Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g97 12/8 p. 3-5
  • Ano ang Pinakamabuti sa Bata?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ano ang Pinakamabuti sa Bata?
  • Gumising!—1997
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Mapagpipilian Ukol sa Karapatang Mangalaga sa Bata
  • Mga Suliraning Maaaring Makaharap
  • Karapatang Mangalaga sa Bata—Isang Timbang na Pangmalas
    Gumising!—1997
  • Pagkilos sa Pinakamabuting Kapakanan ng Inyong Anak
    Gumising!—1988
  • Ang Diborsiyo ay May mga Biktima
    Gumising!—1991
  • Karapatang Mangalaga sa Bata—Ang Relihiyon at ang Batas
    Gumising!—1997
Iba Pa
Gumising!—1997
g97 12/8 p. 3-5

Ano ang Pinakamabuti sa Bata?

MAGDIDIBORSIYO o hindi magdidiborsiyo? Iyan ang malaking katanungan sa isipan ng maraming mag-asawa na hindi maligaya. Noong araw ang diborsiyo ay pinagkukunutan ng noo, kung hindi man hinahatulan, sanhi ng moral at relihiyosong mga kadahilanan. At sinumang magulang na hindi maligaya ang pag-aasawa ay karaniwang nananatiling magkasama alang-alang sa mga bata. Gayunman, lubhang nagbago na ang mga pamantayang ito ng daigdig nitong nakakaraan. Sa ngayon ay malawakang tinatanggap ang diborsiyo.

Gayunman, sa kabila ng pagtanggap sa diborsiyo, mas maraming magulang, hukom, siyentipikong panlipunan, at iba pa ang nagpapahayag ng pagkabahala tungkol sa masasamang epekto ng diborsiyo sa mga bata. Mas maraming opinyon ng pagbababala ang naririnig ngayon. Ipinakikita ng dumaraming ebidensiya na ang diborsiyo ay maaaring magkaroon ng mapangwasak na epekto sa bata. Ang mga magulang ay hinihimok na pag-isipan ang mga kahihinatnan ng diborsiyo para sa kanilang sarili at sa kanilang mga anak. Ang sosyologong si Sara McLanahan, ng Princeton University, ay nagsasabing “sa pagitan ng dalawang-katlo at tatlong-kapat ng mga pamilya na nagdiborsiyo ang dapat sana’y nagpahintulot ng higit na panahon at higit na nag-isip-isip kung tama nga ang kanilang ginagawa.”

Ipinakikita ng mga pagsusuri kamakailan na ang mga anak ng nagdiborsiyo ay higit na nanganganib na magdalang-tao habang tin-edyer pa, huminto sa pag-aaral, manlumo, magdiborsiyo sa kanila mismong pag-aasawa, at mapabilang sa mga taong tumatanggap ng tulong mula sa pamahalaan. Sa Kanluraning daigdig, 1 sa 6 na mga bata ay apektado ng diborsiyo. Ganito ang sabi ng mananalaysay na si Mary Ann Mason, sa kaniyang aklat tungkol sa karapatang mangalaga sa bata sa Estados Unidos: “Ang isang batang ipinanganak noong 1990 ay may mga 50 porsiyentong tsansa na sumailalim sa hurisdiksiyon ng hukuman sa isang kasong nagsasangkot ng kung saan at kanino titira ang bata.”

Nakalulungkot naman, ang alitan ay hindi laging nagwawakas sa diborsiyo, yamang maaaring patuloy na maglaban ang mga magulang sa mga hukuman tungkol sa karapatang mangalaga at karapatan sa pagdalaw, anupat nagdudulot ng higit na tensiyon sa kanilang mga anak. Ang madamdaming labanang ito ng pagtatalo sa loob ng hukuman ay sumusubok sa katapatan ng mga anak sa kanilang mga magulang at kadalasang nagpapangyari sa kanila upang manghina at matakot.

Isang tagapayo sa pamilya ang nagsabi: “Hindi sinasagip ng diborsiyo ang mga bata. Sinasagip nito kung minsan ang mga may sapat na gulang.” Ang totoo ay na sa pamamagitan ng pagdidiborsiyo, maaaring malutas ng mga magulang ang kani-kanilang mabibigat na problema, subalit kasabay nito, maaari rin silang magdulot ng matinding dagok sa kanilang mga anak, anupat maaaring gugulin nila ang natitirang bahagi ng kanilang buhay sa pagbabayad para sa pinsala.

Mga Mapagpipilian Ukol sa Karapatang Mangalaga sa Bata

Sa alitan at igting ng damdamin ng paghihiwalay ng mag-asawa, totoong mahirap ayusin kung sino ang may karapatang mangalaga sa mga bata sa hinaharap sa isang mahinahon at makatuwirang paraan. Upang mabawasan ang paghaharap ng mag-asawa at maiwasan ang demandahan, ang ilang hurisdiksiyon ay nag-aalok ng isang alternatibong paraan upang lutasin ang mga pagtatalo, gaya ng pagkakasundo sa labas ng hukuman.

Kapag napangasiwaan nang wasto, ang pagkakasundo ay nagpapahintulot sa mga magulang na gumawa ng isang kasunduan sa halip na ipaubaya sa isang hukom ang pagpapasiya kung kanino mapupunta ang bata. Kung hindi posible ang pagkakasundo, ang mga magulang ay makagagawa ng isang kaayusan para sa karapatang mangalaga at pagdalaw sa pamamagitan ng kanilang mga abogado. Minsang magkasundo ang mga magulang at ilagay ito sa isang kasulatan, ang hukom ay maaaring lumagda ng isang kautusan na naglalaman ng kani-kanilang mga naisin.

Kapag hindi magkasundo ang mga magulang sa kaayusan kung sino ang mangangalaga, ang legal na sistema sa karamihan ng mga lupain ay maglalaan ng paraan upang matiyak na naipagtatanggol kung ano ang pinakamabuti para sa mga bata. Ang mga bata ang pangunahing pagmamalasakitan ng hukom, hindi ang mga magulang. Isasaalang-alang ng hukom ang maraming nauugnay na mga salik, gaya ng kagustuhan ng mga magulang, ang kaugnayan ng bata sa bawat magulang, ang mga kagustuhan ng bata, at ang kakayahan ng bawat magulang na maglaan ng araw-araw na pangangalaga. Pagkatapos ay titiyakin ng hukom kung saan at kanino titira ang bata gayundin kung paano gagawin ng mga magulang ang mahahalagang desisyon tungkol sa kinabukasan ng bata.

Sa kaayusan ng solong karapatan sa pangangalaga, ang isang magulang ay maaaring may awtoridad sa pagpapasiya. Sa kaayusan ng pinagsamang karapatan sa pangangalaga, dapat magkaisa ang kapuwa mga magulang sa mahahalagang desisyon, gaya ng pangangalaga sa kalusugan at edukasyon ng bata.

Mga Suliraning Maaaring Makaharap

Kapag napaharap sa usapin tungkol sa karapatang mangalaga sa bata, dapat isaalang-alang ng mga magulang na mga Saksi ni Jehova kung ano ang pinakamabuti para sa espirituwalidad ng mga bata. Halimbawa, kumusta kung ang magulang na hindi Saksi ay laban sa anumang salig-Bibliyang pagsasanay sa mga bata? O kumusta kung ang magulang na hindi Saksi ay natiwalag mula sa kongregasyong Kristiyano?

Maaaring gawing mas masalimuot ng mga tagpong ito ang pagpapasiya para sa mga magulang na Kristiyano. Nais nilang kumilos sa matalino at makatuwirang paraan, at nais din nilang panatilihin ang isang mabuting budhi sa harap ni Jehova habang may pananalanging isinasaalang-alang nila kung ano ang pinakamabuti para sa mga bata.

Sa susunod na mga artikulo, susuriin natin ang mga katanungang gaya nito: Kapag nagkakaloob ng karapatang mangalaga sa mga bata, paano minamalas ng batas ang relihiyon? Paano ko mahaharap ang hamon ng kaso tungkol sa karapatang mangalaga nang matagumpay? Paano ko haharapin ang pagkatalo ko sa karapatang mangalaga sa aking mga anak? Paano ko minamalas ang kaayusan ng pinagsamang karapatan sa pangangalaga kasama ng isang tiwalag na magulang?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share