Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g98 5/8 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1998
  • Kaparehong Materyal
  • Ligtas Ba ang mga Bata sa Inyong Aso?
    Gumising!—1997
  • Aso—Laging Pinakamatalik na Kaibigan ng Tao?
    Gumising!—1985
  • Kung Paano Sasanayin ang Iyong Aso
    Gumising!—2004
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1998
Iba Pa
Gumising!—1998
g98 5/8 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Karamdaman Nabagbag ako sa artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Paano Ko Haharapin ang Aking Malubhang Karamdaman?” (Hunyo 22, 1997) Hinahangaan ko sina Jason, Ashley, at Carmen dahil sa kanilang mahusay na pakikipagpunyagi sa kanilang karamdaman.

R. D., Pransiya

Ang payo na ibinigay ninyo ay tunay na praktikal, nakapagpapasigla, at epektibo. Ang kasaysayan ni Ashley ang partikular na nakapagpatibay-loob sa akin. Ako’y isang pambuong-panahong ministro ng mga Saksi ni Jehova. Ang pagsasaisip na may mga taong gustung-gustong pumasok sa pambuong-panahong ministeryo ngunit hindi ito magawa dahil sa kalagayan ng kalusugan ay nagpatibay-loob sa akin na magtiyaga sa kabila ng aking mga suliranin.

D. I., Albania

Mula nang malaman na ako’y may Crohn’s disease, ako’y mahigit nang sampung ulit na naospital at dalawang ulit na kinailangang maoperahan. Gayunman, sa nakalipas na apat na taon, ako’y naglingkod sa nakabukod na teritoryo dito sa isang banyagang lupain. At bagaman hindi pa ganap na mahusay ang aking kalusugan, napakalaki ng ibinuti nito. Napakalaking pampatibay-loob sa akin ang mga artikulo.

G. H., Ecuador

Naglalahong Buhay-Ilang Ako’y nag-aaral ng zoology, at ang seryeng “Sino ang Magliligtas sa Ating mga Hayop?” ay tunay na nakabagbag sa akin. (Hulyo 8, 1997) Sana’y mapagtanto ng mga taong bumabasa ng mga artikulong ito kung paano naapektuhan ng kasakiman at kalupitan ang maraming uri ng hayop.

G. H., Estados Unidos

Bilang isang masugid na tagahanga ng buhay-ilang, ako’y nalugod na basahin ang inyong mga artikulo. Napakalaki ng nagagawa ng mga zoo upang matulungan ang nanganganib malipol na mga uri ng hayop. Ngunit kung ang mga zoo ang tanging pag-asa ng buhay-ilang, kung gayon ay talaga ngang nanganganib ang buhay-ilang. Ang pag-aalis sa mga hayop mula sa kanilang likas na kapaligiran at pag-aalaga sa mga ito sa mga kongkretong kagubatan ay hindi kalutasan.

M. T., Canada

Bagaman ang ganiyang pagsisikap sa konserbasyon ay kapuri-puri, naniniwala kami na ang tanging pangmatagalang kalutasan ay ang pangangasiwa mismo ng Kaharian ng Diyos sa mga likas-yaman ng lupa. (Isaias 11:9)​—ED.

Ligtas na Pag-aalaga ng Hayop Nais kong pasalamatan kayo sa artikulong “Ligtas ba ang mga Bata sa Inyong Aso?” (Hulyo 8, 1997) Ako’y 18 taon nang propesyonal na tagasanay ng aso at palagi kong idiniriin ang kahalagahan ng pagsasanay at personal na responsibilidad. Nagulat ako nang mabasa ang impormatibong artikulong ito at natutuwang makita na ang kinapanayam na tagasanay ay gumagamit ng katulad na paraan ng pagsasanay na ginagamit namin. Sana’y mabasa at ikapit ng mga may aso ang payong ito.

B. C., Estados Unidos

Nais kong idagdag ang isang punto: Ang mga aso ay likas na may reaksiyon sa pagkain. Ang isang batang ikinakampay ang isang hot dog o kendi habang lumalampas sa isang aso ay maaaring maging isang target. Hindi intensiyon ng aso na maging mabagsik, ngunit baka bigla nitong sakmalin ang pagkain at, sa paggawa nito, makagat ang kamay ng bata. Mariing pinapayuhan ang mga magulang na balikatin ang kanilang responsibilidad sa bagay na ito.

K. S., Estados Unidos

Pinasasalamatan namin ang mga karagdagang obserbasyong ito.​—ED.

Nakasasamang mga Istilo ng Buhay Pinasasalamatan ko ang artikulong “Nakasasamang mga Istilo ng Buhay​—Gaano Kalaki ang Kabayaran?” (Hulyo 22, 1997) Bilang isang kabataang Kristiyano, napapaharap ako sa maraming tukso. Ngunit ang artikulong ito ay tunay na nakatulong sa akin upang maunawaan na sa pagsunod sa mga simulain ng Bibliya, naiiwasan namin ang mga sakit at pinsala.

R. K., Estados Unidos

Nangungusap na mga Tambol Pagkabasa ng kahanga-hangang artikulong “Talaga Bang Nangungusap ang mga Tambol ng Aprika?” (Hulyo 22, 1997), pumunta ako sa aking lolo, na nasa sandaang taon na, upang tiyakin ang pagiging totoo ng salaysay. Pinatotohanan niya ang bawat detalye nito, at humanga ako!

G. M. O., Nigeria

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share