagdusa sa mga kamay ng kani-kanilang asawa. Nagpakopya ako ng mga artikulong ito at ipinadala ang mga ito sa iba na alam kong nagdurusa sa ganitong paraan. Inaasam-asam natin ang pagdating ng bagong sanlibutan ng Diyos, kung saan ang lahat ng uri ng mapang-abusong pananalita ay mawawala na.

B. P., Kenya

Nang ibigay ko ang magasin sa aking tiyo na nanlalait sa kaniyang maybahay, binasa niya ito nang ilang ulit. Pagkatapos, napansin namin na hindi na niya inaabuso ang kaniyang asawang babae at hindi na nagkaroon ng anumang kaguluhan sa kanilang tahanan. Silang mag-asawa ay patuloy na nagpapasalamat sa akin dahil sa pagtulong sa kanila na maunawaan ang kanilang mga sarili. Ibig kong itawid ang pagpapasalamat na ito sa Gumising!

F. F., Nigeria

Dating Sugapa Ako’y nagpapasalamat para sa artikulong “Ibinalik ng Katotohanan ang Aking Buhay.” (Oktubre 22, 1996) Ako’y 19 na taong gulang, at bagaman ako’y isang regular payunir, o nasa pambuong-panahong paglilingkuran, kung minsan ako’y nakadarama na parang may kulang sa akin. Natulungan ako ng karanasan ni Dolly Horry na maunawaan na ang pagiging kaakit-akit ng sanlibutan ay isang ilusyon lamang.

R. M. A., Bolivia

Ibig kong ipaalam sa inyo kung gaano ako naantig ng artikulong ito. Habang binabasa ko ang salaysay ng buhay ni Dolly Horry, napaluha ako. Idinadalangin ko na sana’y maantig ng artikulong ito tungkol sa dating buhay ni Dolly ang iba anupat gawin nilang makabuluhan ang buhay sa ngayon.

O. S. O., Nigeria

Bilang isa sa mga Saksi ni Jehova, ikinararangal ko si Dolly Horry na maging isang Kristiyanong kapatid na babae. Noong panahon ng aking kabataan ay inilalagay ko si Jehova na ikalawa sa aking buhay. Subalit, hindi sumuko ang aking ina at siya’y talagang tuwang-tuwa nang ako’y nabautismuhan noong nakaraang taon.

B. B., Australia

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share